GAEL’S POV Sinubukan kong tawagan si Attorney upang muli itong pabalikin sa bahay at dahil na rin sa utos ni Karishma. Laking pasalamat ko dahil agad ko itong nahimok upang maituloy ang kaso kay Agatha. Ilang beses ko pang sinubukan kontakin ang number ng nasabing abogado subalit puro pagring lang ang aking naririnig. “Rish, hindi ko makontak si Attorney. Susunduin ko na lang ito sa bahay niya.” sabi ko habang hawak hawak ang aking cellphone. Tumango ito bilang tanda. Bago umalis ay tinitigan ko muna at binigyan ng isang mahigpit na yakap sabay ng magaang halik sa kanyang ulo bago nagpasyang umalis. Habang sakay ng aking kotse ay walang tigil pa rin ang aking pagdial sa number ng abogado hanggang sa makarating ako sa kanilang tahanan kinse minutos ang layo sa pagitan ng aming bahay.

