PAGKAKAIN nila ay nagkanya-kanya nang hatid ang magpinsan sa kanilang magkaibigan. Inihatid ni Lloyd ang kasintahan nitong si Tin, at inihatid naman siya ni Kevin. Paghinto ng sasakyan sa mismong harap ng gate ng bahay nila ay nakangiting nagpasalamat siya kay Kevin at akmang bababa na, nang pigilan siya nito. Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ito. "Ahm..." panimula nito na umayos ng upo at tumingin sa unahan ng sasakyan. "May... sasabihin sana ako sa'yo." anitong sa harap pa rin nakatingin. Bumaling siya rito na nagtatanong pa rin ang mga mata. "May problema ba?" kunot-noong tanong niya rito. "Gusto ko sana'ng ikaw muna ang maka-alam nito, e." hindi pa rin tumitinging sabi nito. Pina-ikot niya ang mga mata sa pagka-inip sa sasabihin nito. "Kevin, huwag mo na ako'ng bitinin

