"Nagkausap na ba kayo ni Kristha, cous?" tanong ko kay Sabrina habang kumakain kami. Naging successful ang fiftieth anniversary nina Mr and Mrs. Laczamana na inorganized namin kaya naman nagpalibre ng hapunan si Sabrina sa akin. "Hindi pa. Hindi rin niya na-seen ang message ko," sagot niya habang enjoy na enjoy sa pagkain ng ice cream. "Bakit mo naitanong?" Nagkibit balikat lang ako at hindi na siya sinagot inumpisahan ko na ring kainin ang ice cream sa harap ko na unti unti ng natutunaw. Bakit ko nga ba naitanong? Dahil ba gusto kong makibalita ng tungkol kay Micko? Dahil ba gusto kong malaman kung sino si Gia? Nang araw na iyon para akong sinampal ng katotohanan. Sampung taon na-No! Almost twelve years na ang lumipas. Gano'n na ako katagal na naghihintay. May hinihintay pa ba ako

