" Dati ay ang pagduda palang ang kanyang naramdaman tungkol sa asawa. Pero nakalipas ng mga araw ang kanyang pagdududa ay natuldokan na. Dahil isang araw ay matuklasan nalang niya ang isang lihim ni Smart. "
Anong klaseng gamot ito? Bakit nakatago ito dito sa aparador. Hindi ata pamilyar sa'kin ang gamot na ito. Hindi naman ganito ang gamot na iniinom ni Lola. Para saan ito? Tatanungin ko nalang si Lola para malaman ko. Kong para saan ang gamot na ito. Lola Lally, Lola pwede po kayong bumaba muna?
Bakit ijo?
May itatanong lang po ako Lola. Para saan po ang gamot na ito?
Akin na nga yan titingnan ko. Saan mo ba ito nakuha apo?
Dito yan nakalagay sa maliit na aparador Lola at marami pa yan Lola yong iba wala ng laman. Anong gamot ba yan?
Pells ito ijo. Bakit may ganito ito dito?
Para saan naman po yang pells Lola?
Iniinom ito para hindi mabuntis ang babae apo. Kadalasan ginagamit ito sa mga babaeng ayaw mabuntis oh hindi pa pwedeng mabuntis dahil bata pa ang kanilang anak.
Ho? Sino naman kaya ang iinom niyan Lola?
Malay ko? Isa lang naman dito sa ating tatlo ang pwedeng mabuntis. Ang asawa mo. Hindi naman pwede ako ang iinom? Matanda na ako at walang asawa. Aanhin ko pa and pells diba?
Ibig niyo pong sabihin Lola si Smart? Pero bakit? Bakit ayaw niyang mabuntis? Gayong mag-asawa naman kami?
Tanungin mo nalang siya ijo. Dahil siya lang makakasagot niyan. Kong sa kanya galing ang mga gamot na yan at kong bakit siya umiinom niyan.
Sige po Lola pag-uwi niya. Tatanungin ko siya.
Oh sige papasok na ako sa kwarto ijo. Kong may itatanong kapa tawagin mo lang ako sa kwarto ko.
Sige po. Kong sa kanya to? Bakit uminom siya ng ganitong gamot? Mamaya malalaman ko rin.
PHONE RINGING..
Hello Lucas tolentino speaking. Wika niya sa kausap.
Magandang umaga po sir. Si Mara po ito ang secretary niyo po.
Oh bakit? Anong kailangan mo?
May bisita mo kayo dito sa office niyo. Kanina pa siya naghihintay sa inyo.
Ganon ba? Sige sabihin mo sa kanya hintayin ako pupunta na ako diyan.
Sige po sir.
Lola alis muna ako! May kailangan lang akong puntahan sa opesina.
Sige mag iingat ka ijo.
Salamat po. Hindi ko alam ang rason mo Smart kong bakit ka uminom ng gamot na to? Mamaya pag-uusapan natin ang tungkol dito. Humanda ka sa'kin. Kahit nasa byahe ako hindi ko parin maalis sa isip ko ang tungkol sa gamot na yun. Kong bakit umiinom ang asawa ko ng gano'n?
Ma'am dito lang po kayo sa opesina ni sir Lucas. Para naman makapag pahinga kayo. Kanina pa kasi kayo dito.
Okay sige salamat po.
Mara asan ang bisita ko? Tanong agad ni Lucas pagkarating niya sa office.
Nasa opesina niyo na po sir.
Sige salamat sinabi ba niya kong anong kailangan niya?
Hindi po sir.
Sige ako na bahala. Pagpasok ko sa opesina ko nanlaki nalang ang mga mata ko sa nakita ko. Hindi ko inakalang siya ang basita ko ngayong umaga.
Magandang umaga po sir nandiyan na po pala kayo.
Scarleth? Ikaw ang bisita ko? Napayakap nalang ako sa kanya sa subrang tuwa ko.
Sir tayka lang po.
Sorry!! Natutuwa lang ako kasi dinalaw mo ako ngayon. Anong kailangan mo? Maupo ka muna dito.
Ibabalik ko lang po ito sir. Naiwan niyo po kasi kagabi.
Kaya pala hindi ko mahanap cellphone ko! Salamat Scarleth.
Okay lang po sir yan lang po sadya ko.
Uuwi kana? Iiwan muna agad ako?
Naibigay ko na po sa inyo ang cellphone niyo.
