"Tapos ka na ba magbihis diyan?" -Elizabeth "Sa-sandali lang!" Hirap na hirap siyang suotin ang mga napiling damit ni Elizabeth para sa kanya. Pano naman, sa buong buhay niya hindi pa siya nakakapagsuot ng ganitong damit na masyadong masikip at maikli. "Labas na!" Tawag ulit nito sa kanya. "Oo na!" Unang damit sa sinukat niya: "Ano sa tingin mo?" Sa kanya ayos lang. Long sleeves at hindi naman masyadong maiksi. "Hmm... No. Palit ka ulit." "Eerr... Okay?" Sinunod niya ito at isinukat ang susunod na damit. "Meh. Para ka naman papasok sa trabaho. Palit ulit. Shoo!" Taboy nito sa kanya. "Sino kayang pumili nito?!" "Palit ka na bilis!" Pumasok siya ulit sa dressing room nag nagpalit. Ulit. "Hmmm..." "Ano na?!" "Ayaw. Too much cuteness. Parang abay sa kasal." Komento nito. May n

