Nagtataka talaga ako kung saan ito lagi dumadaan at kung paano ito nakakapasok sa loob ng aking kwarto nang hindi dumadaan sa pinto. Napatitig ako rito samantalang nginitian niya naman ako. “Hindi nila ako makikita, hindi naman ako dumadaan sa harap eh.” sabi nito “Saan?” nakakunot ang noong tanong ko rito “Secret lang natin to ha” nakangiting sabi nito habang nakatapat sa kanyang bibig ang hintuturo. Tumayo ito mula sa pagkakahiga sa kama. Nagtungo ito sa pinakadulong bahagi ng kwarto sa may bandang gilid ng aking kama. “Huwag mong ipagsasabi ito kahit kanino ha. Ako lang ang nakakaalam nito.” bulong ng dalaga sa akin. Tumango ako. Itinulak niya ang isang bahagi ng pader at nagulat ako ng bigla iyong bumukas. “Konektado ang passage na ito sa apat na kwarto rito sa itaas ng bahay.

