MARA’S POV Agad kong pinatawag si Attorney nang malaman ang tunay na nangyari sa aking pamilya lalo na ng malaman kong hindi aksidente ang tunay na naging dahilan ng pagkamatay ng aking mommy at ni Papito. Magkahalong galit at hinagpis ang aking nararamdaman ng mga oras na iyon at hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Sa mga oras na iyon ang tanging tumatakbo sa aking isip ay mabigyan hustisya ang nangyari sa aking pamilya at huwag hayaang mapasakamay ni Agatha ang kompanyang sapung taong pinaghirapang pagtrabahuan ni Mamita. “Rish, hindi ko makontak si Attorney. Susunduin ko na lang ito sa bahay niya.” turan ni Gael habang hawak hawak nito ang kanyang cellphone. Tumango na lang ako tanda ng aking pagsagot sa kanyang tanong. Hinagkan niya na muna ako sa aking noo bago ito

