FROM : GREG Hi, Sweetheart. FROM : GREG Sweetheart FROM : GREG Hey FROM : GREG Reply naman diyan... ALANGANING nginitian ni Toni ang kausap na kliyente nang sulyapan nito ang cellphone niya na sunud-sunod ang pagtunog. Pasimple niya iyong dinampot at sinilip ang mensahe. "It's okay, you can take that," nakangiti namang sabi ng ka-meeting niya. "I'll just go to the restroom for a while." "Thank you." nakangiti ring sagot niya. Nang makaalis ito ay agad na napalis ang ngiti niya. May kasamang gigil na nagtipa siya ng sagot dito. FROM : TONI Bakit ba? Nakakaistorbo ka, may kasusap ako'ng tao. FROM : GREG Lalaki o babae? FROM : TONI What? FROM : GREG Iyong kausap mo? Lalaki ba, o, babae? FROM : TONI Pwede ba, Greg? None of your business... FROM : GREG Okay, sorry na. I

