Kung dati ay excited ako sa bawat araw na dumadaan sa buhay ko, ngayon ay hindi na ako makaramdam ng kahit na anong excitement sa aking katawan. Para bang sa bawat araw na dumadaan ay wala ng buhay para sa akin ang lahat ng nasa paligid ko. Pumapasok ako sa trabaho at nakikisalamuha sa ibang tao pero wala na ang sigla. Wala na ang saya. "Ma'am Lorren, may bisita po kayo," bungad ni Flor sa pintuan ng aking opisina matapos kumatok. Nahinto ako sa pagtitipa nang marinig ko ang sinabi niya. Bahagya pang kumunot ang aking noo dahil wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Kung kliyente naman ay by appoinment naman iyon. Nag angat ako ng tingin at hinintay na pumasok ang bisitang sinasabi ni Flor. Natigilan pa ako nang pumasok si Kristha kasunod ang isang babae na hindi ko inaasahang har

