PAGPASOK pa lamang ni Toni sa restaurant ay naririnig na niya ang boses ni Tin na nasa kitchen at tila aligaga sa pagbibigay ng instructions. "Bez, aga-aga, ingay-ingay." aniya rito nang makapasok sa kitchen. "Thank God, dumating ka rin, bez." anitong eksaheradang humawak pa sa dibdib. "May event tayo sa makalawa." "Oh, sa makalawa pa pala, maka-react ka, parang mamayang gabi na 'yong event." naiiling niyang sabi. Pinanlakihan pa siya nito ng mga mata bago muling magsalita. "Bez, big event 'yon. Two hundred pax. And take note, fully paid." "Wow!" kahit siya ay na-excite sa narinig. Nag-uumpisa pa lamang sila halos, at malaking break iyon para sa kanila. "Pero teka," bahagyang napalis ang ngiti niya. "Kaya na ba natin ang ganoon kalaking event?" "Kaya naman," tumatangong sabi nito h

