Chapter 2

1349 Words
Quick note: Rui is pronounced as Ruwi and not Ruy. Enoch is pronounced as Inok and not Inotch. NAKAUPO ako sa lobby ng ospital. Sa aking tabi ay nakapatong ang ilan sa aking mga gamit. Ilang araw din ang inilagi ko sa ospital bago ako pinayagan ng doctor na makauwi. Kailangan kasi munang makabawi ng aking katawan mula sa pagkakalason. Nalaman ko rin mula sa nurse na nag-aasikaso sa akin na maggagabi raw noong nakaraang araw nang dalhin ako dito sa ospital. Nakita raw ako ng aking ina na walang malay at nakalupasay sa sahig katabi ang isang bote ng pesticide. Agad itong tumawag ng ambulansya ng makita ako. Sabi pa niya ay DOA (Dead on Arrival) na raw ako dahil sa mabilis na pagkalat ng lason sa aking katawan kaya laking gulat nila nang muli akong magkapulso makaraan ang ilang minuto. Sa kanilang mga mata ay isa raw akong patunay ng milagro. Mahal daw ako ng nasa itaas kaya binigyan pa niya ako ng isang pagkakataon para mabuhay. Huwag na huwag ko raw iyong sasayangin. Sino nga bang hindi mag-iisip na isang malaking paghihimala ang nangyari. Isang patay na muling nabuhay. Sa panahon ngayon wala ka ng makikitang gano'n. But their beliefs are different from mine. I may not still remember what my name is pero nakakasiguro akong hindi Rui ang aking pangalan at hindi ito ang aking katawan. It's only my consciousness that's residing in this woman's body. Hindi ko pa rin maalala ang buong nangyari. Patuloy pa ring naglalaro sa aking isipan ang mga katanungan. Why am I trapped in this body and how long will I be? Ito na ba ang aking kaparusahan? Kung ga'yon man, anong klaseng parusa ito at bakit sa katawan pa ng babaeng ito? And why did the owner of this body wanted to kill herself? Naputol ang aking pag-iisip nang marinig ko ang isang tinig, "Rui, tara?" anyaya ni Hina sa akin. Siya ang bestfriend ni Rui na kamakailan ay sinusuntok suntok ako. Kasama niya si Mrs. Elsa Godinez, ang matandang babaeng kamakailan ay iniiyakan ako. Siya ang nanay ni Rui. Nakangiti silang dalawa sa akin. Sa ngayon ay wala akong ibang pagpipilian kundi ang sumama sa kanila. Right now, I'm vulnerable. Nakakaramdam ako ng sakit na katulad ng sa isang normal na tao at hindi iyon maganda. I'm in a mortal's body and I can die anytime. Kailangan kong mag-ingat. I need to stay alive and find answers to all of my questions. Kinuha ko na ang aking mga gamit. Tinulungan naman ako ni Hina na bitbitin ang iba sa mga ito. Tumayo na ako at sumunod sa kanila. Nauunang maglakad ang nanay ni Rui habang si Hina naman ay sinabayan ako. "Rui?" pagtawag sa akin ni Hina at gaya ng palagi kong ginagawa ay tiningnan ko lang siya. "I miss you, the old you." pagpapatuloy niya. Binigyan ko lang siya ng isang matipid na ngiti. One thing I noticed about Hina is that palagi siyang nakasuot ng long sleeves. Muli akong napatingin sa kanyang bandang pulso. Kaya siguro? I shrugged at the thought and stayed quiet. Hindi ko na kailangan pang makialam sa kanila. Anytime soon ay iwan ko rin sila. Hanggang sa makalabas kami ng ospital at sumakay ng taxi ay walang nagsasalita sa amin. Ilang minuto rin ang itinagal ng aming biyahe bago kami makarating sa tapat ng isang dalawang palapag na bahay. Bumaba na kami dala ang aking mga gamit at pumasok na sa loob. "Rui, ayusin mo muna ang mga gamit mo sa taas, maghahanda lang ako ng ating pagkain." Umakyat na ako dala ang aking mga gamit. Gayunpaman, rinig ko pa rin ang kanilang pag-uusap sa baba. "Hina, hija, dito ka na rin maghapunan." "Sige po Tita, tulungan ko na lang po muna si Rui sa taas." Tatlong silid ang bumungad sa akin pagdating ko sa itaas. Sandali, alin ba dito ang silid ni Rui? Hindi ako maaring magtanong sa kanila dahil baka maghinala sila sa akin. Naglakad ako patungo sa dulong silid. Bubuksan ko na sana ang pinto nang marinig ko si Hina sa di