FLA: Chapter 2 (Pag-krus ng Landas)

2464 Words
Hindi makapaniwala si Anthony sa sinabi sa kanya ng kaibigan na kung bakit malamig si George sa kanya. Gumagawa lang daw ito ng rason para mag-away at magkahiwalay silang dalawa para malaya na si George sa kanyang bago.             “Parang hindi naman eh. Hindi ganyan si George, baks. Alam ko na faithful at loyal siya sa akin”             “Sigurado ka ba diyan?”             “Oo naman. Sigurado ako”             “Oh sige, ikaw ang bahala. Basta sinabihan na kita tungkol diyan”             “Don’t worry, baks. Kilala ko si George. Hindi niya gagawin yan” Tumaas na lang ang dalawang kilay ni Grace sa sinabi ng kaibigan. Kita sa mukha niya na hindi siya naniniwala kay Anthony at pinagtatakpan niya lang ito.  “Pinapaalala lang kita baks ha. Alam mo naman ang kuwento nila noon ng dating asawa niya. Marami siyang naging ka-affair”  paalala niya kay Anthony  “Diba ikaw na ang nagsabi na may nangyayari sa kanila ng dating assistant niya na si Lucas?”             “Yeah I know. Noon yon. Pero he’s a changed man”             “Changed man ka diyan. Naku baks. Walang ganyan. A cheater is always a cheater. Tandaan mo yan”             “Ibahin mo si George. Mabait siyang tao”             “Well. Ikaw ang bahala”  sagot ni Grace  “Basta huwag mo akong kakausapin o susumbatan kapag tama ako”             “Grabe ka naman”             “Eh totoo naman e”  at tinignan ni Grace ang mata ng kaibigan  “Baks. Iwan mo na si George hanggang maaga pa. Masasaktan ka lang. Please. Para naman sa’yo ito eh”             “Ewan ko...”  buntong-hininga ni Anthony  “Parang siya na ang buhay ko baks eh. Hindi ko alam kung saan ako pupulitin kapag nagkahiwalay kami. Sa totoo lang, sirang-sira na ang buhay ko”             “That’s why ayusin mo ang buhay mo ngayon bago pa mahuli ang lahat. Baks. Kaibigan kita at ayaw kitang nakikita na nahihirapan” Sa likod na nanlulumo na mga mata ni Anthony ay ngumiti ito sa kaibigan.  “Ano ka ba? Huwag ka ngang maawa sa akin, kaya ko ‘to noh. Ako pa ba...” *** Dakong alas-singko ng hapon nang makauwi si Zeek sa kanilang bahay. Nang pagpasok niya ay may bigla siyang narinig na iyak mula sa kanilang silid na mag-asawa. Nagtaka ito at nagdesisyon na magtungo kaagad sa kanilang silid upang tignan kung sino ang umiiyak.             “Berry..?”  tanong ni Zeek sa kanyang asawa na nakaupo at humagolgol sa iyak. Umupo si Zeek sa tabi ng umiiyak na asawa  “Bakit ka umiiyak?? Si Baby Ace..? Okay ba siya?”             “Oo Cookie. Okay ang baby natin. Natutulog na siya”  patuloy pa rin ang pamumula ng kanyang pisngi sa pag-iyak.             “E anong nangyari?? Bakit ka umiiyak?” Hinawakan na lang ni Hazel ang kamay ng asawa at tinignan niya ito sa mata.  “Cookie?? Ipangako mo muna sa akin na mamahalin mo pa rin ako kahit anong mangyari”             “Oo naman. Mahal kita, okay?”  haplos ni Zeek sa pisngi ni Hazel  “Huwag ka nang umiyak. Ano ba talaga ang problema Berry?”             “Ito oh…”  sabay turo niya at itinaas ang kanyang damit para ipakita muli ang mga stretch marks niya sa asawa “Sobrang pangit talaga, Cookie”   Nagpabuntong-hininga na lang si Zeek sa asawa, nag-aalala talaga kasi siya kay Hazel dahil umiyak ito at parang malaki ang problema… pero ito lang pala.             “Hay Berry. Akala ko kung ano na…”             “Hindi lang na ‘kung ano na’ ito, Cookie. Katawan ko ‘to. At sobrang pangit na ako”             “Akala ko ba ay napag-usapan na natin yan kaninang umaga? Hindi pa pala tapos yan”             “E kasi ehh. Parang mga kalmot ng mga pusa” Tumayo si Zeek sa kama at niyakap ang asawa na nag-iinarte  “Berry… kahit ano pa ang itsura mo, mamahalin pa rin kita. Kahit puro kalmot ng pusa ang tiyan mo, mahal na mahal kita”             “Iiiiihhh naman eh..”  iyak ni Hazel na parang bata             “Oh bakit?? Tama naman Berry. Ang importante naman ang nararamdaman kong pagmamahal sa’yo. Hindi ang itsura mo” Napangiti na lang si Hazel sa matatamis na mga salita sa kanya ng asawa. Niyakap niya lang ito ng mahigpit  “Salamat Cookie. Mahal na mahal din kita. Walang iwanan, okay?”             “Walang iwanan”  sagot ni Zeek. *** Samantala. Kakauwi lang ni Anthony sa kanilang bahay ni George. Tila pagod ito sa mula sa paglabas nila ng kaibigan na si Grace. Pero nung pagpasok niya ay nagulat siya sa kanyang nakita dahil nandoon na si George at kumakain ng meryenda sa kusina.             “Babe...”  panimula ni Anthony habang lumalakad ito papunta sa kanya  “Ang aga mo naman yata”             “Bakit? Bawal ba?”             “Hindi. Wala naman akong sinabi na bawal”  dugtong niya kay George  “Nagulat lang kasi ako dahil gabi ka na umuuwi. Ganon lang”             “Okay...”  at itinapon ni George ang maliit na mangkok na pinalagyan niya ng ice cream sa lababo  “Sabi mo eh”  sabay alis niya sa harap ni Anthony.             “Babe...”  sabay hawak niya sa braso ni George  “Galit ka pa rin ba sa akin?? Sorry na oh”             “Nasabi ko na ang lahat kanina ang gusto kong sabihin”  sagot ni George  “Depende na sa’yo kung ano ang pagka-intindi mo”             “Oo na babe. Alam ko na malaki ang pinagbago ko at iyan ang dahilan kung bakit ka galit sa akin. Pasensiya na”  sabay hawak niya kay George ng mahigpit  “Basta bigyan mo lang ako ng isa pang pagkakataon para mapatunayan sa’yo na mahal kita”             “Sige...”  panimula ni George  “Pagbibigyan ko ang gusto mo”             “Talaga babe??”  at lalo niya pang hinigpotan ang pagyakap kay George  “Maraming salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataon”             “Sige na. Bitawan mo na ako”  unti-unting kinukuha niya ang mga braso ni Anthony na nakapulupot sa kanyang katawan  “Magbibihis na ako”             “Huwag ka munang magbihis, babe”             “Bakit?”             “Kasi may pupuntahan pa tayo”             “Saan naman yan?”  kunot ng kanyang noo             “Kakain tayo sa labas. Pupunta tayo sa mall”             “Talaga?? Treat mo ako?”             “Wala akong pera babe eh. Ikaw na lang”             “Sabi ko na nga ba”  singhap ni George  “Sige na. Alis na tayo”             “Yehey! Thanks babe” Lumakad sila kaagad palabas ng bahay at sumakay ng sasakyan ni George. Walang nagawa si George kundi hayaan na lang ang gusto nito na umalis kahit labag ito sa kanyang kalooban. ***             “Cookie. Baakit pa tayo umalis at nagpunta ng mall?”  habang lumalakad sila sa loob ng department store  “May bibilhin ka ba?”             “Oo. Meron Berry”             “Ano naman yun? Sana naghintay na lang tayo ng Sunday para makasama si Mama at si Baby Ace”             “Mabilis naman tayo dito. At isa pa, masyadong baby pa ang anak natin para makalabas”  paliwanag ni Zeek sa asawa  “Kaya mag-enjoy ka muna dahil ipagsha-shopping kita”             “Ano?? Tama ba ang narinig ko...?”             “You heard me”  ngiti ni Zeek kay Hazel  “Kaya pumili ka na ng gusto mo para makabayad na tayo sa cashier kasi gumagabi na. Alam ko naman na matagal ka pang makapili ng gusto mo...” Nagulat si Zeek sa biglang pagyakap ng asawa sa kanya  “Thank you, Cookie. Salamat dahil sobrang bait mo”             “Oo naman. It’s my responsibility as a husband to make my wife happy. Kasi mahal kita at gusto ko na mapasaya kita kahit sa ganitong paraan lang. Alam ko na may pinagdadaanan ka kasi ngayon sa katawan mo eh”  sabi niya asawa at kinilig naman si Hazel nang sabihin iyon ni Zeek sa kanya              “You’re so sweet Cookie” Ngumiti na lang si Zeek sa sinabi ng asawa “Sige na. Pumili ka na”             “Sige Cookie. Mag-uumpisa na ako ha”             “Sure. Take your time. Uupo lang ako dito”   Magkalipas ang isang oras na paghahanap ni Hazel ng mga gusto niyang damit, ay sa wakas ay nakapagbayad na sila at makakauwi na ng bahay.             “Sorry Cookie ha. Marami kasing magagandang damit dito sa mall eh. Kaya mahirap sa akin na magdesisyon kung ano talaga ang kukunin ko”  sabay pakita sa asawa ang limang bag na pinamili nila.             “It’s okay. I expected that naman eh”  sagot ni Zeek  “Ang importante ay happy ka. So, happy ka ba?”             “Yes Cookie. Super happy”             “I’m happy that you’re happy”  dugtong niya  “Masarap sa pakiramdam kapag nakikita kita na masaya, Berry”  napangiti na lang si Hazel na parang kinikilig ito dahil tinititigan siya ng kanyang asawa  “Ang ganda mo talaga, Berry.”             “Salamat Cookie ha. Salamat talaga sa lahat. For spoiling me and for the love”             “Anything for my queen”  sabay kuha niya ng kamay ng asawa at hinalikan ito.             “Zeek...?” nagulat at napatingin ang mag-asawa sa biglang nagsalita sa kanilang harapan.             “George”  sagot ni Zeek sabay lunok ng kanyang laway  “Kamusta...?”             “Ito. Masaya. Kasama ang aking pinakamamahal na si Anthony”  agad niyang inakbay si Anthony at piniga ang balikat nito  “E ikaw?? Kamusta kayong mag-asawa?”             “Actually, we’re happy din Sir”  sabat ni Hazel sa kanya  “Sa katunayan nga ay binilhan ako ng asawa ko ng mga damit at gamit ko. Haay. Ito talaga ang asawa ko, parati niya akong sinosorpresa at pinapadama niya sa akin na para akong reyna”             “Wow. Talagang masaya nga kayo”  tanging sagot ni George. Halata sa boses niya na nasaktan siya sa sinabi ni Hazel. Napansin at nahalata naman din ito Anthony pero mas pinili niya na lang na tumahimik  “So I guess, mauna na kami? Maglilibot pa kasi kami eh. Bibilhan ko pa ang babe ng gusto niya”  sabay pisil ng balikat ni Anthony             “Sure. Mag-ingat kayo and have fun”  sagot ni Zeek. Hindi sumagot si George at lumakad silang dalawa palayo sa mag-asawa. Samantala tinignan naman ni Zeek ang asawa na tila may ibig sabihin.             “What...? Bakit ka ganyan makatingin sa akin, Cookie?”             “Ano yon? Anong drama yon? Kailangan mo pa talaga na ibunyag sa kanila ang tungkol sa atin?”             “Cookie. Sorry na. Si George kasi eh. Nang-iinis”  dahilan ni Hazel sa asawa  “Pinamumukha niya sa atin na masaya sila kaya nasabi ko yon. Pasensiya na”             “Kahit na. Ang pangit pakinggan at isa pa, hindi naman sila importante eh. Huwag mo nang uulitin yun ha”             “Okay po, Cookie. Pasensiya na ulit”             “It’s okay, Berry. Basta promise mo sa akin na hindi mo na uulitin yon”             “Promise Cookie. So, uwi na tayo?”             “Hindi pa”             “Ha?? Bakit? Saan pa ba tayo pupunta?”             “Kakain. Gutom na gutom na ako eh”             “Eh dun na lang tayo kumain sa bahay. Walang kasama sina Mama at Baby Ace”             “Ano ka ba, Berry. Minsan lang naman tayo nakalabas, lubos-lubusin na lang natin ito”  paliwanag niya sa kanyang asawa  “Sige na, please??”             “Ohhh sige na nga. Pero basta magpaalam ka muna sa bahay”             “I already did, Berry. Sinabihan ko na si Mama kanina bago tayo umalis”  paniniguro ni Zeek sa kanya  “So?? Lets eat?”             “Sige na nga. Tayo na”             “Yey.! Sa wakas, pumayag ka na din”  sabay ngiti ni Zeek dahil sobrang saya ito dahil pumayag ang kanyang asawa na magtagal muna pa sila sa mall upang kakain. *** Samantala. Habang naglilibot sina Anthony at George sa mall. Hanggang ngayon ay kitang-kita sa mukha ni George na nasaktan siya na makita na masaya si Zeek kasama ang kanyang asawa. Hindi pa rin kasi siya nakapag-move-on sa kanta dahil sobrang-sobra niya minahal ang batang yon.             “Babe...? Okay ka lang?”  panimula ni Anthony.             “Oo. Okay lang ako”  sagot niya             “Parang hindi eh. Yung totoo, okay ka lang ba talaga..?”             “Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na ayos lang ako...!”  biglang pagtaas ng boses ni George. Maraming tao ang nakatingin sa kanila dahil nga sa biglang pagsigaw niya kay Anthony.             “Babe. Huwag kang sumigaw dito. Nakakahiya”             “Ikaw ang nakakahiya”  sabay bulong nito kay Anthony  “Ang kulit mo eh”             “Pasensiya na. Nagtatanong lang naman ako”             “I don’t care”             “Babe? Galit ka ba sa akin?” Hahawakan na sana ni Anthony ang braso ni George pero umiwas ang isa.  “Huwag mo akong hawakan. Kasalanan mo ‘to eh”             “Ha? Ano ba ang naging kasalanan ko sa’yo?? Wala naman ah”             “Kung hindi dahil sa kaartehan mo na pumunta dito, hindi sana kami nagkita ni Zeek at ng asawa niya”             “Parang yon lang? Galit ka na?”  dugtong ni Anthony  “Hindi ko naman alam na andito sila. Ginusto ko ba yon?”             “Wala akong pakialam kung ginusto mo o hindi. Basta ikaw ang sinisisi ko sa nangyari”             “What?? Teka. Sandali lang ha. Bakit ka ba ganito ka-apektado nung nagkita mo ang ex mo?? May nalalaman ka pang ipagbibili mo ako ng gusto ko. Ano yon? Pinagseselos mo siya....?? Don’t tell me na may nararamdaman ka pa sa kanya...”             “Ano?? Ano naman bang kahibangan yan”             “Eh uminit ang ulo mo nung nagkita tayong apat kanina eh. Lalung-lalo na nung sinabi ng asawa niya na masaya sila”  paalala ni Anthony sa kanya  “Akala mo ba ay hindi ko nahahalata ang reaksyon mo kanina?? Halata ko at kitang-kita ko sa mata mo na nasasaktan ka”             “I don’t know what you’re talking about”  at naunang lumakad si George at iniwan si Anthony             “Saan ka pupunta...? Iwan mo ako...??!”             “Uwi na tayo. Nawalan na ako ng gana dito”             “Babe naman. Huwag ka nang magalit. Sorry na. Nagulat lang ako” Pero hindi siya pinansin ni George at patuloy pa rin ang kanyang paglakad. Nagdesisyon na lang siya na lumakad at hinabol ito.   Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD