Hindi na nila tinapos ang pagkain at dali-dali siyang pinasakay sa kotse nito. Iniwan muna siya sandali para bumili ng pregnancy test. Siguradong sigurado si Elizabeth na buntis siya pero siya ay hindi sigurado. Shes pregnant? For real? Ni hindi man lang niya namalayan. May nangyari sa kanilang dalawa ni Zandro noong nasa farm sila nito, pero hindi siya maiisip na mabuntis siya. Dumating na si Elizabeth dala-dala ang pinamili nito. "Sa namin ka muna tutuloy. Magpahinga ka muna kung nahihilo ka pa. Bawal kasi uminom ng gamot ang buntis." Pinaandar na nito ang kotse. "Hi-hindi pa naman sigurado eh. Papano kung hindi naman?" Pagaalinlangan niya. "Naiintindihan kita kung bakit indenial ka. Pagdating natin, diyan na natin malalaman kung buntis ka ba." Pagkailang ng ilang minuto nandito na

