KARISHMA’S POV
Nagising ako kinabukasan na maganda ang aking mood. I still can’t forget his kiss.
‘Shocks! Na inlove na yata ako’ kinikilig kong isip habang nagpapagulong gulong sa aking kama. Habang nakahiga sa aking kama ay ini imagine ko pa rin ang kanyang mukha; Medyo makapal ang kilay nito, matangos na ilong, may kakapalang rin ang labi na ansarap humalik at ang saktong tabas ng kanyang balbas at bigote na mas lalong nagbigay ng masculine features nito. Kung susumahin siguro ay nasa mga edad 35 pataas na ito. Malaki ang agwat ng edad niya sa akin pero ang mga katulad nito ang tipo ko. I find myself easily attracted to older men especially yung mga katulad nito na may pagkamasungit, malaki ang katawan at syempre gwapo. Marunong naman akong kumilatis ng gwapo at mataas ang standard ko kahit papaano.
“Good morning, Mamita” bati ko rito
“Good morning, hija. Good mood ka ngayon ah, anong meron?” tanong nito sa akin. Naabutan ko itong nasa sala habang may ginagawa sa kanyang laptop.
“Wala naman po. Mukhang busy kayo ngayon ah” sabi ko rito. Linggo ngayon kaya dapat nagpapahinga ito pero sa halip ganoon ay patuloy pa rin ito sa pagttrabaho.
Saka ko na tatanggapin ang offer na pagttrabaho sa kompanya, sa ngayon ayaw ko na munang istressin ang aking sarili. Kaya nga siguro namamayat si Mamita dahil sa sobrang stress. Baka kapag ako na ang mamahala ay bigla akong mastress..
Sinilip ko lang ang ginagawa nito at saka ako nagtungo sa kusina para maghanap ng makakain.
“Karishma” tawag muli sa akin ni Mamita kaya napatingin ako sa kanya.
“Yes po, Mamita?”
“May pupuntahan ka ba mamayang gabi?” tanong nito sa akin na hindi tumitingin.
“Mayroon po, Mamita.” agad kong sagot
Balak kong bumalik sa bar kung saan ko siya nakita kagabi. I would like to get to know him better. Sayang lang at hindi ko nakuha ang number niya, kahit man lang ang pangalan niya ay hindi ko alam but that’s okay dahil kung sakaling makita ko siyang muli mamaya ay sisiguraduhin kong makukuha ko ang loob nito.
“I won't stop you from leaving later pero maglaan ka ng kahit sandaling oras dahil may ipapakilala ako sayo. Darating siya mamaya” sabi nito at sa wakas ay tinapunan niya na ako ng tingin. Napataas kaagad ang aking kilay dahil sa sinabi nito. May hinala na ako kung ano ang sasabihin nito, ganun pa man ay nacurious ako.
GAEL’S POV
Hindi mawala sa aking isip ang babaeng humalik sa akin kagabi. Napakalambot ng labi nito at parang may kuryenteng dumadaloy mula sa katawan nito patungo sa akin. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung paano niya nalaman ang pangalan ko o baka naman guni-guni ko lang iyon. Habang nakatitig ako sa mukha nito ay parang pamilyar sa akin ang mukha nito subalit hindi ko matandaan kung saan ko nakita ito.
“Gael, tara kain tayo” yaya sa akin ni Aizen” classmate at kabuddy ko noong college. Isa na itong Pulis ngayon at sakto ng dumating ako kahapon ay niyaya niya ako pumunta sa bar. Sinuot ko lang aking sando at sumunod ako sa kanya sa kusina.
“Salamat pala pre sa pagpapatuloy mo sa akin” sabi ko rito habang kumakain
“Wala yun par, wala naman akong kasama dito sa bahay” sagot nito
Gaya ko ay 38 na rin ito at magpasahanggang ngayon ay wala pa ring asawa.
“Bakit kasi hindi ka na maghanap ng aasawahin para may kasama ka na rito” sabi ko rito
“Mas magandang walang asawa par para at least walang sabit. Tingnan mo, nakakapambabae ako kahit kailan ko gusto at walang magagalit..eh bakit ikaw, wala ka pa rin naman asawa ah” balik nito sa akin
“Parehas lang tayo ng rason Par” natatawa kong sagot. Pagkatapos kumain ay naggayak na ako ng aking gamit. Bandang hapon ay tinawagan ko si Ma’am Kamila at nagkita kami sa isang restaurant.
“Good Afternoon, Kamila” bati ko kay Ma’am Kamila nang makarating ako sa lamesa kung saan ito naghihintay. Naupo ako sa katapat nitong upuan, siya naman ay nag-order ng aming makakakain.
