CHAPTER 4
//ZANDRO POV//
KATATAPOS LANG ng dinner meeting. Somehow, namangha ang mga investors sa mga presentations ng mga empleyado kaya naman nas naging interesado ang mga ito na bumili ng stocks.
Siya at si Ryder ay nasa office ngayon. Padabog na inilapag niya ang hawak na baso pagkatapos niyang ininom ang alak. hindi niya mapigilan ang nararamdaman niyang galit sa mga nasaksihan kanina.
Napansin siya ni Ryder. "Got in your awful mood swings again bro." Pabiro na sabi nito sa kanya.
"And whose fault is that?" Pagalit na sabi niya.
Umupo ito sa kabilang couch. "Relax lang. Para naman mayroon akong ginawang mali. Na-late nga lang ako ng dating."
"Huwag mo nga akong gawing tanga, Valdemore! You know what you just did!"
"Anong bang gagawin ko? Na hahayaan lang ma-harass ang asawa mo sa bastos na tabachoy na iyon? At tsaka, you didn't tell me na dito pala nagtatrabaho si Bella."
Sa mga pangyayaring iyon, halos mabaliw siya sa galit. Alam niya ugali at impormasyon ng mga taong gustong mag-iinvest sa kanyang kompanya. Ginawa niya iyon para masigurong hindi na mauulit ang mga nangyari kamuntikan na ma-bankrupt ang kompanyang inalagaan ng kanyang namayapang lolo. Pero hindi niya inaasahan na may makikita siyang di kanais-nais. That man went to far. Mr. Ong, suddenly touching Bella's back. Alam niya na may pagkamanyak ang taong iyon pero wala itong bad records tungkol sa negosyo. Nothing is personal pagdating sa negosyo, kaya pumayag siya makipag-meeting nito.
He wants to grab that man's hand and break it. Hindi niya nagustuhan ang nakita niya. He's taking advantage of Bella, pero wala man lang siyang ginawa. He's just there, sitting while seeing Bella's face looked so scared and almost cried.
Ilang sandali ay dumating na si Ryder. Leonard "Ryder" Valdemore. His childhood friend and also his business partner. He felt saddened relief na dumating ito. He saved the moment. Kapag hindi pa ito dumating ng mga oras na iyon, hindi siya magdadalawang isip na suntukin at kaladkarin niya ang lalaki palabas ng kanyang teritoryo. Pero binawi niya rin ito dahil may sinabi ang magaling niyang kaibigan na pati rin ito ay gusto niyang suntukin at itapon sa labas. At inakbayan pa nito si Bella!
"That's none of your business, Valdemore." Matipid na sinabi niya rito.
"Iyang "trademark words" mo na naman. You know what, naiinis ako sa iyo. Alam ko na alam mo na hina-harass na si Bella pero wala ka man lang ginawa. She's almost freaked out." Ryder's face went serious. But he didn't respond.
He continued. "Kasama din ba itong sa paghihiganti mo dahil nilayasan ka ni Bella noon?"
Revenge. Noong malaman niya na nagtatrabaho si Bella sa isa sa mga hotel na pag-aari niya dalawang taon na ang nakakalipas, inihanda niya ang kanyang sarili para sa paghihiganti. She left him without a word. He kept a secret tungkol sa kanyang pagkatao. Ipinaliwanag niya ito sa rito kung bakit niya ginawa na maghilim rito pero sa huli iniwan pa rin siya nito.
Kinumpronta niya ito ng magkasarilinan silang dalawa para magpaliwanag man ito pero sa kadahilanan ng may kausap ito sa telepono na masayang masaya. Maybe she caught off guard. Flying her thoughts to her boyfriend? Her lover?
Masaya ang mukha nito and that triggers him so much. How can she be happy? Talaga bang kinalimutan na siya nito at nakahanap na ng iba?
Kaya naman hindi niya mapigilan ang kanyang sarili at ginawa niya ang isang bagay na sa tagal-tagal na panahon ay mahahalikan at matitikman ang labi at katawan nito. Matindi pa rin ang epekto ni Bella sa kanya. He can't deny na sa dami ng babaeng nakatalik niya para maibsan ang sama ng loob sa pagiwan nito, hinahanap-hanap pa rin niya ito sa kanyabg isip at puso.
"For god sake, Zandro! She's your wife."
"Ryder, kung may plano man ako wala ka nang pakialam doon. I knew 2 years ago na ditto na siya nagtatrabaho. Inihanda ko lang ang sarili ko na makita siya muli."
"Para dito ka sa Le Alessandre manatili para maghiganti." Dugtong naman nito.
"Say what you want, Ryder."
Tumayo na ito at tinungo ang pinto. Tinignan muna siya nito bago lumabas. "Huwag sana lamunin ang sarili mo sa paghihiganti. Nagbago ka. Hindi mo man lang ba inisip na baka may malalim siyang dahilan kung bakit iniwan ka niya? That scene earlier is disgusting. If this is one of your revenge then stop it. Hindi ko hahayaan na maulit pa iyon."
"Do you like her?" Biglang tanong niya rito.
Tumigil ito at hinarap siya. "Yes." Sabit nito at umalis na.
Hindi niya napigilan ang sariling ibato ang hawak niyang baso sa pinto. Hindi siya makapaniwala! Gusto nito si Bella?!
-----••♡●♤□♢-----
//BELLA POV//
SAKTONG ALAS onse na ng gabi. Natapos niya lahat ng trabaho at nasa labas na sila Chelsea, Rica, Marie at Leandon para magabang ng masasakyan.
"Mabuti naman hindi tayo inabutan ng madaling araw sa trabaho." Sabi ni Marie.
"Korak ka diyan! Kapag hindi, magdadala na talaga ako ng kama sa loob kusina at doon na ako matutulog."
Marie touches Rica's chin. "At tabi tayong dalawa sa kama mo Ricardo."
"Eeeeeewwww!"
"Chelsea, kanina ka pa busy diyan sa phone mo. Anong ba ang nilalaro mo?" Tanong ni Leandon kay Chelsea.
"Sniper." Tipid na sagot ni Chelsea.
"Whooah... Halata."
"Ano?" nagtatakang tanong ni Chelsea.
"Wala." Tumabi naman ito sa kanya. "Bella, ayos ka lang ba? Kanina ka pa hindi kumikibo diyan eh."
"Oo, ayos lang ako." at napabuntong hininga.
"May nangyari ba?"
"Wala."
Walang siyang gana buong araw. Pakiramdam niya ay parang nagluto siya para sa isang libong tao. Baka naman dahil sa mga nangyari kanina.
Nabastos talaga siya ng lalaki sa dinner meeting. In front of other people especially kay Zandro.
Nakita ba nito ang nangyari kanina? Hindi siguro. Wala itong sinabi o ginawa man lang. Hindi kasi ito pinalalampas na may bumabastos sa kanya...noon.
Ano ba ang iniisip mo?! May ginawa na nga ito sa iyo, pagkatapos inaasahan mo pa na ipagtatanggol ka niya? Assumera ka Bella!
"Hindi ba ang sabi ko sa iyo ihahatid kita pauwi?"
Napalingon siya sa kanyang likuran. "Ryder! I-ikaw pala."
Natawa ito. "Parang gulat na gulat ka naman. Hello Bella! Long time no see!" Masayang bati ni Ryder sa kanya. "My car's over there. Tara na at ihahatid na kita."
"Huh?" Iyan lang ang kanyang naisagot. Hindi kasi niya ito inaasahan na pupuntahan siya dito.
Lumapit si Rica sa kanilang dalawa para nakiusyoso. "Uy! Hi pogi! Ako pala si Rica, beshy friend ni Bella."
Sumulpot naman si Marie. "At ako naman ang girlfriend ni Rica-Ricardo. My name is Marie!"
"Ohh!" Manghang tugon ni Ryder sa dalawa niyang kaibigan.
Rica bumped her shoulder. "In fairness girl ah, ang pogi niya. Boyfriend mo?"
Nagulat tanong ni Rica. "Ano?! Hindi ko---"
"Hay nako, girl! Chance mo na iyan. Baka iyan pa ikakauunlad ng buhay mo. Sure na sure ako! Yummy na, may honey pa!" Kinikilig na sabi ni Rica.
