Kakalabas lang ng mag-asawa sa isang mamahaling restaurant. Tila hindi makalakad ng maayos ang dalawa at humihingal ito dahil marami ang kanilang kinain dito.
“Naparami yata ang kinain ko, Cookie. Parang tataba ako nito” sambit ni Hazel sa asawa.
“Minsan lang naman ‘to, Berry. Okay lang yun” sagot ni Zeek “At hindi ka tataba noh. Ang sexy mo kaya. Hindi tatalab ang taba sa’yo”
“Sus. Nambola ka pa Cookie”
“No, I’m not. Totoo ang mga sinasabi ko, Berry”
“Oo na. Sige na, naniniwala na ako” habang lumalakad sila palabas ng mall “Cookie?”
“Yes Berry?”
“Tignan mo nga sa telepono mo kung anong oras na” utos niya sa asawa “Baka hinihintay na tayo ng baby natin”
“Oh sige” kaagad naman kinuha ni Zeek ang kanyang telepono at tinignan ito kung anong oras na. Pero iba ang kanyang nakita at napalaki ang mga mata niya dahil sa maraming tawag at text na natanggap niya “Ang daming tawag si Mama”
“Ha? Bakit siya tumawag?”
“Teka Berry. Check ko muna ang text niya” at binasa naman iyon kaagad ni Zeek ang mga mensahe ng kanyang ina “OH s**t!!”
“Oh bakit Cookie?? Ano ba ang sabi ni Mama??!”
“Ang huling mensahe ni Mama ay one hour ago pa” habang nanginginig ang kamay niya habang binabasa niya ito “Nasusunog ang bahay...”
“What??!! Oh my god, Cookie. Ano pa ang hinihintay natin. Let’s go! Umuwi na tayo, baka ano na ang nangyari sa kanila”
Kahit hingal na hingal sila sa kabusogan ay tumakbo pa rin sila papunta sa parking lot na kung saan nandoon ang kanilang sasakyan. Wala na silang sinayang na oras dahil baka ano na ang nangyari sa mag-lola nila sa bahay.
Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na sila sa kanilang destinasyon. Nanlaki ang kanilang mga mata nang pagdating nila sa labas ng kanilang bahay. Maraming mga tao ang nakatumpok at nagkagulo sa labas dahil sa nangyari. May isang truck ng bombero din doon na parang katatapos lang nila mag-apula ng apoy.
Hindi napigilan ni Hazel na bumaba ng sasakyan at tinignan ang bahay. Totoo nga ang text ni Vivian sa kanila kanina na nasusunog ang bahay pero hindi nila napansin iyon dahil kumakain sila ng hapunan sa restaurant.
Huli na ang lahat. Huli na dahil natupok na ng apoy ang kanilang bahay na pinaghirapan nilang patayuin magkalipas ang ilang taon na pagtatrabaho. At wala siyang ideya kung ano na ang nangyari sa kanyang anak at sa biyenan na si Vivian.
“Ma’am. Ikaw ba ang may-ari ng bahay na ‘to?” tanong ng isang lalaki na naka-uniporme ng bombero.
“Opo Sir. Ano po ang sinimulan ng sunog?”
“Hindi pa namin alam kung ano ang dahilan ng sunog pero huwag po kayong mag-alala dahil mag-iimbestiga kami kaagad” sagot niya kay Hazel “As of now, pumasok na po ang tauhan namin upang i-check ang loob ng bahay”
“Salamat po Sir” sagot ni Hazel “So nasaan po ang mga tao sa loob?”
Hindi nakasagot ang bumbero dahil may lumabas na dalawang stretcher. Dalawang nakahiga na nakatakip ang buong katawan nila ng puting kumot.
Parang alam na ni Hazel kung sino ang dalawang nakahiga at wala nang buhay. Umiyak na lang si Hazel at nilapitan ang dalawang bangkay at niyakap ng sobrang higpit.
