KARISHMA'S POV Nagising ako na medyo mabigat ang aking ulo. Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone saka tumayo at naghilamos. Alas nuebe na ng Umaga at pagkatapos magtanghalian ay may meeting pa akong pupuntahan. Nakatanggap ako kaagad ng chat mula Kay Tristan habang nagpapahid ng moisturizer sa aking mukha at agad ko itong nireplyan. Lihim akong napangiti ng maalala ang naging reaksyon ni Gael. Tama nga ang hinala ko, nakita Niya kami ni Tristan kagabing naghahalikan. "Sheesh, eh ano naman kung halikan ko si Tristan. Wala nga kaming label. Confession lang ang nangyari Pero wala naman siyang sinabi kung kami na. Tsk. 'Makakapaghintay ka ba?' hintayin Niya mukha Niya. Kaya pala pinaghihintay ako kasi lalandiin Niya pa si Mamita." kausap ko sa aking sarili habang nakatingin sa akin rep

