7 - Saves from Danger

1478 Words
Sinundan ko ng tingin ang lalaking misteryoso. Hindi naman kalayuan ang aming pwesto mula sa mga ito kaya aninag ko pa rin ang mukha nito kahit na nakasideview. Simpleng tshirt na puti lang ang suot nito at kupasin na pantalon pero anlakas ng appeal nito sa aking mga mata lalo na kapag umiinom ito. Nababanat ang biceps nito at ang paggalaw ng kanyang Adam’s Apple na mas lalong nagpapatindi ng aking atraksyon para dito. “Masarap siguro siya humalik? Ano kaya pakiramdam na mahawakan ang kamay niya?” bulong ko sa aking sarili habang nakatitig dito. Namilog ang aking mga mata ng dumako ang tingin nito sa akin. Napansin siguro nito na may mga matang nakatitig dito. Kinawayan ko naman ito para sana magbigay ng signal na gusto ko siyang makilala pero imbis na ngitian ako at lapitan ay tinalikuran niya lang ako. “Aba, suplado” turan ko sa aking sarili “Hi, Miss. Are you alone tonight?” hindi ko napansin ang paglapit ng dalawang lalaki sa aking harapan. Tinitigan ko ang mga mukha ng mga ito at agad akong napangiwi dahil sa mga itsura ng mga ito. Namumula na ang mga mata nito at halatadong mga sabog na ang mga ito. “Care for a drink?” alok pa sa akin ng isa na ibinigay ang isang cocktail. Napataas ang aking kilay. Anong akala ng mga tukmol na ito sa akin? Baguhan? Alam ko na ang mga galawan ng mga katulad nila. “Sorry, marami pa kong iniinom dito. Kayo na lang uminom niyan” sagot ko sa mga ito. “Miss, huwag ka na magpakipot pa. Isang shot lang naman eh” sabi ng isang lalaki na naupo na sa aking tabi habang ang isa naman ay itinutulak sa harapan ko ang baso ng alak na sa suspetsa ko ay may pampatulog. Namumuo ang inis sa aking mukha dahil sa tapang ng amoy ng sininghot ng mga ito na halos gusto ko ng masuka. Tumingin ako sa misteryosong lalaki, hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip ko ang pangalan ng lalaking binanggit ni Mamita. Siguro dahil ilang araw ng laman ng utak ko ang pangalan nito idagdag pa na may tama na rin ako dala ng alak. “Gael” malakas na sigaw ko na agad na ikinalingon ng lalaki sa akin. Nagsalubong ang aming mga mata at nakakunot ang noo nito. Agad naman akongg nagbawi ng tingin at kinuha ang aking cellphone para tawagan ang mga kasama ko. “Miss ano na? Inumin mo na yan para naman hindi ako mapahiya sa kaibigan ko” sabi ng lalaking katabi ko at inakbayan niya na ako. Sa pagkakataon na ito ay kinuha na nito ang alak at pilit na ipinapainom sa akin samantalang ang kasama naman nito ay naupo na rin sa kabilang tabi ko. ‘ nasaan na ba ang mga babaeng iyon?’ usal ko sa aking sarili dahil hindi na rin ako makatayo at napapagitnaan na nila ako. “Ayoko nga, ang kulit niyo naman. Kung gusto niyo kayo uminom niyan.” sabi ko sa mga ito at tinabig ang baso ng alak na nakauwang sa aking bibig. Natapon iyon sa damit ng isang lalaki na ikinayamot nito. “P****ina! Napakapakipot mo naman! Iinumin mo lang eh. Alam mo ba kung magkano tong damit na ito?ha?” galit na sabi nito “Magkano ba? I can pay for it kahit x10 pa” mayabang kong sabi at akmang tatayo na pero mabilis nila akong hinala pabalik sa pagkakaupo. “We’re not done with you. At sa tingin mo ba pera ang gusto kong pambayad ha?” sabi pa nito at nag-umpisang maglakbay ang kamay nito sa aking hita. “Bastos!” pagkasabi ko ay malakas ko naman sinampal ang mukha nito na halos bumakat ang aking palad sa mukha nito. “D**nm you, woman! Sinasagad mo talaga pasensya ko!” sigaw nito na nanlilisik ang mga mata at handa na akong balikan ng sampal. Naipikit ko ang aking mga mata dahil alam ko na malakas na sampok ang aking matatanggap. Imbis na sampal ay tunog ng mga basong nabasag sa sahig at sigaw ng mga tao ang aking narinig. Iminulat ko ang aking mga mata na kung saan ay sinusuntok ng lalaking misteryoso ang dalawang lalaki. “Okay ka lang, Bebs?” tanong sa akin ni Celhyn na hindi ko napansin nakalapit na pala. “Anong nangyari?” tanong ko “Don’t worry, parating na ang guards” sabi nito nang hindi ko sagutin ang tanong nito. Tiningnan