Jessie's POV Nasa isang gubat ako naglalakad, maganda ang paligid, matitingkad ang kulay ng mga dahon, naglalakihang mga puno at dinig ang mga huni ng iba't ibang ibon at hayop. Nakarinig din ako ng lagaslas ng tubig… ito ay aking sinundan at natagpuan naman ang isang ilog na may di kataasang talon. Napakaganda at payapa ang lugar. Parang gusto kong pumirmi o manirahan sa ganitong lugar. Yung tipong walang teknolohiya, walang traffic!, sariwa din ang hangin at walang maiingay at nag tsi- tsismisang kapitbahay. Payapang payapa. Napansin kong mayroon ding kubong di kalakihan at nakita kong may kumakaway sa akin. Wala akong naramdamang kaba at naengganyo akong lapitan ito. Habang papalapit at namumukhaan ko ba kung sino ito. Walang iba kundi si Jessica… Pinapasok ako ni Jessica sa kubo at

