KARISHMA'S POV Habang mag-iisang magtatanghalian ay pinagsilbihan ako ni Mara. Parang may kung ano ang sumusugsog sa aking utak na tanungin ito tungkol sa kanila ni Gael. "Mara, Paano mo nakilala si Gael?" tanong ko rito habang sinasalinan nito ng tubig ang aking baso. "Si Gael po? Naging close ko po kasi ang ate Niya si Ate Rhea, magkasama kami dati sa Isang grocery store. Kahera si Ate ako saleslady tapos Yun po isinama Niya ako sa bahay nila doon ko po nakilala si Gael." nakangiting sagot nito. "Ilang taon na kayong magkakilala?" "Matagal na rin po, Ma'am siguro nasa 8 o 9 years na. Medyo mailap po yan sa babae at may pagkamasungit" kwento pa nito. 'Matagal na pala Silang magkakilala. Kami, six months palang tapos ang relasyon namin halos dalawang buwan palang' "Nagkagirlfrien