ko ang lalaking misteryoso na ngayon ay nakatayo na habang ang dalawa naman na nambastos sa akin ay nakaupo at hawak ang kanilang mga mukha. Sakto naman ang pagdating ng dalawang bouncer ng bar kasama ang lalaking kausap ni Celhyn. “Boss, dalhin niyo mga lalaking niyan sa presinto. Nanghaharass ng babae” sani ni Mr. Misteryoso. Habang ipinoposas ng isang bouncer ang mga kamay ng mga lalaki ay lumapit naman si Mr. Misteryoso kasama ang isa pang bouncer. “Okay ka lang?” tanong sa akin nito. Andyan na naman ang bilis ng t***k ng aking puso dahil sa simpleng salita nito. “A-ayos lang ako. Hindi naman ako nasaktan” nauutal ko pang sabi “Miss, anong ginawa nila saiyo?” tanong ng bouncer “May pinapainom sila sa akin but I resist on drinking it kaya nagalit sila and the other guy started to touch my legs” sagot ko rito “Boss, nakita ko sila kanina na may inilalagay na puting pulbos na nakalagay sa isang pakete. Duda ako na may ipinagbabawal na ga/mot ang sinusubok nilang ipainom.” dugtong ni Mr. Misteryoso. May mga itinanong pa ang bouncer bago ito tuluyang umalis. “Bebs, dito ka lang sandali ha. Hanapin ko lang sina Ging. Hintayin mo ko para makauwi na tayo” sabi ni Celhyn bago ako iwan nito. Iniyukyok ko ang aking ulo sa lamesa at saka ipinikit ang mata dahil sa hilo. Mukhang naparami ang inom ko ngayon, yun din ang dahilan kung bakit hindi ako kaagad nakaalis mula sa mga lalaking iyon kanina. Ipinikit ko ang aking mga mata at planong itulog na lang sa lamesa. Hintayin ko na lang na tapikin ako nina Ging kung sakaling bumalik ang mga ito. “Paano mo nalaman ang pangalan ko?” baritonong boses ang aking narinig na nagpataas ng aking mga balahibo. Kasing husky ng boses nito ang boses ng isang radio brodcaster, ansarap sa pandinig. Tiningala ko ang lalaking nagmamay ari ng magandang boses. Napangiti ako ng makitang si Mr. Misteryoso ang nagmamay- ari ng boses na iyon at nakatayo ito sa harapan ko. “Anong pangalan?” takang tanong ko “Hindi ba tinawag mo ang pangalan ko?” maang na tanong nito “Tinawag ko ang pangalan mo? Hindi ko nga alam kung ano ang pangalan mo paano kita tatawagin? Hi, I’m Rish, ikaw? Anong pangalan mo?” nakangiting tanong ko rito “Seryoso ka? Wala ka natatandaan?” tanong nito sa akin “Ang alin?” nakakunot kong balik tanong rito “Hayaan mo na nga” anito saka akmang tatalikod “Sandali lang” habol ko rito. Tumayo ako at akmang lalakad ng makaramdam ng hilo. Sa halip na matigas na sahig ako lumagapak ay sa matigas na dibdib nito ako bumagsak at nakahawak ito sa aking bewang. Tinitigan kong mabuti ang kanyang mukha at may parang pwersa ang nag-udyok sa akin na halikan ang makapal nitong labi. “Sorry, hindi ko sinasadya. Mukhang naparami ang nainom ko” sabi ko rito habang nakatingin sa labi nito. Iginaya niya ako pabalik sa upuan ng buong pag-iingat. “Sa susunod, magsuot ka ng mas disenteng damit para hindi ka nababastos” sermon nito “Wala naman problema sa suot ko ah. Nasa bar naman tayo at isa pa may mas revealing pa ang suot kesa sa akin. Hindi ko na kasalanan na naging maganda ako.” sagot ko rito habang nakatitig sa mukha nito. Natuon ang aking mga mata sa kanyang mga labi na pasimple nitong nakagat habang gumagalaw ang kanyang Adam’s Apple. ‘D*mn, I can’t help it. I want to taste his lips’ bulong ng aking isip. Mabilis kong hinawakan ang kanyang batok at hinalikan ang labi nito. Hindi gumalaw ang labi nito at nakalapat lang iyon sa aking labi kung kaya ipinasok ko ang aking dila sa kanyang bibig at ginalugad ang kabuuan nito sa loob. Kumapit ako lalo sa kanyang leeg ng maramdamang gumaganti ito sa aking paghalik. Ang sarap nitong humalik gaya ng nasa isip ko. Ilang minuto rin itinagal ng aming paghahalikan ng ito ang unang bumitaw. Mabilis nitong tinanggal ang kanyang kamay sa aking bewang at umalis na walang paalam. Ni isang huling sulyap ay hindi niya ako nagawang tapunan. “Sayang, hindi ko nakuha pangalan niya.” panghihinayang ko na may ngiti sa aking mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD