Araw ng sabado. Siland dalawa ni Elizabeth ay naghihintay sa labas dahil si Alexandro mismo ang susundo sa kanila para ipasyal sa farm nito. Sabi kasi ng Tito Felix nila na uunahin nilang ipasyal ang farm nito dahil mas maraming pananim sa lugar. Nakaupo silang dalawa sa bench katabi lang ng light post. "Kahapon ko pa nakikita iyang mukha na iyan Bee. Dahil doon kay Alexandro no?" Tanong ni Elizabeth sa kanya. Hindi maipinta ang mukha niya dahil sa inis. Dahil itong lalaking ikinaiinisan niya mismo ang magiging tour guide nila at sa farm pa nito sila mamamasyal. "Halata ba? Nakakainis naman kasi. Bukod sa magkakakilala pala sila ni tito Felix, sa mismo lugar pa nito tayo ipapasyal. E alam mo naman ang nangyari sa akin hindi ba?" "Bee, kalimutan mo na kasi ang nangyari. Hindi naman sin

