Karishma’s POV
Masakit ang ulo ko kinabukasan dahil sa tama ng alak mula sa paglalasing kagabi. Pasado ala-una na rin yata ng hapon ng magising ako. Agad akong bumaba patungong kusina nang kumalam ang aking sikmura. Tiinanong ko ang isa sa aming katulong nang mapansin na wala roon si Mamita. Maaga raw itong umalis kaninang umaga at mukhang gagabihin daw ito ng pag-uwi. Habang kumakain ay nakaramdam ako ng pangongonsensya dahil sa naging sagot ko kay Mamita pero kalaunan ay pinilit ko ang aking sarili na kumbinsihin na malaki rin ang naging pagkukulang niya sa akin. Simula ng mamatay si Papito at si Mommy ay parang wala na sa sarili si Mamita ni hindi ito makausap ng matino at ang mas masakit ay parang halos nakalimutan niya na ako. Nang mailibing si Mommy at si Papito ay nauna niya akong pinapunta sa US kahit na halos wala pang isang buwan simula ng bumalik kami ng Pilipinas. Ilan buwan lang ang lumipas ay sumunod din ito. Ang akala ko ay aaluin niya ako dahil nawala si mommy at kaming dalawa na lang ang natira pero imbis na ganoon ang nangyari ay para na akong naging hangin sa paligid niya. Umaalis ito ng bahay ng umaga at babalik ng gabi, may mga pagkakataon pa nga na aalis ito ng bansa saka babalik matapos lang ang isang linggo. In short, napabayaan ako ni Mamita. Nalugmok ako sa d3presyon, may pagkakataon pa na parang gusto ko ng sumunod kay Mommy dahil pakiramdam ko ay wala na akong karamay lalo na kapag namimiss ko si Mommy at ang bonding naming mag-ina. Sa pagtagal ng panahon ay naging manhid na ako at nasanay sa takbo ng aming pamumuhay.
Uuwi siya,
kakamustahin lang ako sandali tapos aalis na naman ito.
Wala na ipinagbago…
Mabuti na lamang ay nakilala ko ang mga kaibigan kong sina Celhyn, Meg, Ging at Kath dahil kahit papaano ay napagtagumpayan ko ang d3pre/syon.
Ang buong akala ni Mamita ay Bad Influence ang mga barkada ko dahil wala naman daw kaming ibang ginawa kung hindi ang magparty at uminom but she's wrong.
Sila lang ang nasandalan ko ng mga panahon na kailangan ko ng karamay. Inilayo nila ako sa masamang bisyo gaya ng mun/tik ko na pasukin ang pag/gamit ng dr/*ga dahil gusto kong magrebelde. Kung tutuusin, sila rin ang nagbawal sa akin na magparty hangga’t wala pa akong 18 dahil kahit na may pagkapasaway ang mga ito ay sinusunod nila ang mga magulang nila. Ako lang talaga sa grupo ang masasabing nalihis ng landas dahil lahat sila ay may mga plano na sa buhay habang ako ay patuloy lang sa pagpapakasaya.
Pagkatapos kong kumain ay nagtungo akong muli sa kwarto. Buong araw akong nagkulong at walang ibang ginawa kung hindi ang magscroll sa internet at manood ng kung anu-ano na halos umabot ng madaling araw. Nagising naman ako kinabukasan ng bandang alas nuebe dahil plano kong magshopping. Niyayaya ko sina Celhyn pero ayaw naman nila dahil mga busy dahil sa kani- kanilang mga business at study kaya ako na lang mag-isa ang pupunta. Nagulat ako ng maabutan ko sa hapag si Mamita at maaliwalas ang mukha nito hindi kagaya ng nagdaang araw na nakita ko ito.
“Good Morning, Hija. Sumabay ka na kumain sa akin.” masiglang sagot ni Mamita. Nang makaupo ako ay nilagyan pa niya ng pagkain ang aking plato na bagay na hindi nito ginagawa.
“You look so happy, Mamita. Mukhang may nangyaring maganda ah” sabi ko rito. Kung mag-usap kami ngayon ay parang walang kahit anong away o sagutan ang nangyari sa pagitan namin noong nakalipas na araw.
“Well, It seems like that. Malalaman mo rin soon.” nakangiting sabi nito saka kumain. Nagpaalam ako sa kanya na magshshopping pero wala itong ibang sinabi sa halip ay lumayo ito at gumuhit muli ang ngiti sa labi nito ng magring ang cellphone nito at agad naman nitong sinagot.
“Hello, Gael” rinig kong tawag ni Mamita sa pangalan ng kausap nito
“Gael? Sino na naman iyan?” tanong ko sa aking sarili. Nagkibit balikat na lamang ako kahit pa may namumuong kuryusidad sa aking isipan dahil nabanggit palang ni Mamita ang pangalan ng lalaki ay nakangiti na ito.
“Teka nga, baka may bago na naman siyang jowa?” natigilan ako bigla ng biglang sumagi sa aking isipan ang bagay na iyon.
“It can’t be. Ilang buwan palang nakalipas nang inaway ko ang boyfriend niya.” sabi ko sa aking sarili na naisatinig ko pa.
