CHAPTER 5 //BELLA POV// "THANK YOU so much Baby Bell at pumayag ka na samahan ako dito sa---" "I know Ry. And you're welcome." Nandito sila ngayon sa isang auction event at kailangan "raw" ni Ryder ng makakasama kaya sa walang tigil na pagpupumilit rito sa kanya ay wala na siyang mapipilian pa. Ibang klase din ito dahil ito pa mismo ang kumausap sa head manager para maka-day off siya ngayong araw. Co-owner din kasi si Ryder ng hotel. Hindi lang halata. "Akala mo hindi ko mahahalata ano?" Naninikit ang kanyang mga mata habang nakatitig kay Ryder. "What?" Patay malisya nito. "Kaya mo lang ako kinukulit na samahan kita rito, para walang babae na lalapit sa iyo. Hindi ba, mister playboy?" Napatawa ito sa sinabi niya. "Ano ka ba naman, of course not! Bella, 6 years na tayong walang comm

