GAEL' S PoV Habang nagtawanan kami ni Kamila sa kwarto nito ay napansin ko na may dumaan dahil bahagyang nakabukas ang pinto. Nagpaalam na rin ako Kay Kamila upang makapagpahinga ito sandali bago kami maghapunan. Paglabas ko ng kwarto nito ay narinig ko ang tunog ng pag-andar ng makina. Pumunta ako sa garahe at nakitang sakay ng itim na sasakyan si Karishma at papaalis ng bahay. Kahit gusto ko itong sundan ay hindi ko naman magawang Iwan si Kamila mag-isa Lalo na at nalaman Kong may taning na ang buhay nito. Sumapit ang hapunan ay wala pa rin ito kung kaya dalawa lang kami ni Kamila ang nagsalo. "Nasaan si Rish?" tanong ni Kamila habang Nasa hapag kaming dalawa. "Umalis kanina" matabang na sagot ko "Siguro kasama Niya na naman ang mga kaibigan Niya o baka naman nakipagkita ito sa kach