“Malilintikan sa akin yan. Huwag lang talaga siya magpapakilala sa akin” sabi ko habang tinutusok ng tinidor ang hotdog sa aking plato. Ilan na ba ang naging boyfriend ni Mamita sa loob ng tatlong taon? Hindi ko na mabilang pero pare- parehas lang ang mga ito, alukin mo lang ng pera o di kaya ay painan mo lang ng magandang babae ay agad na bibigay kaagad. Pera lang naman talaga ang gusto nila kay Mamita eeh, dahil alam nila na mayaman at biyuda, idagdag pa na may edad na si Mamita at sabik sa kalinga ng isang asawa. Pero sorry sila dahil sinadya yata ng kapalaran na maiwan ako kasama si Mamita para bantayan ito mula sa mga manlolokong lalaki na hangad lang ay pera.
Naging mapagmatyag ako ng mga nakalipas na araw at gaya ng napapansin ko ay palagi ng masaya si Mamita. Tinanong ko pa nga ang secretary nito kung may lalaking naglalagi sa opisina nito, maging ang driver nito ay tinanong ko rin kung may kinikita itong ibang lalaki pero wala naman ang mga itong nabanggit na mayroon nga. Subalit, sa kabila ng pagiging masaya nito ay pansin ko ang pagsusuot nito ng makakapal na foundation sa mukha nito at pagpayat ng katawan nito. Napapansin ko rin ang paminsan-minsan na pagngiwi nito habang hawak ang tiyan nito.
Sa ikalimang araw ng pagmatyag ko kay Mamita ay wala naman akong nakitang lalaki kung kaya bahagya akong napanatag.
Kinagabihan ay nagpaalam ako kay Mamita na magbbar hopping ako kasama ng aking mga kaibigan.
“Hindi ka pa ba nagsasawa sa pagbabar, Rish?” kita sa mukha ni Mamita na hindi nito gusto ang pagpapaalam ko
“Mamita, hindi naman every night eh. Parang twice a week na nga lang kaya hayaan niyo na ako.” sabi ko rito habang inaayos ang aking damit
“Hindi ka ba mababastos sa suot mo na yan? Masyadong revealing, Hija” puna naman nito sa suot ko.
“Okay naman to, Mamita and besides bar ang pupuntahan ko hindi simbahan, this is the right dress for the right occasion” umikot pa sa harap nito. I wear a black tube dress that reaches halfway down my thigh and has a small slit.
“Whatever, just be careful at huwag basta basta sasama sa kung sinu- sinong lalaki” anito na iiling iling
‘ look who’s talking’ usal ko sa aking utak
“Rish” tawag nito sa akin
“Kailan mo ba balak na ihandle ang mga negosyo?” seryosong tanong nito
“Malapit na, Mamita pero hindi pa ngayon. Alis na ko, bye” paalam ko na kaagad dito dahil paniguradong mahabang diskusyon na naman ito.
Nakarating ako sa lugar na usapan naming puntahan nina Celhyn. Naroroon na sina Ging at Kath habang on thee way naman si Celhyn.
“Aga niyo ah” bati ko sa kanila at nakipagbeso
“Nastress lang ako sa trabaho kaya gusto ko muna ng break” sabi ni Kath na tumawag na ng waiter at nag-order ng drinks namin.
“Nasaan si Meg?” tanong ko
“Hindi raw muna sasama ngayon, focus daw muna sa review. Exam niya na next week sa masteral niya. Bawi na lang daw pagkatapos” sagot naman ni Ging. Ilang sandali pa ay dumating na rin si Celhyn.
“Pasensya na, naabutan ako ng traffic” sabi nito at naupo sa tabi ko.
Malakas ang ingay sa loob ng bar na iyon na nagmumula sa musikang pinapatugtog ng Dj isama mo pa ang mga naghihiyawan, palakpakan at tawanan ng mga katulad naming party goer.
“At para makabawi, sagot ko na tonight” nakangiting sabi ni Celhyn at ipinakita ang driver’s license nito. Same age lang namin ito pero ngayon lang ito kumuha ng lisensya dahil may takot sa pagddrive.
“Wow! At last, naconquer mo na rin ang fear mo,bebs! Kudos!” bati ni Kath. Wala kaming ginawa roon kung hindi ang magtawanan at magkwentuhan kahit pa maingay.
“Lipat tayo, walang masyadong gwapo” sabi ni Kath ng medyo magtagal kami sa loob
“True, walang yummy puro mga butiki ang katawan kung hindi naman juts” sabat ni Ging.
“Saan tayo?” tanong ko
“Wait lang, ang alam ko ngayon ang opening ng bar sa kabilang street lang. Check natin, malay mo mas maraming Afam dun” sabi ni Kath kaya mabilis namin nilisan ang lugar na iyon at nagtungo sa bar na sinasabi nito. Sa labas palang ay napakarami ng tao. Halos siksikan na rin sa gitna ng dance floor.
“Sabi ko sayo, maraming gwapo dito. Tingnan mo iyon oh” turo ni Kath sa isang lalaki
“Panalo, bebs. Ako na yan” sabi ni Ging na nakipag- apiran kay Kath. Nagtungo na kami sa isang table at nag-order muli si Celhyn ng inumin, nagtungo naman sa dance floor sina Kath at Ging. Hindi pa man kami nakakatagal ay pakiramdam ko ay nag-iinit na ang aking katwan dahil sa dai ng alak na aming ininom.
“Ay, sh/it. Ampogi ni Kuya oh” kinikilig na bulalas ni Celhyn habang nakatingin sa dalawang lalaki. Dalawa lang kaming nakaupo sa mesa at umiinom.
Naituon ko ang aking mga mata sa lalaking turo ni Celhyn pero mas napako ang aking atensyon sa lalaking kasama nito.