Lennox

1643 Words
Jessie’s POV Kinabukasan ay maaga ako nagising para ma briefing na rin ni Dakota at maghanda ng almusal… yes… tama, Almusal. Hindi gaya ng sa mundo ko na hindi ako minsan kumakain ng breakfast. Dito, gutom ako okay… kaya kakain ako. Naghanda ako ng heavy breakfast at ng dalawang sandwich na may palamang ham. Mahirap na, baka magutom si Dakota. Heheheh.. Kay Dakota talaga sinisi.  Habang nag aalmusal ay nag uusap kami ni Dakota, tinuruan nya na rin ako ng pinakamadaling way para makapag communicate kami. Ng hindi na ako pumipikit para naman hindi na ako lalabas na parang baliw. Sinagot naman nya ang lahat ng aking katanungan. Pati kung may pera ba kami pang kunsumo, saan kukuha ng pang gastos , saan nakalagay ang mga kailangang gamit sa school, anong subject ko for today… at madami pang iba. Napag usapan din namin kung kailangan ko bang iwasan si Rhoda at Jake, also si Matthew. Ayaw ko sila mapahamak. Ayaw ko mapahamak ang buong Blue Mountain Pack. Inilahad din namin ang mga Pros and Cons. Kailangan bang ilihim muna namin ito? Naiintindihan ko na ang ibang desisyon ni Jessica sa istorya.. Yung iba lang ha! Medyo engot pa din siya.  “ Ano na ang pasya natin about kina Rhoda at Jake?” tanong ni Dakota “Iniisip ko, ganito na lang… Keep natin sila for now, kasi para naman hindi maka halata. At hindi ko rin muna babanggitin yung sa amin ni Matthew. Para hindi muna kumalat ang balita. Tutal, Red Rock Pack naman si Rhoda at tao si Jake. Hindi nila malalaman ang kasunduan sa ibang taong Lobo o tao dahil kami kami pa lang naman ang nakaka alam nun.” sagot ko “So , what is the plan?” tanong ulit ni Dakota. “This is the plan. Para ma divert ang situation, iiwasan natin ng konti sina Jake at Rhoda at i - dedelay muna ang sa amin ni Mathew… kailangan ko gumamit ng isang character sa istoryang ito. Iyong hindi naman talaga kasama sa kwento, extra lang kumbaga.” salaysay ko “Magandang idea yan Jessie, pero sino?” wika ni Dakota “Tignan  na lang natin, baka isa sa mga classmate or schoolmate ko… basta. Take muna natin ito ng slow, isa isang plano lang, mahina ang kalaban. “ sagot ko naman. Naalala ko yung kagabi na nag paalam si Lola sa akin na may pupuntahan siya. Tinanong ko na rin kung nasaan ang Libro na naglalaman ng tungkol sa “Healer” . tinanong ako ni Lola kung para saan. Ang sabi ko naman ay for research purposes lang at gusto ko lang mas lalong maintindihan ang lahi namin, lalo na at nabanggit nga ni Lola na balang araw, ako ang magiging punong manggagamot sa aming Pack. Hindi naman nagduda si Lola at binigay sa akin ang susi ng baul. Pumunta lang daw ako anytime sa bahay nya. At dahil nga paminsan minsan ay doon ako natutulog, may sarili din akong susi ng bahay. Dahil nagmamadali si Lola, hindi na kami naka pag usap pa ng matagal. Ako ay lumarga na at pumunta na ng university. Si Dakota na ang namili ng aking susuotin. Muntik pa nga kami mag away eh, gusto nya sexy kasi may ilang weeks na lang daw ay susulpot na mga tattoo at di na makakapag suot ng revealing. Ako naman, gusto ko simple lang para nga lowkey. Hanggang nagkasundo kami in between. Spaghetti strap shirt at pantalon. Kita ang Arms pero di kita nag Legs.  Natanaw ko na sila Rhoda at Jake sa may bandang Cafeteria. Papalapit na sana ako ng may nahagip ang mata ko ang isang kumpulan ng mga estudyante. Ano kaya yun. Nacurious ako at nilapitan. Nakita kong hawak hawak ng isang lalaki ang bag ng nakayukong lalaki. Ito rin yung estudyante na  parang nabully kahapon. “Sabi ng akin na ang bag mo at may ichecheck ko kung original ba ito, sa tinggin ko , hindi mo naman afford ito kaya sigurado peke ito!” sabi ng lalaki at tawanan naman ang iba Hindi sumagot ang lalaking binubully… Sa isip isip ko, parang may kakaiba dito, malaking tao naman itong binubully at bakit hindi lumaban? At may umilaw sa aking isip. Alam ko na. Siya ang gagamitin kong character sa aking journey dito!  “Ehem” singit ko. Nagsilingon naman ang mga estudyante sa paligid ko. “Oh, Hi Jessica”  bati sa aking ng lalaking nambubully na kuntodo ngiti pa. “Pakibitawan ang bag nya please…” pa twitams na sabi ko. “ Kilala ko sya. Anak sya ng Pinsan nga kapitbahay namin, marami silang kamag anak na nasa abroad, kaya malamang Original yang bag nya” pahayag ko na di ko alam kung saan naggaling yun. Hindi totoo yun. Hindi ko kilala ang binubully nila “Ay, kilala mo pala siya Ms. Jessica… sorry… Cge, sibat na kami” nahiyang sabi ng lalaki. Umalis na rin ang mga nagkukumpulang estudyante. “Ayos ka lang ba?” tanong ko sa nakayukong binully. Umangat ang kanyang mukha at tumingin sa akin.  ( background music) Two less lonely people by Air supply na version ni KZ Tandingan I was down my dreams were wearing thin When you're lost where do you begin My heart always seemed to drift from day to day Looking for the love that never came my way Then you smiled and i reached out to you I could tell you were lonely too One look then it all began for you and me The moment that we touched i knew that there would be Two less lonely people in the world And it's gonna be fine Out of all the people in the world I just can't believe you're mine In my life where everything was wrong Something finally went right Now there's two less lonely people In the world tonight Slow motion ang buong paligid. Omg pa sa lahat ng omg… Kung nakakatakam , este , kung above the roof na ang kagandahang lalaki ni papa Mateo hehehe, Alpha Mateo pala at Matthew…, ito namang lalaking ito ay above the clouds! Dugdug, dugdug, dugdug… ang lakas ng t***k ng puso ko. Nakatitig kami ngayon sa isa’t isa… maya maya ay narinig ko si Dakota…” Mate! “ “Mine” na pakendeng kendeng pa. “Anong sabi mo Dakota? Mate? … tama ba? Mate niyo sya ni Jessica?” nalilitong tanong ko “Yes, Jessie. Salamat. Dahil sayo, natagpuan na rin namin ni Jessica ang aming mate.” pasasalamat ni Dakota “Pero, paano yan, mas misyon pa tayo?” tanong ko ulit kay Dakota “Para sa amin, ang pinakamahalaga ay ang aming Mate, handa kaming buwis ang aming buhay…, please Jessie, pagbigyan mo naman kami ni Jessica sa pagkakataong ito. Gusto sana naming makilala pa ng lubos at makasama ang aming mate. Go ahead, pakilala na tayo” pakiusap na may halong excitement ni Dakota. “Okay….” sabi ko naman. Sa totoo lang, kinikilig ako. It’s like magic. Hindi ko maintindihan kung bakit sa mundong ito, nakasalamin lang ang character , ay binubully na at di makita ang tunay na itsura sa likod nito. Dahil ako, kitang kita ko! At type ko sya. Nyahahahahha. As for his description… teh, makalaglag panty teh…. Matangkad, mga nasa 6 footer, at Moreno teh...na nagbibigay ng pagka rugged look. Alam nyo yung tipong mas pagod at pawisan tignan, ay mas yummy ang dating! Almond shaped eyes din at light brown ito. Matangos ang ilong at may pagka strong jaw din. I wonder kung ano itsura nito pag nakahubad...parang batak na batak din eh. Bumagay kaya sa kanya ang salamin na suot nya. Parang ang misteryoso. Parang magalling sa….. Hehehehe spg. At may amoy sya na nakakabighani. Di ko ma explain, pero amoy fresh, parang amoy bagong ligo!  “Hi, anong name mo….? “ Tanong ko sa lalaki “I’m Lennox… Lennox Hernandez” tipid na sagot ng lalaki “Ako nga pala si Jessica, You can call me Mine, este, Jessie for short.” pakilala ko. Ano ba yan, parang nagpapakita naman ako ng motibo. Magsasalita pa sana si Lennox ng tawagin na ako ng mga kaibigan ko. “Sige, una na ako, I’ll see you around?” tanong ko sa aking boo.. Wow ! Boo na ang  tawag, may endearment agad ha. Mahinang “yeah” lang ang narinig ko at tuluyan na nga akong lumapit sa aking mga friends…. Lennox’s  POV  I just found the most beautiful creature in my entire life. Wala sa plano ko ang matagpuan ang aking mate kaya ako narito sa University na to. Pwede naman doon ako sa University namin sa Red Rock Pack, pero sawa na ako sa privileges at parang wala ng challenge ang life ko. Pumasok ako dito para maranasan ang normal at hindi itinuturing na “royalty” Little did i know na mabubully ako dito, well, kahapon lang naman ako pumasok dito, second day ko pa lang. Nag titimpi lang ako dahil nga transferee ako. Hindi ko din balak na magpabully sa kanila ng matagal. I am so happy i found her. She smells divine... Gusto ni Dark, na aking wolf na sunggaban na si Jessica at yakapin, pero kailangan control muna, baka ma shock sya at di pa nya na rerealized na mate namin sya ni Dark.  Sabi nya, She will see me around, tanging “yeah” lang ang nasabi ko. Sana nga, so i can spend time with her… Oh men, I'm whipped. I love her already…. Thank you Moon Goddess….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD