Nakatayo sa isang sikat na subdivision ang bahay ni Micko. Hindi lang basta bahay kundi isang malaking mansyon. Agad akong bumaba sa aking sasakyan matapos makapasok sa malawak na parking area. Tahimik ang buong paligid at maaliwalas dahil sa mga punong nagkalat. May mga halaman rin at iba't ibang klase ng mga bulaklak. Maganda ang pagkakayari ng bahay. Hindi lang ang parking area ang malawak maging ang bakuran ay talagang hahanga ang lahat ng makakakita. Proud na proud ako kay Kristha dahil ganito kaganda ang bahay na dinisenyo niya. Natigil ako sa pagmamasid sa aking paligid ng tumunog ang aking cellphone. "Nandito na 'ko," ani ko matapos sagutin ang tawag ni Kristha. "Okay. Pinasundo na kita sa kasambahay ni Micko." Pinatay ko na rin ang tawag nang matanaw ko ang isang unipormado

