GAEL’S POV Pagkatapos ng mainit naming pinagsaluhan sa loob ng kotse ay inaya ko si Karishma na dumaan sa isang parke hindi kalayuan sa subdivision kung saan kami nakatira subalit kaagad itong tumanggi dahil pagod na raw ito. Naririnig ko pa na tumutunog ang cellphone nito. “Bakit hindi mo sagutin ang mga tumatawag sa’yo? “ puna ko dahil kanina pa tumutunog ang cellphone nito. “Nah. It’s Jenn, for sure kukulitin niya lang ako tungkol sayo” bagot na sagot nito habang nakatingin sa bintana “ Tungkol sa akin? Bakit naman ako?” takang tanong ko habang nakatuon ang aking mga mata sa kalsada at nagmamaneho “Kilala ko ang babaeng yun. Kapag may gusto yun, mangungulit yun para makuha ang identity ng prospect guy niya.” anito. Habang nagsasalita ito ay nagvibrate naman ang cellphone ko at sak