“Thank you so much, Gael dahil pumayag ka. Let’s get straight to the point” seryosong sabi ni Kamila nang makaalis ang waiter. Naging seryoso na rin ang aking mukha dahil sa sinabi nito
“Hindi aksidente ang pagkamatay nina Wilbert. In fact,sinadya iyon ng mga taong gustong makuha ang kompanya niya” bakas sa mukha nito ang galit
“May ideya ba kayo kung sino ang may pakana ng lahat ng ito?” tanong ko rito
Pumayag ako sa gusto nito dahil dito. Upang malaman kung sino ang pumatay kay Tatay.
“Mayroon na akong ideya kung sino pero sa ngayon ay hindi ko na muna ito pwedeng sabihin hanggat hindi ko pa iyon nakokompirma. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko sa ngayon , Gael. Gusto kong tulungan mo ko upang mapagbayaran ng kung sinong hudas ang kumitil ng buhay ng mga mahal natin sa buhay.” naluluhang sabi ni Ma’am Kamila. Hinawakan ko ang kamay nito upang pakalmahin ito. Nawala si Tatay ng araw na iyon at sobrang sakit na sa amin pero mas masakit ang nararamdaman nito dahil nawalan ito ng anak at asawa.
“Gael, ipangako mo na kahit anuman ang mangyari sa akin ay pprotektahan mo ang kompanya ng asawa ko.” sabi nito at hinawakan ang aking kamay
“Bakit ako? Hindi ba may apo ka? Si Karishma? Bakit hindi mo sa kanya ibigay, ako na ang bahala ang umagapay sa kanya.” takang tanong ko. Umiling lamang ito
“Right now, she’s not suitable for the position. She’s out of control at walang kainte-interes sa pagpapatakbo ng kompanya baka kapag ibinigay ko sa kanya ang posisyon ay imanipula lang siya ng mga naroroon lalo na at wala siyang alam.”
“Pero wala akong karapatan sa kompanyang iyon, Kamila. Wala rin akong kahit isang alam sa pasikot sikot sa loob ng kompanyang iyon.” rason ko
“I can teach you the basics pero sa ngayon, gusto kitang ipakilala bilang fiancee ko just to lure our enemies. For sure, lulutang ang mga yan once malaman nila na mag-aasawa ako ulit.” sabi nito. Sinabi niya sa akin ang lahat ng kanyang plano. Pagkatapos kumain ay nagtungo kami sa bahay nito. Balak ko na sana bumalik sa bahay ni Aizen pero mapilit si Ma’am Kamila dahil gusto niya raw akong ipakilala sa apo nito.
Habang nasa sasakyan ay pilit kong inaalala ang mukha ng kanyang apo na si Karishma. She’s only 10 noong huli ko siyang nakita pero kahit na sampung taong gulang palang ito ay malaking bulas ito na sa tingin ko ay namana nito sa kanyang lolo.
“Pumasok ka, Gael. Just move closer to me, convince everybody that we've been seeing each other for a long time. I also bought this” ipinakita sa akin ni Kamila ang singsing sa kanyang daliri.
“Let’s pretend na ibinigay mo ito sa akin. Do you understand?” sabi nito bago kami tuluyang pumasok ng bahay. Pagbukas pa lamang ng pinto ay tila nagbalik lahat sa akin ang alaala ng kahapon. Maliban sa ilang mwebles ay walang ibang nagbago sa loob ng bahay na ito kahit na sampung taon na ang nakakalipas.
“Maupo ka” sabi nito sa akin at dinala ako sa sala.
“Sandali lang ha at kukuha lang ako ng maiinom” sabi nito at agad na umalis sa aking harapan. Inilibot ko ang aking mga mata sa loob ng kabahayan. Mararamdaman mo kaagad ang malungkot na ambiance sa paligid. Dumating si Kamila mula sa kusina dala ang isang tray na may lamang baso ng juice.
“Nagbawas ako ng tao. Sa ngayon, isa lang ang katulong na stay in. sa umaga naman ay may dadating na maglalaba. Gaya ng sabi ko sa iyo kanina, we need to be careful. Hindi ko alam kung sino ang mga kaaway.” bulong nito sa akin habang iniaabot ang juice.
Magkatabi kami sa sofa sa sala nang bumaba ang isang dalaga. Pamilyar sa akin ang bulto nito kahit sa malayo palang.
“Mamita, are you here?” malamyos na boses na mula rito.
“Karishma, thank God at nandito ka pa” nakangiting sabi ni Kamila. Habang papalapit ang dalaga ay mas lalong nagiging pamilyar ang mukha nito sa akin.
“Syempre, sinabi niyo na hintayin ko kayo eh” sabi nito.
Kita ang gulat sa mga mata nito ng magkatitigan kami.
“Karishma, dear. I would like to introduce my new boyfriend. His name is Gael, Gael si Karishma ang only granddaughter ko.” Nakangiti habang nakaakbay si Madam Kamila habang ipinapakilala sa akin ang kanyang apo.