Jessie’s POV Malaki ang pasasalamat ko at mabuting mga tao ang nakatagpo sa akin. Pagpalain nawa sila. Malungkot lang isipin na Doctora si Ma'am Felisa, na gumagamot ng may sakit, at may busilak na kalooban ay sa pamilya pa nito nangyari ang trahedya. Galing pala sila sa isang Medical Mission noon kasama ang anak. Nahulog sa bangin ang sinasakyan ng anak, mabuti na lang at mababaw lamang iyon. Nabuhay si Ate Felice, pero nabaldado naman. Kaya ni Doctora gumamot ng ibang sakit, pero ang kanyang anak ay wala ng lunas. Habambuhay nang nasa wheelchair dahil napuruhan talaga ang spinal cord nito. Maglalaho na rin daw yata ang pangarap daw nyang apo. Mayroon naman boyfriend si ate Felice at hindi siya iniwan nito. Handa pa din daw ang kanyang Boyfriend na pakasalan siya. Si ate Felice la