Pwede bang dito ka muna kahit saglit? Sabi ko sa kanyang habang nag mamakaawa ang mukha ko.
Okay po. Mamaya nalang ako matutulog.
Salamat Scarleth!
Ano naman ang gawin ko dito sir?
Pwede bang sabayan mo akong kumain?
Bakit hindi pa kayo nag agahan?
Hindi pa e.
Eh bakit naman? Dahil ba sa trabaho hindi muna naiisip ang sarili mo? Ikaw talaga wag mong pababayaan ang sarili mo sir. Sige ka magkakasakit ka talaga niyan? Tayka may kusina po kayo dito?
Meron? Bakit?
Sabi mo kakain tayo? Paano tayo kakain kong di ako magluluto?
Talaga? Gagawin mo yon para sa akin?
Sir, sa palagay koy bata pa kayo. Pero kong magtatanong kayo parang matanda na paulit ulit nalang.
Hahahaha kapag ikaw kasama ko mabubura lahat ang problema ko.
Sos si sir' Sige na ituro muna sakin saan ang kusina mo.
Okay dito tayo halika pasok ka sa munting kusina ko.
Wow ang ganda naman po dito sir. Natutulog din po kayo dito?
Oo kapag hindi ko na kayang umowi sa subrang pagod sa trabaho.
Kawawa naman pala kayo sir. Ang laki naman ng kusina niyo sir at ang mga gamit mamahalin talaga.
Nakakatuwa siyang tingnan manghang-mangha siya sa mga bagay.
Sir doon lang po kayo maghihintay sa labas, magluluto lang po muna ako para makakain na kayo. Wag na kayong sumagot pa. Sige na labas na kayo.
" Ilang sandali nakapag luto na si Scarleth ng adubong manok at gumawa din siya ng salad mag himagas.
Wow bango ahh!
Syempre mabango talaga yan. Sige kain kana sir ramihan mo para mabusog talaga.
Mukhang mapaparami nga ako nito Scarleth!
Opss nasa hamag kayo. Kapag kasi kumakain kayo bawal na magsasalita baka layuan na kayo ng grasya.
Bakit bawal?
Respito naman po sa pagkain sir! Bawal talaga yan samin.
Okay tatahimik nalang ako kong ganon. Halikana sabayan muna akong kumain ang dami kaya ng niluluto mo. Ilang sandali nasa gitna na sila ng kainan at nagmamadali si Scarleth tapusin ang kaunting pagkain nasa plato niya.
Tapos na ako. Nauna po ako sa'yo sir.
Eh ano naman? Kong nauna ka sa'kin?
May kasabihan kasi kong sinong mahuli siya ang maghuhugas ng pinag-kakainan.
Hahaha dapat sinabi mo agad! Ang daya mo naman e.
Dapat alam muna yan sir. Ah basta talo ka at panalo ako.
Tapos kana ba talaga?
Oo nga sir.
Bakit kapa nag ngunguya diyan?
Wala yan!! Oh tingnan mo aahh.
Okay sige na ako na ang mag-huhugas ng plato!
Yeeehheeyy si mister Lucas tolentino nag huhugas ng pinggan.
Ikaw talaga. Syempre ikaw ang nagluto kaya ako ang maghuhugas para patas tayo.
Oo nga naman. Ang saya pala dito sir kitang kita yong mga tao at ang liliit nila hahahaha. Para silang mga maliit na kuting ang liit nila.
Alam mo ba Scarleth ang saya ko ngayon.
Iba na pala ang masaya sayo sir?
Bakit? Totoo masaya ako dahil sa'yo.
Masaya daw? Bakit ang mukha mo parang inagawan ng asawa?
May problema lang.
Yon naman pala eh? May problema ka' hindi mo naman kailangan magpanggap na okay ka sir. Ilabas mo ang nasa loob mo para dika mahihirapan.
Alam mo bang! Ayaw ng asawa ko ang mabuntis.
Huh? Bakit gano'n?
Kanina lang natuklasan ko umiinom pala siya ng pells para hindi kami makabuo. Isang taon na kami nagsasama Scarleth pero wala parin kaming anak. Ngayon alam ko na.
Tinanong mo na ba siya kong bakit?
Wala pa' mamaya kakusapin ko siya pag uwi ko.
Gusto mo talagang magka-anak na sir?
Alam mo bang matagal ko na gustong magka-anak Scarleth. Pero talagang ayaw ibigay ni lord.
