GAEL’S POV
“Ma’am Kamila, Ano pong ginagawa niyo rito?” gulat na tanong ko habang nakatayo pa rin sa pinto.
“Nandiyan si Madam Kamila bayaw? Hindi nga?” napatayo na rin si Kuya Dex mula sa pagkakaupo at lumapit sa akin. Nang makalapit ito sa akin ay agad akong siniko.
“Tumanda na pero maganda pa rin” bulong ni Kuya Dex kaya binalikan ko rin ito ng siko sa sikmura.
“Gusto sana kitang makausap kung pwede?” sabi ni Ma’am Kamila habang nakatingin sa amin.
Itinuro ko ang kubo sa hindi kalayuan at nagpatiuna akong naglakad.
“Ano pong kailangan niyo sa akin, Ma’am?” sabi ko habang nakaupo sa kawayang upuan.
Bago pa man ito makapagsalita ay dumating kaagad si Ate Rhea at ibinaba ang pitsel na may lamang malamig na tubig at ensaymada na nakalagay sa platito. Tinitigan ko ang ginang habang naghahain si Ate sa lamesang gawa rin sa kawayan. Hindi maikakailang malaki ang itinanda ng mukha nito at ipinayat sa loob ng sampung taon na hindi ko ito nakita ganun pa man ay naroroon pa rin ang pagiging sopistikada nito. Ang ganda ng mukha at ang hubog ng katawan nito na halatang alagang alaga ng derma dahil hindi ito kagaya ng ibang kaedaran nito na kapag sumapa na ng singwenta pataas ay bakas na kaagad ang katandaan.
“Naglunch na po ba kayo Ma’am Kamila?” tanong ni Ate Rhea
“I’m good. Nagstop-over ako sa nadaanan kong restau.” nakangiting tanggi ng ginang. Nang makaalis si Ate ay muli itong nagsalita.
“Gael, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Can you be my fiance?” tanong ni Ma’am Kamila na sobra kong ikinagulat.
“Nagbibiro po ba kayo?” natatawang sagot ko rito pero itinigil ko na ng makita ang seryoso nitong mukha.
“Bakit niyo po sinasabi sa akin ang bagay na iyan?” tanong ko rito at nagsalin ng tubig sa isang baso. Para kasing nanunuyo ang aking lalamunan dahil sa sinabi nito at mukhang alam ko na kung saan ang kahahantungan ng usapan namin. Mabilis kong ininom ang laman ng aking baso
“It’s related to our past” mahina ngunit makahulugang sagot nito habang titig na titig sa akin. Para namang pumasok sa aking ilong ang tubig na aking iniinom. Nasamid ako dahil sa sinabi nito. Pilit kong pinakalma ang aking sarili, agad kong pinunasan ang aking bibig ng bandang kwelyo ng aking damit.
“Tungkol sa bagay na iyon, pasensya na po dahil dala siguro iyon ng aking kabataan kaya napasok ko ang bagay na iyon.” nakayukong sagot ko.Oo, ilang beses may nangyari sa amin noon dahil nahahalina ako sa ganda nito noon pero iba na ngayon dahil kahit na maganda pa rin ang mukha at katawan nito ay hindi na ako katulad ng dati na hayok na hayok sa laman. Kahit papaano naman kasi ay kaya ko ng kontrolin ang aking ka/li/bo/gan siguro dahil na rin ilang babae na rin ang dumaan sa akin hindi katulad noon na panahon ng kapusukan.
Nagpatuloy ito sa pagsasalita at nanlalamig ang aking mga kamay dahil sa sinabi nito. Mabilis ang kabog ng aking dibdib sa mga sinabi nito.
“Ano? Pumapayag ka na?” tanong ni Ma’am Kamila
“Pumapayag na ko, Ma’am Kamila”
“Tanggalin mo na ang Ma’am, dahil magfiance naman na tayo. Okay?” sabi nito sa akin
Tumayo na rin ito kaagad.
“Paano, mauna na ako para hindi na ako gabihin ng sobra sa daan.” anito
Sinabayan ko na itong maglakad patungo sa kanyang kotse.
“Just text or call me kung kailan ang araw na magpupunta ka sa bahay” anito bago tuluyang sumakay ng kotse nito at pinaandar paalis ng lugar na iyon.
“Tama ang naging desisyon mo, Gael.” pampalubag ko sa aking sarili habang tinitingnan ang papalayo nitong sasakyan..
KARISHMA’S POV
Nasa loob ako ng aking kwarto habang kinukulayan ng cutics ang aking kuko sa daliri. Kausap ko ngayon sa video call ang aking mga kaibigan
“Saan ang hangout natin tonight?” Tanong ni Meg sa kabilang linya.
“Kahit saan go ako.” sagot ni Celhyn na hindi nakatingin sa camera at patuloy sa pagttype sa kanyang computer.
“Eh ikaw, Ging may idea ka ba kung saan maganda tumambay mamaya?” tanong ko sa mga ito
“ Bakit ako, tanungin niyo si Kath. Siya ang may alam sa mga ganyan” sabat ni Ging
“I heard my name!” singit naman ni Kath na kasama ni Celhyn ng mga oras na iyon.
“They’re asking, saan daw magandang pumunta mamaya? Siguro pinalayas ka na naman sa inyo kaya nandiyan ka kina Celhyn.” sita ni Ging
“Of course not. Nagpaalam ako this time na makikisleep over ako. Anyway, may alam ako sa Tomas Morato na magandang puntahan” nakangiting sabi nito
Nakarinig ako ng malalakas na katok sa pinto.
“Rish! Lumabas ka na,kakain na tayo” rinig kong boses ni Mamita.
She’s already here. Ambilis naman, ang akala ko bukas pa ito babalik
“Susunod na ko, Mamita!” sigaw ko habang pinapatuyo ang nail polish na inilagay sa aking mga kuko.
“ Kita tayo later. I’ll call you na lang guys. Byee” paalam ko sa mga ito bago nagleave sa video call. Nagsuklay lang ako saka na bumaba. Naabutan ko si mamita na nakaupo na sa lamesa. Recently ay hindi ko laging nakakasama si Mamita lagi sa pagkain at palagi itong gabi na kung umuwi. Busy din ito sa mga naiwang business ni Papito.
“It’s a miracle to see you here, Mamita” habang pababa ako sa hagdan.
“Hindi na ba ako pwedeng umuwi sa bahay na ito?” tanong ni Mamita na seryoso ang tingin sa akin. Naupo ako sa isang bakanteng upuan at sumandok ng kaunting pagkain.
“Kailan mo ba balak hawakan ang kompanya ni Papito mo, Rish? Akala mo ba ay hindi ko alam na simula ng bumalik ka rito sa Pilipinas ay wala ka ng ibang ginawa kung hindi ang matulog, magshopping at sa gabi ay magbar hopping.” bungad nito, Napahinga naman ako ng malalim
“Relax, Mamita. Isang buwan palang akong naririto. Can you just let me enjoy my life first bago ako pumasok sa nakakastress na pagttrabaho.”
“Enjoy? Seriously, Karishma? Simula ng tumuntong ka ng 17 wala ka ng ibang ginawa kung hindi ang magpakasaya at i-enjoy ang buhay mo. May mga mata ako sa US at sinasabi nila lahat ang mga ginagawa mo roon, pero pinigilan ba kita o pinagsabihan? Hindi ba, hinayaan lang kita sa mga bagay na ginagawa mo? Hinayaan kita na gawin mo ang lahat ng gusto mo, Karishma, hindi mo na nga natapos ang kurso mo dahil sa mga kalokohan mo habang nandito ako. You’re 20 now and please act with your age” napataas na ang boses ni Mamita.
Ibinaba ko ang hawak kung kutsara at kubyertos sa aking plato. Hindi ko pa man nagagalaw ang aking pagkain ay tinabangan na kaagad ako at nawalan ng ganang kumain.
“Ngayon na nga lang tayo nagsalo kumain, Mamita tapos sesermunan niyo pa ako. Is this really what it’s like to get older? It's not funny.” padabog na akong tumayo..
“Karishma! Hindi pa ako tapos sayo!” habol ni Mamita
“Whatever” mabilis akong umakyat ng aking kwarto.
7PM palang naman ng gabi at ang usapan namin ng mga kaibigan ko ay 9PM kaya inilaan ko na lang ang aking natitirang oras magpaganda. Masasayang lang ang panahon ko kung pakikinggan ko ang sinabi ni Mamita.
“She started yelling at me. Pinapagalitan niya na rin ako hindi kagaya ng dati. Nagbago siya nang mamatay sina Mommy at Papito. Hindi lang siya ang nawalan noh” kausap ko sa aking repleksyon habang naglalagay ng make-up sa aking mukha. Pilit kong tinanggal sa aking isip ang naging pagtatalo namin at sa halip ay Nagpalit na rin ako ng damit. Pumili na rin ako ng bag na aking gagamitin mula sa aking mga koleksyon. Bago tuluyang lumabas ng aking kwarto ay nagwisik na muna ako sa aking katawan ng mamahaling pabango na pinasadya pa sa Paris.
“Where are you going? Are you hanging out with your friends again?” tawag sa akin ni Mamita na ngayon ay nasa sala na habang hawak ang isang folder at sa harapan naman nito ay ang laptop nito.
“Yes, Mamita”
“Listen, Karishma. Hindi ko sadya na pagtaasan ka ng boses kanina but listen to me kahit ngayon lang” pakiusap nito sa malumanay ng boses. Tinitigan ko lang ito bago muling naglakad patungo ng main door
“I’ll think about it, Mamita. Good night” paalam ko rito bago tuluyang umalis.