kalayuan. "Rui, anong ginagawa mo dyan?" tanong ni Hina sa akin. Nilingunan ko siya. Hawak niya ang doorknob ng unang kwartong malapit sa hagdan. "W-wala." matipid kong sagot. Lumapit siya sa akin at kinuha ang aking mga gamit. "I think you shouldn't go to that room." sabi niya sa akin at saka tiningnan ang pintuang nasa aming harap. "Halika na sa kwarto mo." hinawakan niya ang aking braso at hinila papunta sa aking kwarto. Kulay rosas ang pinta ng dingding. Sa kanan ay may isang katamtaman ang laki na kama. Sa kaliwa naman ay isang kabinet na punong puno ng libro. Sa tabi nito ay ang study table at isang whole body mirror. Inilapag ni Hina ang maliit na maleta ng aking mga damit sa sahig. Ako naman ay nagtungo papunta sa may study area. Marami ang nagkalat na gusot na papel sa lamesa. Hinawi ko ang mga ito at doon ko nakita ang isang kulay itim na notebook. May lock ito sa tabi, diary? Bukas ang lock nito at mukhang ang mga gusot na papel ay pinunit mula dito. Kinuha ko ang isa sa mga gusot na papel sa lamesa. I did my best to uncrumple it. Akala ko nung una ay isa lamang itong scratchpaper, pero nagkamali ako dahil sa sunod kong nakita ay bumigat ng sobra ang aking pakiramdam. Nakaguhit sa papel ang isang malungkot na babae. Umiiyak ito habang nakatingin sa mga bituin. Sa baba ng drawing ay nakasulat ang mga katagang.. "A star jumped to death to fulfill her wish." Nakaramdam ako ng pagkabalisa. Alam kong may mali sa aking nakita. "Rui.." Biglang hinawakan ni Hina ang aking kanang balikat at sa aking pagkagulat ay nagusot ko ang hawak kong papel. Nilingunan ko siya at dala niya ang isang photo album. "Pasensya na. Nagulat ba kita?" Umiling ako, "Okay lang." Ipinakita niya sa akin ang dala niyang photo album, "Our memories." nakangiti niyang sabi sa akin. Naupo siya sa tabi ng kama. Sumunod naman ako sa kanya. Binuksan niya ang photo album at bumungad sa amin ang litrato nilang dalawa ni Rui noong mga bata pa lamang sila. Magkababata pala sila. Nagkikuwento lang siya habang nagtitingin kami ng mga litrato. "Ito yung araw na natuto tayo magbike. Umiyak ka pa no'n kasi natumba ka." tatawa tawa siya habang pinagmamasdan ang litrato nila ni Rui. "Tanda mo 'to? Ito yung araw na nagfieldtrip tayo nung elem." sabi niya sa akin. Nagbuklat pa siya ng ilan pang mga litrato at sa sunod niyang nakita ay natigilan siya. Napatingin ako sa litratong kasalukuyan niyang tinitingnan. Hinahaplos haplos na niya ito. "I took this photo of you at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano bang meron nung sandaling yon. Ano ba talagang nangyari noon Rui? Bakit ka umiiyak sa gitna ng mall?" sunod sunod niyang tanong sa akin. Hindi ko alam ang isasagot ko. Maging ako ay nagtataka rin. Bakit nga ba sobrang lungkot ng batang si Rui sa litrato? Napatungo na lamang ako. Bukod sa wala pa rin akong maalala sa kung ano nga ba ang nangyari sa akin ay wala rin akong ideya sa kung sino ang babaeng nagmamay-ari ng katawan na nilalagian ko. "Hmm. Nevermind." muling ibinaling ni Hina ang kanyang atensyon sa pagtitingin ng mga litrato. Ipinagpatuloy lang niya ang kanyang ginagawa hanggang sa narinig namin ang katok sa pinto. Bumukas ito at nakita namin ang nanay ni Rui. "Rui, Hina. Baba na kayo, kakain na tayo." tawag niya sa amin. Isinara ni Hina ang photo album at saka tumayo, "Tara na." Nauna siyang bumaba, ako naman ay nakatingin lang sa sahig. Hindi ko napigilang ikuyom ang aking palad. Sino nga ba ako at bakit ako nasa katawaan ng babaeng ito? Napailing ako. Kahit anong pilit kong alalahanin ang lahat ay wala pa rin talaga. Nagpasya na akong bumaba at sa aking pagtunghay ay muli kong nakita ang aking repleksyon sa salaming nasa tapat ng aking kinauupuan. Napahawak ako sa aking mukha. Rui Godinez, sino ka bang talaga?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD