"Lorren!" Tumayo ako at sinalubong ng yakap si Sabrina. Naiyak na naman ako dahil muli kong naalala ang kwintas ko. Ang tagal tagal kong iningatan ng kwintas na 'yon. Tapos sa ganoong paraan lang mawawala. "Pwede ko na po bang iuwi ang pinsan ko, sir?" tanong ni Sabrina sa naroong pulis. "Yes, ma'am. Tatawagan na lang po namin kayo kapag may update na kami sa holdaper," paliwanag ng lalaki. "Thank you po," ani pa ni Sab at hinarap ako. "Ayos ka lang ba?" Tumango lang ako at inayos na ang aking sarili. "Umuwi na tayo. Gusto ko ng magpahinga." Inakay ako ni Sab paalis ng police station. Tahimik lang ako buong byahe. Nakikita ko sa salamin ng bintana ang maya't mayang pagsulyap ni Sabrina sa akin pero hindi s'ya nagsasalita. Pagod akong naupo sa sofa ng makauwi kami. Pumasok sa kusina

