Nagpahinga muna sila sa flower garden nito. Umalis muna si Alexandro para dalhan sila ng merienda. Nasa footbidge sila ni Elizabeth. "Ang cute ng mga biik Bee no?" "Sige mang-asar ka pa." "Eto naman hindi na mabiro. Kita mo nga kanina oh ang gentleman ni Mr. Alex sa atin. AT! Ni minsan wala siyang sinabi tungkol doon sa nangyari. So move on na?" "Oo nga sabi e. Pero hindi ko pa siya napapatawad na tinawanan niya ako. E kung siya kaya nalublob sa putikan at tatawanan ko siya malamang magagalit sin yun no." "Hmm... Bee diba may sinabi ako na kapag niligawan ka nung gwafung customer na kakilala mo, sagutin mo na agad?" Tanong nito. "Huh? Bakit mo naman inoopen up yan ngayon? Diba sinabi ko wala akong panahon sa mga ganyan?" "Tumigil ka nga. Eto, kapag niligawan ka rin ni Mr. Alex sagu

