bc

Trapped [ Filipino | Tagalog ]

book_age0+
384
FOLLOW
1.3K
READ
body exchange
badgirl
student
tragedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Si Enoch ay isang nagkasalang anghel na ipinatapon sa mundo ng mga tao para mamuhay bilang isang imortal panghabambuhay.

Sa unang pagmulat ng kanyang mga mata bilang isang ganap na tao, laking gulat niya nang makitang nasa katawan siya ng isang babaeng mortal. He was trapped in a stranger's body.

Ngunit paano nga ba siyang napunta sa katawan ng babaeng ito? Nasaan na ang totoo niyang katawan? At higit sa lahat, paano niya hahanapin ang mga sagot sa mga walang katapusang tanong, kung kahit mismong kanyang pangalan ay naliligaw sa alapaap ng kanyang alaala?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
NAGISING akong nakadantay sa bisig ng isang matanda. Ramdam ko ang pananakit ng buo kong katawan. Mumukat-mukat pa rin ang aking mga mata. Nanlalabo ang aking paningin. Hanggang ngayon ay nahihilo pa rin ako. Ito ba ay epekto ng pagbagsak ko? "Doc please, nagmamakaawa na ako. Buhayin niyo ang anak ko!" mangiyak-ngiyak na sabi ng matandang babae sa isang lalaking nakaputing coat na nasa kanyang harapan. "Pasensya na talaga kayo pero ginawa na namin ang lahat." malungkot na sabi nito dito. Patuloy pa rin ang paghikbi ng matandang babae, "H-hindi! R-rui, anak please, gumising ka!" Yakap-yakap pa rin niya ako sa kanyang mga bisig. Kulubot ang kanyang balat at kulay abo ang kanyang buhok. Medyo may katandaan na siya. Namamanhid pa rin ang buo kong katawan. Gayunpaman, pilit kong sinusubukang iibo ang aking mga kamay. "I'm really sorry Mrs. Godinez, we did our best pero mabilis na kumalat ang lason sa buo niyang katawan." "P-pero Doc--" Tumalikod na ang lalaking nakaputing coat. Iniabot nito sa isang babaeng may cup na puti ang kanyang stethoscope. Muli kong sinubukang iibo ang aking mga kamay at sa pagkakataong ito ay naikuyom ko ang aking palad. Paalis na ang doktor nang marinig niya ang isang matinis na tunog na nagmula sa aparatong nasa aking tabi. "D-doc. The patient is.." Nagtinginan silang lahat sa akin. "Rui!" Hindi makapaniwala ang matandang nakayakap sa akin nang makita niya akong nakamulat. Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Patuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang mga luha. Hindi ko napigilan ang hindi mapa-aray. Sa sobrang higpit ng kanyang pagkakayakap ay muli kong naramdaman ang sakit ng aking mga kalamnan. "Anak, wag mo ng uulitin 'to ha. Ikaw na lang meron ako. Huwag mo 'kong iiwan." hihikbi-hikbi niyang sabi sa akin. "Mrs. Godinez, this is really quite amusing but I think it's best if we check your daughter's condition first." Tumango ang matanda at ilang sandali pa ay kumalas na rin siya sa pagkakayakap sa akin. Pinunasan niya ng kanyang mga kamay ang kanyang luha at saka tumayo. "I'm so happy, anak. Huwag mo na ulit yung uulitin ha? Nagmamakaawa si Mama sa'yo. Mahal na mahal kita." sabi niya sa akin bago siya tuluyang lumabas ng silid. Naiwan akong nakahiga sa kama. Hindi ko pa rin magawang maiibo ang aking katawan. Maya-maya pa ay sinuri na ako ng doctor. Muli akong napalinga sa paligid. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Ano ba ang nangyari? At nasaan ba ako? Patuloy pa rin ang ginagawi nilang pageexamine sa akin nang tumama sa akin balat ang sinag ng araw na nagmula sa bintana. Ganito pala ang pakiramdam ng naiinitan. Ilang sandali pa ay natapos na sila sa mga ginagawa nilang pagsusuri sa akin. Lumabas na rin sila ng silid. Naiwan akong mag-isa. Naglibot ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto. Kulay puti ang pinta ng dingding. Sa aking kanan ay may isang maliit na lamesa, may nakapatong ditong bulaklak. Muli kong naramdaman ang sakit ng aking katawan. Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako, bakit ba ako nasasaktan? Hindi ba dapat ay wala akong pakiramdam? Habang iniinda ang sakit ay pinilit kong bumangon. Napahawak pa ako sa aking balikat. At nang makabangon ako ay agad akong lumabas ng silid. Isa lang ang nasa aking isipan. Ang lugar na ito ay hindi para sa akin at kailangan ko ng umalis dito. Paglabas ko ng silid ay nakasalubong ko ang napakaraming mga tao. Mabuti na lang at wala ni isa do'n ang matandang babaeng nakayakap sa akin kanina. Sino ba siya at bakit ba niya ako iniiyakan? "Rui?" Napatingin ako sa aking kanan nang muli ko na namang marinig ang pangalang 'yon. Lumapit sa akin ang isang babaeng hanggang balikat ang buhok. Halos magkasing taas lang kami. Matangos ang kanyang ilong at malaporselana ang kanyang balat. Singkit ang kanyang mga mata at mapupula ang kanyang mga labi. Pero sandali, sino naman siya? "Rui, anong ginagawa mo dito?" Nakatingin lang ako sa kanya. Ako ba ang kinakausap niya? "Okay ka na ba? Bakit ka nasa labas ng kwarto mo? May kailangan ka ba?" magkakasunod na tanong niya sa akin. Muli akong napalinga sa aking paligid. Wala namang ibang tao na malapit sa amin. Mukhang ako nga ang kinakausap niya. Magsasalita na sana ako nang hawakan niya ang aking braso, "Naku, mapapagalitan ako ni Tita niyan e. Halika na, balik na tayo sa kwarto mo." Tinapik ko ang kanyang kamay. Napalingon naman siya sa akin. Ngayon ay nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata. "Bakit ka ganyan?" mangiyak-ngiyak na tanong niya sa akin. "Alam mo ba tinawagan ako ng Mama mo. Sabi niya sa akin ginawa mo na naman ulit! Di ba nag-usap na tayo? Sabi mo sa akin hindi mo na ulit gagawin pero anong nangyari? Bakit inulit mo na naman?!" Sinusuntok suntok niya ang aking balikat habang patuloy ang kanyang pag-iyak. "Anong sinasabi mo?" tanong ko sa kanya. "Ganyan ka naman e! Kunwari hindi mo naaalala. Kunwari wala kang alam! Sa ilang beses na paulit ulit mong sinubukang kitilin ang buhay mo, palagi ka na lang walang naaalala! Ganyan ka na ba talaga kadesididong kalimutan at iwan ang lahat?!" Tumigil siya sa pagsuntok-suntok sa aking dibdib. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. "Rui, I'm your best friend and you're like a sister to me. Please don't harm yourself again. Everyone's fighting their own demons. Yes, we are pero Rui naman, that doesn't mean you should give up on life." Pinahid niya ang kanyang mga luha, "You don't need to say anything. I know how you're feeling cos I've been there. Remember this?" itinaas niya ang sleeves ng kanyang damit. Doon ko nakita ang cut marks sa kanyang pulso. "You're the one who taught me not to do such things. You were my savior and you are still. I owe you my life at hindi ko mapapatawad ang sarili ko sakaling may mangyaring masama sa'yo. So please Rui, don't give up. Maraming nagmamahal sa'yo at isa na ako do'n." Inayos niya ang kanyang sarili at binigyan ako ng isang pilit na ngiti, "Wag mo ng uulitin yun ha?" Muli ay hinawakan niya ang aking braso, "Halika na." Muli ko sanang tatapikin ang kanyang kamay nang makaramdam ako ng hilo. Sobrang sakit ng aking ulo. "Rui?!" Napakapit ako sa glass door na nasa aking tabi at napatingin dito. Sa sunod kong nakita ay napatulala ako. "Rui, ayos ka lang ba? Nurse! Nurse tulungan niyo kami." Inabot ko ang pinto gamit ang aking kanang kamay habang ang kaliwa naman ay hinawak ko sa aking mukha. Pinisil ko ang aking pisngi at nasaktan naman ako. I-imposible. Hindi totoo itong nakikita ko. Muli akong napahawak sa aking ulo. Hindi ko na kanyang indahin pa ang sakit. Ilang sandali pa ay inalalayan ako ng isang babae paupo sa isang wheelchair. "Rui, I'm sorry. I think it's my fault." sabi ng babaeng kanina ay sinusuntok suntok ako. Ngayon ay unti-unti ko ng naiintindihan ang lahat. Nakahawak pa rin ako sa aking ulo. Maaring hindi ko pa natatandaan ang buong pangyayari ngunit isa lang ang nakakasiguro ako, hindi Rui ang aking pangalan at hindi ito ang aking katawan. Isa akong anghel na pinarusahan at ipinatapon dito sa lupa. At ang rason kung bakit ay siyang hindi ko maalala. Muli akong napaisip. Bakit nga ba ako nandito? Ano nga ba nagawa ko at napunta ako dito? And why am I trapped inside of a body that's longing to die? Muli akong nakaramdam ng hilo. Unti unti ng nagdidilim ang aking paningin. "Rui!" At bago pa ako makabalik sa aking silid ay tuluyan ng nabalot ng dilim ang aking paningin. Hindi ko na rin alam pa ang mga sumunod na nangyari.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Unsuspecting Mate

read
768.7K
bc

The Vampire's Servant

read
514.9K
bc

Dragon's Ice

read
461.5K
bc

Energy of the Omega

read
239.9K
bc

ABUSED, SCARRED, SCARED AND FINALLY REJECTED?

read
263.9K
bc

An Unexpected Wolf Rank

read
752.0K
bc

Lady Dhampir

read
4.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook