KARISHMA'S POV Pakiramdam ko ay naiipon ang pawis ko sa aking singit na nagpapahapdi sa aking kaselanan kaya hindi ko maiwasang ibuka ang aking mga hita upang kahit papaano ay pumasok ang lamig ng aircon at mapawi ng konti ang sakit. Hindi ko alam na minamasdan ni Gael ang bawat kilos ko. Pagkatapos ng Isang oras na pakikipag usap ay natapos din sa wakas ang aming meeting. Sermon kaagad ang binungad sa akin ni Gael pagkaalis palang ng kausap namin. Para ko itong tatay na nakabantay sa bawat kilos ko Simula hanggang matapos ang meeting. May mga pagkakataon na pasimple nitong hinihila pababa ang palda ko o di kaya ay hahampasin ang aking hita para mapagdikit ko. Bago pa humaba ang sermon nito sa akin ay nagpaalam na muna akobg iihi dahil kanina pa ako nagpipigil. Pagkalabas ng cubicle at na

