KARISHMA'S POV Sumapit ang tanghalian ay hindi pa rin nakabalik si Gael. Hindi ako mapakali dahil sa seryosong tingin nito sa akin. Para kaming nagbalik sa una naming pagkikita kung saan ay hindi Niya ako pinapansin at walang pagtingin sa akin. Pinilit Kong makatulog ng tanghali Pero hindi ako dalawin ng antok sa labis na pag-iisip Bago pa magdilim ay nakabalik na si Raven dala ang mga gamit nito. Napagdesisyunan na sa kwarto na ni Mamita matutulog ang Private nurse nito magandang dahilan na rin iyon para sa 24 oras na mabantay si Mamita. Ang dating kwarto ng Nurse ang siyang pansamantalang kwarto no Raven. Saktong magddinner ay dumating si Gael kasama ang babaeng kausap nito sa party ni Mamita. Dala ni Gael ang malaking bag nito habang nakahawak sa kamay ng babae. " Good evening po, Ma

