Walang nagawa si Lucas sa pag-alis ni Smart at ang Lola nito. Kahit nagugulohan siya alam niyang may matinding sekreto ang asawa niya. Dahil sa kanyang narinig mula kay Lola Lally "
Sa oras na malaman kong niluluko mo lang ako Smart. Humanda ka sa akin hindi mo pa ako lubos na kilala. Walang sino mang makakaligtas sa akin kong sakali mang naglako ka.
PHONE RINGING..
Hello inspector Larry speaking!!
Yes ako to si Lucas tolentino!
Mister tolentino? Ano ang sadya niyo? Salamat naman naisipan mo akong tawagan.
Oo inspector Larry. May kailangan ako sayo pwede ba tayo magkita?
Sige sige!! Walang problema kong ok lang sayo? Pupuntahan nalang kita diyan para makapag-usap tayo.
Walang problema Larry. Sige puntahan mo nalang ako bukas.
Sige for now ibaba ko muna ito para makapag handa narin ako bukas. Alam ko sa pagtawag mo sa'kin ngayon may matindi kang problema.
Aasahan kita bukas.
"Ano kaya ang namuong plano ni Lucas? Gayong wala na sa puder niya ang asawang si Smart. Malalaman na ba ni Lucas ang matinding lihim ng dalawa?"
Good morning inspector Larry!! Maupo ka,
Salamat' Namiss ko ang paglingkuran kayo Mister tolentino, lalong-lalo na ang iyong ama.
Maraming salamat kong ganon!
Ano ang problema?
May paimbestigahan ako sayo!
Sino?
Si Smart Garcia tolentino!
Kong ganon asawa mo?
Oo pero wala na kami!
Bakit? At para saan ang pag-iimbestiga ko sa asawa mo?
May nasabi mismo ang Lola niya sakin! Pero hindi na tuloy ang sasabihin ng matanda sa'kin. Biglang tinawag ito ni Smart kaya naudlot ang pag-uusap namin.
Ganon ba? May pagdududa ka sa yong asawa?
Oo Larry sa tuwing nag-aaway kasi kami puro nalang mana ang lumalabas sa bibig niya.
Gets ko na ang ibig mong sabihin Lucas. Wag kang mag-alala gagawin ko ang iyong utos.
Maraming salamat Larry! Alam kong dimo ako bibiguin!
Makakaasa ka!!
Sige' salamat sa oras mo!!
E kumosta mo nalang ako sa daddy mo Lucas!
Sige gagawin ko yan.
Paalam!
Ngayon Smart kong ano man ang plano mo? Ay malalaman ko rin yan. Sisiguraduhin mo lang hindi kita mabuko. Kong napatunayan kong may kasalanan ka? Asahan mong kulongan ang bagsak mo.
**
Apo saan na tayo titira?
San pa ba? Sa dati nating bahay tayka lang may tatawagan pa ako!
Sino naman?
Pwede ba wag kang maraming tanong? " Hello"
Rain may tumawag sayo. Hindi naka register ang number.
Akin na sige mauna na kayong umalis Junny.
Hello mahal' ikaw pala bakit napatawag ka?
Umalis na ako sa condo ni Lucas.
Anoooo? Bakit?
Nahuli na niya ako Rain. Wala na akong kawala pa.
Alam na niya? Ang ibig mong sabihin alam na niya ang tungkol satin?
Hindi. Yong pag-iinom ko ng pells.
Bakit niya nalaman? Baka hindi ka nag-iingat?
Diko alam? Ano? Magagalit ka rin sa'kin? Gano'n?
Hindi naman' pero paano ngayon yan?
Siguro uuwi muna kami sa bahay namin.
Kasama mo yong asungot?
Syempre naman? Pag-iiwan ko to mas lalong magka-problema tayo!
Sige sige' Mabuti pa nga umalis na kayo don sige mag-ingat ka dadalaw din ako mamaya.
Sige hintayin kita mahal.
**
Woooowww Scarleth ang galing mo talagang sumayaw!! Wwwoooooooo Scarleth Scarleth. Sigaw ng mga taong nasa club at pinapanood si Scarleth sa pag-sayaw.
Subrang sikat kana talaga ah? Kalain mo dati hindi kapa marunong sumayaw. Pero ngayon? Tingnan mo sila Scarleth pangalan mo lagi ang lumalabas sa mga bibig nila.
Hindi naman Donna pariho lang tayo dito.
Scarleth kitang-kita naman sa mga pag mumukha ng mga yan. Parang aso naglalaway diyan sa katawan mo.
Ikaw talaga. Palabiro ka talaga Donna pero salamat dahil sa inyo kaya natuto akong sumayaw.
Oo nga naman. Alam mo ba narinig namin ang pinag-usapan niyo ni momshe. Scarleth mamimiss ka namin pag-aalis kana dito.
Malabo pa yon' sabi ni momshe sa'kin wala pa akong kapalit dito. Kaya hindi pa niya ako pwedeng paalisin.
Pero pag meron kanang kapalit! Makakalabas kana dito. Wag mo kaming kalimotan ha!
Kayo talaga di pa nga ako nakaalis eh. Ang lulungkot na ng mga mukha niyo!!
Kasi mamiss ka namin Scarleth. Kahit hindi man tayo gaanong close diba Joy?
Oo nga naman. Kasama ka parin namin dito at napamahal ka narin samin bilang kasama mo sa trabaho.
Sos salamat talaga sa inyo ha!! May naging kaibigan ako.
Oy oy bilisan niyo diyan. Paparating na si momshe dito. Baka mahuli tayong lahat nag kwentuhan lang. Scarleth bumalik kana don.
"Nag si balikan na lang mga babaeng nag umpokan sa harap ni scarleth!"
**
Kinaumagahan sabay na naman kami ni Santa sa pag-uwi ng apartment. Kaso nong paglabas namin ng club ayon si Lucas nag-aabang na sa'kin.
Ang gwapo niya talaga scarleth!
Oo nga eh? Kong wala lang yang asawa nako papatulan ko talaga yan.
Gaga pinatulan mo na nga eh minahal mo pa nga' diba?
Oo na' tumahimik kalang papalapit na siya sa atin.
Hay scarleth!!
Lucas, bakit nasa labas ka?
Ikaw ang sadya ko dito!
Ako? Bakit?
Pwede bang imbetahan kang mamasyal?
Oyyy kinikilig na yan? Tukso sa akin ni Santa na mas kinilig pa sa'kin ang bruha.
Pwede ba Santa tumahimik ka. Nakakahiya kay sir Lucas ang ingay mo.
Sos nahiya kapa? Oo na agad ang sagot niya sir. Alam ko na yan sige mauna na ako Scarleth enjoy ride.
Anong enjoy ride ka diyan? Dipa nga ako pumayag eh.
Pwede ba scarleth?
Sige na Scarleth pumayag kana. Pa hard to get pa ito eh. Pahabol ni Santa sa amin.
Sige sir' Pasensya kana sa kaibigan kong lukarit.
Bye bye mister guy. Enjoy enjoy kayong dalawa.
Tara sakay ka sa kotse ko.
Salamat po sir. Habang nasa byahe kami tahimik lang ang bawat isa sa amin. Pero hindi ako nakatiis nakakailang siyang kasama ngayon. Lalo na ngayong ang tahimik niya parang may problema.
Sir pwedeng magtanong?
Oo naman!
Bakit mo pala ako gustong makasama mamasyal?
Gusto ko lang kalimotan ang problema ko Scarleth!! At alam ko pagkasama kita mawawala ang galit dito sa puso ko.
Ganon ako ka special? Bulong ko habang nakatingin sa labas.
Oo naman!!
Ay narinig niyo pala sir? Ay sorry pasensya na nagbibiro lang ako.
Anong sorry ka diyan? Totoo naman eh special ka dito sa puso ko.
Bawal yan sir. Dapat asawa mo lang ang laman niyan!
Wala na kami Scarleth.
Bakit? Anong wala? Anong nangyari sa inyo sir?
Huminto nalang ako sa pagmamaniho para harapin tong babaeng tanong ng tanong tungkol sa'kin. Kasi nagalit siya nong tinanong ko siya tungkol sa Pells.
Ang babaw naman ng dahilan non sir? Siya na nga ang may mali. Siya pa ang nagalit? Sinabi ko yon habang nakaharap siya sakin. Pero ang tingin ko ay nasa labas ng bintana. Kong saan nakita ng mga mata ko si Rain at Smart!! Akma Na sana niyang ibalik ang tingin sa daan bigla ko nalang hinawakan ang ulo niya at hinalikan para hindi niya makita si Rain at Smart.
Para saan yon? Pagtataka niya sa ginawa kong paghalik ko sa kanya.
Ahh wala sir!! Patay ka Scarleth bakit mo yon ginawa? Mag-isip ka ng dahilan Scarleth. Dalian mo mukhang magka-problema ka dito.
Ahh pa-thank you ko sayo sir. Oo nga' yun nga dapat ang ginawa ko diba?
Halik? Pang thank you para saan?
Sa pag-imbeta mo sakin. At kunwaring nag-iisip pa ako para hindi siya titingin sa labas.
At ano? Wala kanang maisip?
Wala na ehh..
Ikaw talaga ang kulit mo rin pala?
Medyo.
Gusto ko yan' tara na nga.
Hay Salamat wala na rin sila Rain at Smart!! Nakilala ko lang si Smart dahil nakita ko sa office ni sir ang wedding picture nilang dalawa. Pero bakit? Si Rain ang kasama niya? Bakit ang sweet naman ata nila? Kong mag-kaibigan lang? Parang may mali ah?
Hoyyyy ano na?
Bakit sir? Anong ano na sir?
Kanina pa nakabukas ang pinto ng kotse andito na tayo. Kaya kong pwede? Bumaba kana para makapag pamasyal naman tayo.
Ay ganon ba sir! Sorry diko na pansin!
Paano mo naman mapansin? Ang lalim ng iniisip mo? Ano ba yon?
Wala sir!!
Okay kakain mo na tayo.
Sige po mukhang nagugutom na ako eh.
"Namasyal sila Lucas at Scarleth sa park kahit saan-saan na sila umabot. Halos nilibot na nila ang buong sulok ng park upang maglibang lang. Mapansin naman ni Lucas inaantok na si Scarleth at nakaramdam narin ito ng pagod.
Kawawa naman tong kasama ko mukhang inaantok na!! Scarleth?
Sir? May sasabihin kayo?
Okay kalang ba?
Pasensya na sir' inaantok lang ako. Hindi ko na kasi mapigilan ang mga mata ko.
Okay ihahatid na kita sa inyo. Pasensya kana talaga nadamay kapa tuloy sa problema ko. Pero salamat pala sa pagsasama sa'kin!
Ayos lang po yon sir. Tayka lang sir tingnan mo yong langit mukhang uulan ata siya.
Oo nga!! Halikana malayo-layo pa dito naka parking ang kotse ko.
Bilisan natin sir ayan na siya unti-unti ng bumagsak sir wala pa naman tayong payong.
Ito jacket ko ikaw na ang mag suot para hindi ka mababasa.
Pano po kayo?
Okay lang tara na!! Hanggang sa nakarating na kami sa kotse kong saan naka parking pero basang-basa na kami pariho!!
Okay kalang?
Hatsho hatsho!! Tila sisipunin ako sir. Pasensya na po.
Halika nga dito!! Nilagay ko ang kamay ko sa noo niya upang tingnan kong may lagnat siya..
Ano sir?
May lagnat ka. Bakit ngayon sinabi?
Sos sinat lang to sir!! Mawawala din to!!
Ano kaba naman Scarleth. Hindi pwede ang sinat-sinat lang sa akin. Deritso tayo sa condo ko para magamot kita may nga gamot ako don.
Salamat po sir. yon lang ang na sagot ko sa kanya at tuloyan ng pumikit ang aking mata.
Nakatulog na pala siya!! Kawawa naman ito. Napagod pa tuloy dahil sa'kin. Kay bait mo Scarleth kahit na galing kapa sa ganyang trabaho? Makikita talaga ang ganda ng yong loob kahit sa pang labas na anyo. Bakit ngayon kalang Scarleth? Bakit ngayon kalang dumating sa buhay ko? Sayang diko magawang ipag-sigawan ang nararamdaman ko sayo. Sana hayaan mo lang ako mahalin ka. Dindi ko kaya Scarleth kong mawala kapa sa buhay ko. Pagkarating namin sa condo binuhat ko nalang siya dahil sa pagod at ang taas pa ng lagnat..
"dito na tayo Scarleth tayka lang humiga ka dito sa kama, ano bang gagawin ko? Basang basa ang damit mo! Bahala na nga bibihisan nalang kita. Hindi ako nagpadala sa emotion ko. Hindi ko nalang pinansin ang maganda niyang katawan binihisan ko nalang siya para makapagluto ako ng makakain namin.
ABANGAN..