Jessie’s POV
Lumapit na ako sa aking mga BFFs . Hindi mawala ang aking ngiti sa labi.
“Sino yun girl?” tanong ni Jake “ At bakit ang lapad ng ngiti mo dya…. May tinatago ka sa amin noh” pagdududa na nito
“Wala ah…” hiyang sabi ko
“Parang familiar sa akin yung guy...parang may kamukha sya… halika lapitan ulit natin… para kasing kilala ko talaga eh” sabat naman ni Rhoda
“Naku naku kayo ha, mas malandi kayo today sa akin!” awat ni Jake kay Rhoda. “Halika na at baka ma late na tayo , malapit na magsimula ang klase” sermon pa nito
“Okay, tara na.” sagot ko naman, para di na mamilit si Rhoda. Sana magkita ulit kami mamaya…. Kilig na wika ko sa aking sip.
Nasa classroon na kami at dumating na nag aming teacher. Mabilis na lumipas ang oras at Lunch na dahil very interesting ang topic. Tungkol ito sa mga Gods and Goddesses.
Lennox’s POV
Bago pa umalis at pumunta sa klase sila Jessica o Jessie, sabi nya call her Jessie daw, ay tumingin muna silang magkakaibigan sa akin. Namukhaan ko ang isa sa kanila. Kaibilang ito sa aming Pack. na Red Rock Pack. Nakita ko rin na nangunot ang mukha nito na parang nakikilala ako. Sana lang ay hindi ako nakilala muna. Magseselos na sana ako ng makitang may kasama silang lalaki, pero ayon sa obserbasyon ko ay parang binabae ito kaya hindi na ako tuluyang nagselos. Sana magkita kami mamaya.
“ Puntahan mo sa classroom nila at yayain mag Lunch, tapos, yayain mo pag uwian na, dalhin sa Pack natin, ipakilala sa magulang at pakasal na! At ng makabuo na!” suggestion ni Dark na wolf ko
“Grabe ka naman Dark, sobrang advance mag isip, sobrang agresibo, baka naman matakot sa atin ang mate natin” sagot ko naman
“Hindi yan, ipa alam mo na mate nya tayo, ako ang bahala! Paliligayahin natin sya.” confident na sabi ng wolf ko
“Hay naku Dark, puro ka talaga kalokohan. Pero i know how you feel, yun din naman gusto ko, pero nag aalala ako . I don't want to lose her…” explain ko kay Dark
“Okay, bahala ka na muna, pero kung kailangan mo ng konting push, let me handle it!” mando ni Dark
Tumango na lang ako. I need to think of a more romantic way to woo her…
-------
Back to Jessie’s POV
Lunch na , umorder kami sa Cafeteria at pumunta ng garden. Mas maganda doon , may mga tables at upuan di na gawa sa semento. Para lang kaming nagpipicnic. Mayroon ding ibang estudyante na naroon na kumakain. Mayroon ding mga nag prapractice ng parang sayaw. Parang typical lang din na school gaya ng sa mundo ko. May kanya kanyang grupo ng estudyante, kanya kanyang hilig.
Naisip kong biglang tanungin ang aking BFFs kung ano ba ang uso dito.
“Guys, ano ang trending ngayon? “ tanong ko
“Trending?, like uso?, “ tanong balik ni Rhoda
“Yes, like uso” sagot ko
“You mean mga damit and stuff, games… ?” tanong ulit ni Rhoda
“Parang ganun, like sa Social Media, dance moves, t****k…” explain ko
“Anong t****k?, ngayon ko lang narinig yun” nagtataka namang tanong ni Rhoda ulit. Alam ko toktok, toktok ng bunbuban… hahahah” dag dag nito
“Seryoso? , walang t****k dito?” Tanong ko kay Rhoda at Jake
“Eh girl, ano ba talaga yang t****k na sinasabi mo. alam ko lang na toktok, yug kumakatok” pahayag ni Jake. patangu tango naman si Rhoda na di rin ma- gets ang sinasabi ko.
“Sige Explain ko ha. Iba iba ang ginagawa sa t****k, may nagkukuwento, update, pinapakita mga binibili, Lifestyle etc. pero pinaka marami ang mga sumasayaw sa part ng isang kanta. For example, Pajama party ng 1096 Gang … “ explain ko sa kanila. Nakanganga lang sila na parang di talaga magets ang pinagsasabi ko.
“ Ok, how about if i will just show you guys, this is going to be tough. Pero promise guys, magugustuhan nyo ito. Ipapauso natin ito! “ excited nsa sabi ko
“ Ok, sige sige. Mabuti pa nga. “ sang ayon ni Rhoda
Tumayo na ako at kinanta muna ang part ng pamparampampam. “ Makinig muna kayo guys ha!” wika ko
“Alam mo na kapag naririnig mo ito
Nasa kabilang banda, kami ng hinahanap mo
Pamparam pam pam, pamparaparam pam
Sumabay lang sa bayo, sarap sa pakiramdam
Pamparam pam pam, pamparaparam pam
Nagawa natin ito habang bilog din ang buwan”
“Ay wow!, Havey yan girl ha! “ sabi ni Jake
“Yeah, may dating sya… parang masarap nga sayawin” sang ayon naman ni Rhoda.
