Jessie’s POV
Habang bumibiyahe ay bumubuo kami ng plano nila Jessica at Dakota. Wala na kaming choice kung hindi tumakas. Malayo layo na rin kami sa Balwarte ng Red Rock.
“Jessie, kailangan mong kunin ang loob nila at ng sa gayon, makakilos tayo, tapos si Dakota ang mag tatake over pag naka tiyempo na, then tatakbo tayo.” sabi ni Jessica
“Ikaw naman Dakota, puntiryahin mo ang driver para mabanga ang sasakyan nato , at isunod ang iba pag hindi napuruhan ng impact ng sasakyan, tapos takbo na” dagdag ni Jessica
"Okay!" Sabay naming sabi ni Dakota
"Manong , maganda ba sa inyong lugar?" Tanong ko sa Driver. And driver lang kasi ang gising at ang isa sa likuran ng van. Ang iba ay tulog, marahill ay pagod dahil gabi na.
Hindi magsalita ang Driver
Palpak yata, susubok na lang ako ng iba.
" Dakota , pag turo ko at malapit ba kamay sa driver, bigla mo pilitin ang leeg ha, tapos hawak mabuti at siguradong mababangga tayo." Bilin ko
" Ready when you are Jessie" sagot ni Dakota
"Hala, manog ano un? Nilapit ko ang aking kamay na nakaturo malapit sa ulo nito, mayamaya lamang ay nag take over si Dakota at pinilipit ang leeg nito. Pagkatapos ay kumapit ng mahigpit dahil wala ng time mag seatbelts. Gumewang gewang ang sasakyan at nabangga sa puno. Sa lakas ng impact ay mabasag ang mga salamin. Parang patay ang driver at napuruhan naman ang iba. Hindi kasi nag si- seatbelt. Nakita ko din na may mga sugat sila , dumudugo at hindi makagalaw. Pagkakataon ko ba tumakbo!
Kikilos na sana ako, pero nahihirapan ako, parang napilayan yata ako at masakit sa bandang tadyang. Niyakap ko ang aking sarili , pumikit at nag concentrate. Oo, susubukan kong gamutin ang sarili ko. Noong mga panahon hindi kami nag uusap at sinusundan ko si Lennox sa treehouse, Mayroon akong makitang ibon na hindi makalipad. May bali yata ang pakpak nito. Sinubukan ko iyong i-heal at nagawa ko naman. Umilaw lang ang katawan ko, pero walang halimuyak na lumabas. Mabisa talaga ang gamot na ginawa ni Lola.
Mayamaya lamang ay umilaw na ang aking balat at gumaan na ang aking pakiramdam. Ikinilos ko ang aking katawan at wala na ang sakit. Wala na akong sinayang na sandali at tumakbo na.
Madilim ang lugar, at hindi ko alam kung nasaan ako. Ang akin lang, ay dapat malayo ako sa lugar kung saan ko iniwan ang mga Rogues na un habang sugatan pa sila at hindi makahabol sa akin.
Matagal tagal din akong tumakbo, huminto lamang ako ng makaramdam ng pagod.
Nakaramdam na rin ako ng uhaw at gutom. Kailangan ko lang I-survive ang gabing ito at bukas ng umaga ko na iisipin kung babalik ba ba ako sa amin.
Naalala ko, wala pala akong dala kahit na ano. Tanging ang gamot ko lang ang dala ko. Mabuti ba lang at binili mi Lola na lagi ko itong ilagay sa aking bulsa. Wala akong dalang pera o cellphone para makontak sila. Nag try ako mag mindlink, pero bigo ako.
Parang nahihilo na ako sa gutom, naubos ang lakas ko ka tatakbo. Babagsak ba sana ako ng may sumalo sa akin. Tuluyan nang dumilim ang paligid.
Nagkamalay Ako nang may narinig akong nag uusap. Sino kaya ang mga ito. Hindi ko masyado maintindihan ang sinasabi. Malakas ang pandinig ko pero parang hapung hapo talaga ako na hindi ko na maintindihan kung ano man ang pinag uusapan ng nasa paligid. Ang malinaw lang na marinig ko ay "madaming tattoo" . Ako ang pinag uusapan nila.
Nagmulat ako ng aking mga mata at nakitang nasa isang silid ako na wariy parang isang kwarto ng Ospital. Mukha ngang nasa Ospital ako.
Nakita naman ako ng nurse na gising na at tinawag nito ang Doctor.
"Kamusta ang pakiramdam mo iha?" Tanong ng isang Doctor. Babae ito ba medyo may matandaan na. Siguro nasa 50’s na ang nasabing Doctora.
"Ayos naman po ako, bakit po ako naririto?" Tanong ko
"Dinala ka dito ng aking driver na naghihintay malapit dito, hinimatay ka daw at parang pagod na pagod. Naka paa ka lang din. Wala naman kaming nakitang sugat sa iyo, ang sanhi niyon at ang gutom at pagod" wika ng Doctora
"Pasensya na po, may tinakasan lang po kasi ako.Lumayas kumbaga.” pagsisinungaling ko
"Gusto mo bang tumawag ako ng Pulis, o ng sino man kung gusto mo lang mag report? , para magreklamo mo yung tinakasan mo?" Tanong nito
" Huwag na po, hindi naman po serious. Lumayas lang po ako" pagsisinungaling ko ulit. "Pasensya na po kayo Doctora sa abala at wala po akong pambayad dito, wala po akong nadala kahit piso, Kahit nga damit na pamalit ay wala.
" Ayos lang iyon iha, so meaning wala kan ring matutuluyan, tama ba? Wika nito
"Opo" sagot ko na lang.
"Tutal, nangangailangan Ako ng magbabantay sa anak kong may karandaman, pwede ka ba?, libre lahat, at syempre, may sweldo." Sabi ni Doctora
" Opo, maraming salamat po… " sagot ko. “Kahit hindi nyo po ako kilala ay tutulungan nyo po ako” dagdag ko
“Walang anuman iha, Basta ipanagko mo na magpapakabait ka ha…” wika nito
Atleast, may matutuluyan na ako…
Pinakain na rin ako ni Doctora at sinama na ako pauwi sa bahay nito. May kaya si Doctora, malaki ang kanyang bahay. Napag malaman ko din na ang nag iisang anak na babae nito ay may karamdaman. Naaksidente ito kaya naging baldado. Naka wheelchair din ito. Kailangan nga nito nang taga alalay. Mabait ang babae, kasing bait ni Doctora. Ang pangalan ay Felice, si Doctora naman ay Felisa.
Anak ito sa paka dalaga ni Doctora at hindi na nag asawa pa. Masaya daw ito ba may nakakausap na siya palagi. Madaming binigay sa akin ba mga damit si Felice. Hindi ko ma tinanggal ang mga maikli, para hindi lantad ang aking mga tattoo. Tinanong din nila ako kung bakit ako maraming tattoo. Nag dahilan na lang ako na ito ang kinagawian king sang tribo ako. Tumango lang at hindi na ito nagtanong pa. Ano ba yan, parang sunod sunod na ang kasinungalingan ko.
Gusto ko man kontakin si Lola at ang aking Pack ay wala naman ako cellphone para man lang malaman nila na okay ako. Tinanong ko din si Dakota at Jessica kung kabado ba nila ang number, na kahit sinong kilala, ay hindi daw.... Magtatanong na lang ako kina Doctora Felisa at ate Felice kung kung paano makapunta sa Blue Mountain…
For now, stay muna ako para makaipon din ng pamasahe, dahil parang hindi ko kayang takbuhin na lang mula dito pauwi sa amin…. As for Lennox, mahala siya sa buhay nya!