Wag kang mawalan ng pag-asa sir magkaka-anak ka rin.
Sana nga. Iisipin ko palang may anak ako subrang saya ko na Scarleth. Lalo na pag tatawagin niya akong papa oh di kaya daddy kay gaan sa pakiramdam.
Kong alam mo lang sir daddy kana sana pero dahil sa kaibigan mo ay kinuha siya agad sa atin. Sana nga di nalang siya nawala siguro ngayon ang saya-saya muna.
Okay kalang? Mukhang ikaw pa ata ang apiktado sa ating dalawa?
Oo sir. Napa-isip lang ako bakit naman niya gagawin yon sir? Gayong mag-asawa naman kayo.
Diko rin alam anong dahilan niya Scarleth. Pero kong ano man yon? Diko masisiguro sa kanya diko siya masasaktan.
Pag-usapan niyo po baka may pagkukulang ang isa sa inyo.
Oo Scarleth gagawin ko yan. Salamat ha,
Sige na nga sir uwi na ako, pati tuloy ako nahawa na sayo.
Sige! Mag iingat ka sa pag-uwi.
Pasensya kana pala sa nasabi ko kagabi sir.
Ah yon ba? Okay lang yon. Pero totoo lahat ang sinabi ko sayo Scarleth.
Naalala mo pa sir?
Lasing lang ako Scarleth hindi ako nagka amnesia para kalimotan ang mga sinabi ko.
Ah sige sir aalis na ako!
Tayka lang.
Po! Pagharap ko sa kanya bigla naman nag lapat ang mga labi namin. Hindi ko alam nasa likod ko na pala siya kaya nahalikan ko siya. Parang tinali ang mga paa ko at wala akong lakas para umatras oh lumayo sa kanya.
Alam kong mahal mo ako Scarleth hindi mo lang kayang sabihin dahil may asawa ako.
Pasensya kana sir.
Pwede bang wag mo na akong tawaging sir? Lucas nalang.
Sige mauna na ako.
Hintayin ko ang araw na yon Scarleth!! Araw na magkasama rin tayo kahit possible.
Nilingon ko lang siya at ngumiti bilang sukli sa kanyang sinabi. Pagkatapos tumalikod na ako paalis ng opesina niya.
Mahal na mahal kita Scarleth, kahit mali man ito gagawin ko parin ang lahat. Kong kailangan kong ipagsigawan sa buong mundo gagawin ko. Sana makapaghintay ka sa'kin Scarleth sana?
Kong alam mo lang kong ano ang totoo Lucas. Kong gaano kita kamahal at kong gaano ko kagusto marinig na mahal mo rin ako. Pero kahit baliktarin ko man ang mundo? Bawal talaga tayong dalawa. Hanggang pangarap nalang kita Lucas.
" Umowi si Lucas pagkatapos nilang mag-usap ni Scarleth. Kahit may problema man siyang hinaharap. May ngiti naman sa puso niya dahil sa babaeng mahalaga sa kanya."
Lola! tawag niya sa matandang kasama nila sa bahay.
Oh Lucas andiyan kana pala? Mabuti naman at nakabalik kana. Naroon na ang asawa mo sa kwarto niyo. Puntahan mo nalang para makapag-usap kayo.
Sige po Lola kausapin ko muna siya.
Mabuti pa para malinawan kana.
Tok!!tok!!
Pasok! Saan ka galing? Bungad agad ni Smart sa asawa.
Sa office may kliyente akong kausap. Ikaw saan ka galing? Ang aga mong nawala kanina?
Eh bakit ang tagal mong umuwi?
Pwede ba Smart? Wag mo akong umpisahan ngayon? Ikaw ang may kasalanan sa'kin.
Ano na naman ba yan? Hindi kapa ba tapos? Huh Lucas?
Ito? Diba ikaw lang naman ang umiinom nito diba? Ipaliwanag mo sa'kin yan Smart. Bakit ka umiinom ng gamot?
San mo nakuha yan? Saan mo ito nakita?
Hindi yan ang tanong ko Smart! Sagutin mo'ko kong sayo ba to? At bakit ka umiinom niyan?
Bakit? Kong sa akin yan? May problema ka?
Anong klaseng sagot yan? Smart mag-asawa tayo! Bakit ka umiinom ng gamot para dika mabuntis. Alam mo naman gusto ko ng magka-anak tayo.
Anak? Lucas hindi mo nga ako kayang pagkatiwalaan. Tapos ngayon hihingi ka sa akin ng anak? Hindi pa naman ako baliw Lucas.
Ano? Dahil na naman ba sa mana na yan? Talaga bang pera lang mahalaga sa'yo? Pera lang ang gusto mo sa akin,?
Oo Lucas pera mo lang ang gusto ko masaya kana?
WHAT?? Are you crazy Smart?
Siguro nga baliw na ako Lucas dahil nagpakasal ako sa taong wala namang tiwala sa'kin. Isang taon na tayong mag-asawa at limang taon tayong magnobya. Tapos ito lang malalaman ko? Wala kapang tiwala sa'kin? Akala mo ikaw lang ang may alam? Hindi ko gustohin ang magka-anak tayo Lucas kong ganyan ka sa'kin.
Pwes kong ayaw mo sakin then go!! Umalis ka sa buhay ko at sa bahay ko. Para saan pa ang pag-sasama natin? Kong ayaw mo lang din mabuntis? Naglukohan lang tayo dito e.
Talagang aalis ako Lucas wala ka namang silbe? Wala ka na ngang time sa'kin. Tapos ngayon ikaw pa may gana magalit?
Bakit hindi? Mali ang ginawa mo Smart. Ano pa ang silbe ng pagsasama natin? Kong ayaw mo rin pala magka-anak tayo?
Wag na wag mo akong hanapin Lucas. Sisiguraduhin ko sa'yo pagsisihan mo kong bakit mo ginawa sa'kin to?
Huh!! Magsisisi ako? Hindi Smart dahil wala ka namang pakialam sakin bilang asawa mo. Pera lang ang mahalaga sa'yo hindi ako.
Aalis talaga ako sa bahay mo. Hindi ko kayang makisama sa taong walang tiwala sa akin. Asawa nga ako pero hindi naman ako kayang pagkatiwalaan.
Ay di umalis ka? At wag ka nang bumalik sa buhay ko..
Talagang hindi na. Never na akong babalik sa'yo magkamatayan man tayo.
Apo saan ka pupunta? Sandali nga muna.
Isa ka pa? Magsama kayo walang kwenta.
**
Ano bang mali sa'kin Lola? Bakit nagawa sa akin ni Smart ito?
Walang mali sa'yo ijo wala. Wag mong sisihin ang sarili mo.
Bakit ganon ang asawa ko? Hindi ko alam kong saan ba ako nagkulang sa kanya. Ilang besis ko namang sasabihin sa kanya. Hindi ko pa magawang bigyan siya ng mana kong wala pa ang daddy ko.
Lucas siguro panahon na para malaman mo ang tungkol sa asawa mo. Mabuti na sigurong maghiwalay kayong dalawa habang maaga pa.
Ang alin Lola? May tinatago pa ba si Smart sakin? Bukod sa pag-iinom niya ng pells?
Oo Lucas kagimbal-gimbal na secreto ng asawa mo. Kailangan mong malaman ang tunay niyang pakay sa'yo.
Anong ibig mong sabihin Lola?
Si Smart at si. Hindi natapos ni lola Lally ang sasabihin dahil sumigaw ng malakas si Smart mula sa kwarto.
Lolaaaa ano? Hindi kapa ba aalis?
Hindi ko pinapaalis si Lola. Kong gusto mo? umalis ka kong saan ka pupunta. Wag mong idamay si lola Lally.
Hindi ako aalis hangga't nandito pa ang matandang yan. Sasama kaba sa'kin Lola oh may uutosan pa akong kargahin ka palabas?
Smart kong aalis ka? Bahala ka kong saan ka pupunta. Ako dito lang napamahal na ako sa bahay na to. Kahit diman atin to atlest binigay naman ito ni Lucas para sa atin.
Makapal din pala ng mukha mo. kong ipagsiksikan mo pa ang sarili mo sa bahay nato?
Wag mong pagsalitaan si Lola ng ganyan Smart? Lola mo parin siya respituhin mo.
Wala kang pakialam? Lola ko nga siya kaya gagawin ko kong anong gusto ko.
Sige na Lucas sasama nalang ako sa kanya. Para wala ng gulo.
Pero Lola may sasabihin kapa sakin diba?
Sa susunod nalang ijo! Ang importante makaalis na kami dito kong lagi naman kayong nag aaway.
ABANGAN