“Sabi sa inyo guys eh, sige itutuloy ko na , i will show you the steps first. Kinanta ko ulit iyon at may halo ng dance moves .Pagkatapos ko ay nagpalakpakan silang dalawa.
“ Omg, I really like it. Sige turo mo na. Dahan dahan lang” Excited na si Jake , patalon talon naman si Rhoda
Alright, first i - wave nyo ang middle part ng katawang nyo sa left and right.
So,Pamparam pam pam, pamparaparam pam. Wave left , right, left right. Then ang kamay parang naka symbol ng baril sa sintido, but not naka tutuk sa sintido, pataas sya. Gets nyo?
“Yes! Gets” sabay na sabi ni Jake at Rhoda
“Then, Sumabay lang sa bayo, sarap sa pakiramdam... , ipagtapat ang kamao, pa pull sa dibdib na nakaharap sa right, then ipagtapat naman ang dalawang palad 1 foot apart...pa pull sa bandang pagitan ng balakang,... alam nyo na… para kayong kumakadyot hahahah! At put your two hand sa taas ng dibdib...pababa dumadaus-os “ gets?
“Yes!” sabay ulit sila
“ Pamparam pam pam, pamparaparam pam line ulit, pero iba na ang step. Itaas ang kaliwang kamay, hawakang ang dulo ng t-shirt sa harap at sabay hagod paharap din.. Ganito…” Ok?
“Okay!”
“Nagawa natin ito habang bilog din ang buwan...ipagtapat ang kamao, pa pull sa dibdib na nakaharap sa right and one more sa left, itaas ang kama na iikot ang kamay na parang may bilog, then step right foot paharap left hand sa gilid lang , right hand na parang iniikot ang wrist.” Kuha nyo? Hindi pa nga accurate yan, but parang ganun yung idea.
“ Ang galing girl! “ sabi ni Rhoda
“ Sisikat tong dance move na ito sa buong Campus!” dagdag naman ni Jake.
“Saan mo ba talaga ito natutunan girl? “ Tanong ni Rhoda
“ Ahmmm… dyan narinig ko lang din… di ko na matandaan saan ko nakita. Madali ko lang natandaan.” sagot ko
“A okay…. Maganda talaga sya” patango tango naman ni Jake.
Mga ilang tries pa at nakuha na nila ang kanta at steps. Tuwang tuwa sila pero nakaka gutom daw. So kumain na kami. Mabuti na lang 1 hour ang lunch break.
Lennox’s POV
Nakita ko ang aking mahal na nasa Garden, inabangan ko talaga syang lumabas ng classroom nung mag lulunch na. Nakatayo lang ako medyo malayo para hindi naman mahalata, parang stalker lang ang dating. ganito pala ang nagyayari sa mga inlove. Sinundan ko din sya sa papuntang Cafeteria. Umorder din nga ako ng madami dahil balak kong lumapit sa kanila para sana sumabay. Nagtaka ako at lumabas sila, napag alaman ko na sa Garden ang punta nila. Pumuwsto muna ako sa medyo malayo pero tanaw. Nag iipon pa ako ng lakas ng loob para lumapit sa kanila. Nag uusap sila at nakita kong tumayo si Jessie my labs. Kumakanta at Sumasayaw ito na parang tinuturo sa kanyang mga kaibigan. Malambot ang katawan ni Jessie, tutulo yata ang laway ko. Alam ko literal na talagang tumutulo ang laway ni Dark, Nag wawala na at gusto na talagang asawahin si Jessie my cupcake. Ano ba yan, dami ko ng endearment sa kanya. Nagiging corny yata ako. Ang galing gumiling ng asawa ko. Oo, from endearment to asawa na talaga. Pakiramdam ko ay may nabuhay sa loob ng aking pantalon. Gusto na lumabas ni Dark talaga. Mabuti na lang at napipigilan ko.
“Lalapit ka ba o lalabas ako?” hamon ni Dark
“Oo na lalapit na, panoorin muna natin sya sandali” sagot ko naman
“Basta pagkatapos, lapit ha!” sabi ni Dark
“Oo na” sagot ko
Maya maya ay tumigil na sila at umupo na. Malamang ay kakain na ito. Tumayo na ako at lalapit sa kanila. Nang narating ko ang kinauupuan nila ay nakita kong nagulat ang isa sa mga kaibigan nya na alam kong miyembro ng aming Pack. Nag mindlink agad ako sa kanya.
“Ako nga ito, huwag mo muna sabihin. Si Jessica ang aking mate. Sasalo ako sa inyo” wika ko kay Rhoda
“Sige po Sir Lennox” sabi naman ni Rhoda sa Mindlink
Lumingon sa akin ang aking Reyna na si Jessie.
“Hi , can i join you guys?, madami akong dala for us…” kinakabahang sabi ko
“Sure” nakangiting sabi ni buttercup sweet Jessie. May nakita din akong ningning sa mga mata nito. Sana , mahal nya rin ako….