“Ang baby ko...” iyak ni Hazel “Wala na ang baby ko.... Mama.... Sorry talaga... hindi namin napansin ang tawag at text mo... pasensiya na talaga”
“Ma?? Baby Ace??” sambit naman ni Zeek sa likuran ni Hazel. “Pasensiya na talaga.... Diyos ko.... hindi ko alam na mangyayari ito sa inyo”
Humarap si Hazel sa asawa at nanlilisik ang kanyang mga mata “Kasalanan mo ‘to. Kasalanan mo ‘to!!!” at binugbog niya ng suntok si Zeek sa dibdib habang umiiyak. “Kung hindi ka lang sana naging pabaya. Sana buhay pa sila ngayon!!”
Niyakap na lang siya ng asawa ng sobrang higpit at umiyak na rin “Shhh. Berry. Tama na... Sorry. Sorry talaga. Alam ko na kasalanan ko talaga ito”
“Hinding-hindi kita mapapatawad....” patuloy pa rin ang pag-iyak niya habang niyakakap siya ng kanyang asawa ng mahigpit.
Sa gitna ng yakapan at iyakan ng mag-asawa ay inistorbo sila ng isang bumbero “Ma’am. Sir. Pasensiya na po sa istorbo pero dadalhin na namin ang mga bangkay sa morgue”
“Sige” sabay alis ni Hazel sa pagkayakap niya sa asawa at pinunasan ang kanyang mga luha “Kayo na ang bahala sa anak at sa biyenan ko”
“Wala pong problema, Ma’am. Sige po, alis na kami” at tumingin siya kay Zeek “Sir..?? Alis na kami”
“Sasama ako” sabay tingin niya sa asawa “Berry, sasamahan ko muna sila ha. Doon ka muna dumerecho sa bahay nina Daddy at Mommy. Susunod ako”
Pero hindi sumagot si Hazel sa pagpapaalam niya dito. Umalis na lang si Zeek kasama ang ambulansya na sakay ang bangkay ng kanilang mahal sa buhay.
***
Samantala. Sa bahay ni George.
Habang papasok sila ng bahay...
“Parang bitter ka ‘ata sa nakita mo kanina ah” panimula ni Anthony
“What? Ano ang ibig mong sabihin?” kunot ng noo ni George
“Huwag ka nang magkaila pa. Alam ko na umiba ang mood mo nung nakita mo ang ex mo at ng kanyang asawa na masaya”
“Seryoso ka...?” habang lumapit si George sa kanya “Lahat na lang ba ng galaw ko ay binibigyan mo ng ibig sabihin...??”
“Bakit? Totoo naman diba? Na mahal mo pa rin siya” ulit ni Anthony sa kanya “My god!! Its been years, hindi ka pa rin ba nakakapag-move-on sa kanya?”
“Ang dami mong alam. Pwede ba, tumahimik ka”
“Anong tumahimik?? Bakit? Ayaw mo bang marinig na masaya na ngayon ang ex mo sa asawa niya?” pagdidiin pa niya lalo kay George “O baka naman mahal mo pa rin siya kasi nagagalit ka sa nakita mo kanina”
“I said, shut up!! I don’t owe you an explanation sa naramdaman ko kasi hindi mo naman ako pagmamay-ari!! Okay?” doon natigilan si Anthony at parang sinampal siya ng katotohanan na sinabi sa kanya ni George “Know your place...”
Nasaktan si Anthony at parang kumurot ang dibdib niya nang marinig niya iyon. “Ano ang ibig mong sabihin?? Wala na tayo?? Hindi mo na ako mahal?” pero hindi sumagot si George “George. Sumagot ka!!”
“Wala. Basta. Magpahinga ka na dahil gabi na”
Tumalikod muli si George pero pinigilan siya ni Anthony at hinawakan ang isang braso nito “Huwag kang tumalikod. Kinakausap pa kita” pagmumula ng ilong niya “Bakit ganyan na lang ang pakikitungo mo sa akin, babe? Parang hindi na kita kilala”
“Look who’s talking” dugtong ni George “Kung ako sa’yo, tumahimik ka na lang dahil kahit anong gawin mo, hindi na talaga ako magbabago. Tama ka, hindi na ako ang dating George na minahal mo noon”
“Bakit?? Ano ba talaga ang naging kasalanan ko sa’yo...?” iyak niya kay George
“Ilang beses ko nang sinabi sa’yo. Ikaw lang ang makakatama sa mga mali mo”
“Alam ko naman yon at pinagsisihan ko na ang mga ginawa ko. Andito na ako oh. Bumabawi sa mga nagawa ko”
“Talaga?? Sorry. But it’s still not enough”
“Ano ba ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo lang ako?? Sabihin mo lang para bumalik ang dating George na minahal ko”
“So naramdaman mo na ngayon ang naramdaman ko sa’yo” paalala ni George sa kanya “Binigyan ko ulit ng pagkakataon ang relasyon natin dahil akala ko ikaw pa rin ang dating minahal ko. Pero iba nag-iba ka na. Masyado ka nang selfish, naging immature at naging user”
“I’m sorry babe. I’m really sorry. Hindi ko sinasadya na saktan ka” sabay yakap niya kay George “Ginawa ko lang naman yun dahil mahal kita eh” pero walang sinagot ang isa sa kanya “Sabihin mo lang babe. Gagawin ko lahat para lang maibalik ang pagmamahal mo sa akin”
“Wala na. Wala ka nang dapat na mapatunayan sa akin. Tapos na”
“What do you mean?”
Walang sabi-sabi ay lumakad at dumerecho si George palayo at nagtungo siya sa kanyang silid. Iniwan niya si Anthony na nakatayo habang umiiyak sa kanyang sinabi.
***
Kinalaunan ng gabing iyon.
Kararating lang ni Hazel sa bahay ng kanyang mga magulang para doon muna magpalipas ng gabi dahil wala na talaga silang natira na gamit sa nasunog nilang bahay.
“Mommy...” iyak ni Hazel habang papasok siya sa bahay at kaagad niyakap ang kanyang ina.
“Natanggap ko ang message mo, anak. Totoo ba ang nangyari???” at tumango si Hazel bilang sagot “Diyos ko... tumahimik na sana ang kaluluwa ng aking balae at ang aking apo”
“Mommy... okay lang ba kung dito muna kami manirahan ni Zeek pansamantala?”
“Oo naman anak. Walang problema sa amin ng Mommy mo” dugtong naman ni Arnold sa kanyang anak “Welcome na welcome kayo dito sa bahay” ngiti niya sabay tapik nito sa balikat ni Hazel.
“Salamat Daddy. Pero don’t worry po, hahanap kami kaagad ng bahay na malilipatan kapag nagkaipon ulit kami”
“Its okay, Hazel. Kahit magtagal pa kayo dito. Okay lang sa amin ng Mommy mo”
“Salamat po ulit Daddy”
“Teka. Saan na ba si Zeek, anak?” tanong naman ni Daisy
“Sumama po siya sa ambulansya na patungo sa morgue, Mommy. Siya na po ang nag-asikaso sa mga bangkay ng anak ko at ni Mama”
“Good. Mabuti naman kung ganon” dugtong ni Arnold “Oo nga pala, ano nga pala ang totoong nangyari? Nasaan kayo kanina habang nasusunog ang bahay ninyo?”
“Nasa mall po... pinagbili po ako ng asawa ko ng mga gamit tapos kumain sa restaurant” kuwento ni Hazel habang tumutulo ang kanyang luha “Hindi po namin alam na nasusunog na pala ang bahay”
“E si Vivian?? Hindi ba siya tumawag sa inyo na may nangyayari sa bahay ninyo?”
“Wala po Dad” pagsisinungaling ni Hazel
“Ganon ba...” sabay hinga ng malalim naman ni Daisy “Kawawa naman sila... lalung-lalo na ang apo ko. Sobrang bata niya pa”
Hindi nakasagot si Hazel sa mga sinabi ng kanyang magulang at umiyak na lang ito na parang baby habang lumalakad siya papunta sa kanyang Daddy. “Daddy... wala na si Baby Ace. Wala na ang baby ko...” iyak niya habang yakap-yakap siya ni Arnold.
“Shhh. Tahan na baby. Andito na si Daddy” sabi niya sa anak habang nanlulumo din ang kanyang mga mata dahil sa pagkawala ng kanilang apo “Kailangan niyo lang na magtulungan na mag-asawa sa nangyari sa inyo ngayon. Alam ko na mahirap pero kailangan ninyong magpatuloy sa buhay” Hindi siya sumagot sa payo ng ama at niyakap niya na lang ito ng sobrang higpit.
Magkalipas ang isang oras ay naka-uwi na si Zeek sa bahay at kaagad dumerecho sa kanilang silid. Nadatnan niya si Hazel na nakaupo sa kama at parang tulala.
Lumakad siya patungo sa asawa at tinabihan ito at niyakap ng sobrang higpit.
“Huwag mo akong hawakan” sambit ni Hazel sa asawa.
“Galit ka pa rin ba sa akin, Berry?? Sorry na oh. Hindi ko naman alam eh”
“Hindi alam?” ulit niya “Kung tinignan mo siguro ang cellphone mo at nabasa ang text ni Mama, malamang ay buhay pa silang dalawa” habang nanlulumo ang kanyang mga mata
“Bakit ako ang sinisisi mo?? Hindi ko naman ginusto ang nangyari ah” balik niya kay Hazel “Nanay at anak ko ang namatay... sa tingin mo ba ay masaya ako sa nangyari..??”
“Pero pinabayaan mo pa rin sila. Hindi ka naging aware sa mga dapat na mangyari. Nagpabaya ka”
Sasabog na sa galit si Zeek pero nagdesisyon na lang siya na kumalma dahil naiintindihan niya ang kanyang asawa.
Tumayo siya lumabas na lang ng silid at pumunta sa sala para doon na lang magpalamig ng kanyang ulo at para umiwas na lang sa gulo.
***
Kinabukasan, Sa bahay ni George.
Kakalabas lang ni Anthony at pumunta sa kusina. Doon niya nakita si George na nagluluto ng kanilang agahan.
“Good morning babe” sabay yakap niya mula sa likuran ni George.
“Good morning” tanging sagot ni George.
Sumilip siya sa kawali upang tignan kung ano niluluto ni George. “Wow. Kare-kare. Masarap yan ah. Breakfast ba natin yan, babe?”
“Hindi”
“Lunch?”
“Hindi din?”
“Ha?? E para saan yan? At bakit ka nagluluto kung hindi naman natin kakainin:
“Para ito kay Zeek”
“Kay Zeek...?” ulit ni Anthony sa kanya. Biglang uminit muli ang tenga niya dahil sa narinig nito “Bakit...? Ano na naman ba ‘to?”
“Kakainin niya”
“Kakainin...? Bakit? Wala ba silang pagkain sa kanila? So ano ka? Katulong nila? Ikaw pa talaga ang magluluto para sa kanila??” sarkastikong sagot ni Anthony sa kanya.
“That’s none of your business. Magluluto ako ng ulam sa ayaw mo o sa gusto, at para kanino, okay??”
“Anong ‘that’s none of my business’ ang pinagsasabi mo...” ulit ni Anthony sa kanya. Parang tinutusok ng kutsilyo ang kanyang puso sa sobrang sakit nang marinig niya iyon “May I remind you na partner mo ako. Dapat mong sabihin sa akin ang mga kilos mo lalung-lalo na tungkol sa ex mo na si Zeek”
“Ang aga pa, Anthony. Huwag kang magsimula ng gulo”
“E putang-ina....!! E ikaw nga ang gumagawa ng gulo..!!” balik sa kanya ni Anthony “Tapos ako pa...? Huwaw ha”
“Ang ingay mo. Pwede ba, bumili ka na lang sa labas ng makakain natin...? Nagugutom na ako eh”
Biglang tumaas ang kilay nita sa inutos sa kanya ni George. “Seryoso ka..? Bibili pa ako ng pagkain natin? E bakit hindi na lang natin kainin yan”
“Sundin mo na lang ang utos ko bago pa ako magalit ng tuluyan sa’yo”
“Fine...” at lumalakad palabas na lang si Anthony. Sinunod niya na lang ang utos ni George habang tumutulo ang luha nito.
Sobrang sakit na talaga ang ginagawa sa kanya ni George dahil niloloko niya na ito ng harapan. Parang nagiging tanga na ito sa pagmamahal niya kahit alam niya unti-unting nawawala ang nararamdaman ni George sa kanya.
Pero alam niya mula simula, kahit dine-deny niya, na siya at ang ginawa niya ang dahilan kung bakit nagbabago ang pakikitungo ng kanyang mahal sa kanya.
At alam niya na kailangan niya iyon pagbayaran...
Itutuloy...