Tumawa si Ryder sa sinabi nito. "Hindi ako boyfriend ni Bella. I'm Ryder by the way. Ipapaalam ko lang itong kaibigan niyo na ako na lang ang maghahatid sa kanya pauwi."
"P-pero Ryder kasi---"
"Of course pogi! Ihatid mo na 'to 'kamapana' namin." Sinadya pa ni Rica na mas magkalapit silang dalawa ni Ryder.
"Si Rica, parang kina-career ang pagiging nanay!" Asar ni Leandon rito.
"Tumahimik ka diyan, Einsten!"
"Bella, let's go?" Pabulong na sabi ni Ryder sa kanya.
At pumayag na rin siya. Matagal na rin din naman sila hindi nagkikita kaya pagkakataon na rin para magusap at magkamustahan silang dalawa.
Nagpaalam na siya sa kanyang mga kaibigan at pumunta silang dalawa kung saan nakaparada ang kotse nito. Mismo si Ryder na ang nagbukas ng pinto ng kotse para sa kanya.
Bumayahe na sila. "Sinadya ko mag-kotse para maging komportable ka. It's been 6 years hindi tayo nagkita, Bella. Kumusta ka na?" Tanong nito.
"Ayos lang naman ako. Ikaw kumusta? Si Heidi?" Heidi is a supermodel from France at girlfriend ni Ryder.
"We broke up a year ago. I'm a wandering boy now." Biro nito. "Many things happened especially Zandro."
Pagkarinig niya sa pangalan ni Zandro ay wala na siyang maisagot.
"I don't want to open up right now about what happened before. But I'm so disappointed sa nangyari kanina."
Alam niya kung anong ibig sabihin sa sinabi nito. "Ryder, it's okay. Siguro nagkataon lang. At baka hindi lang nakita ni Zandro--"
"He saw it."
Napatingin siya rito. Ibig sabihin, nakita nga nito ang nangyari? Pero wala man lang itong ginawa.
"Kailangan lang maging professional sa oras ng trabaho, hindi ba? At kasama niya doon ang mga importanteng tao. Good opportunity na iyong para sa kanyang kompanya." Nagdahilan na lang siya para maitago ang kanyang pagkadismaya.
"Alam mo naman na ayaw na ayaw niyang may humahawak sa iyo. You're his wife Bella." Giit na sabi nito.
"Hindi na kami magasawa, Ryder. Hindi na niya ako responsibilidad." Tama ang sinabi niya. Hindi na sila mag-asawa at wala na silang ano mang koneksyon sa isa't-isa.
Napabuntong hininga na lang ito sa sinabi niya. "You're making a lot of excuses, Bella. Hindi ko talaga kayo maintindihan. Magkaka-migraine na yata ako sa inyong dalawa eh."
"I'm sorry, Ry."
"Bella, gusto ko lang na sana imbes magkaiwasan kayong dalawa, kailangan ninyo ng masinsinang paguusap." Sincere na sabi nito.
"I know. Pero hindi pa siguro ang tamang oras na maguusap kaming dalawa. Alam ko na galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon at naiintindihan ko siya."
Nasa tapat na sila ng kanyang apartment. Nagpasalamat at nagpaalam na siya rito.
"Hey, Bella."
NIlingon niya rito. "Since galit ako sa ginawa ng kolokoy na iyon, then I have a plan." Magiliw na ngiti ang sumilay sa labi nito.
"What?" Mukhang mayroon itong iniisip na kalokohan. "Alam mo, tumigil ka at huwag mo ako isasama diyan."
"Basta! Just stick with me okay? Goodnight! See you when I see you." Pumasok na ito sa kotse at umalis na.
Oh well! Just another day of misery for Bella Antonio. And more to come.
---- ○■♤•◇●□ ----
End of Chapter 4
---- ○■♤•◇●□ ----
Kindly follow my Dreame Account :
RUNA LEE
Thank you for your support. it helps me supppper much!
See you in the next chapter!
CHUAMNIDAH!