The Truth

1292 Words
Jessie’s POV Magmula ng matagpuan ni Matthew ang kanyang Mate na si Ashley, nagbago na ang lahat. Naging open na ang relasyon namin sa buong Blue Mountain at Red Rock Pack. Na ikwento na rin namin ni Lola ang mangyayari sa akin tungkol sa pagiging Healer. Ang tangi lang hindi namin nabanggit ay ang tungkol sa pagkatao ko na sumanib sa katawan ni Jessica. Parang ang hirap kasi ipaliwanag nun. Lumalabas na hindi talaga ako ang Mate ni Lennox… ang Mate nya ay Sina Jessica at Dakota na nasa loob ng katauhang ito. Oo nga at nakakalabas si Dakota, pero hindi si Jessica. At kay Jessica tumibok ang kanyang puso, hindi sa akin bilang Jessie. Naisip ko tuloy, kung makikita kaya nya ako sa mundo ko, mapapansin kaya nya ako? Natapos ang isang Linggo ng punong puno ng pagsasanay sa pakikipaglaban, pananaliksik about sa pagiging Healer, at paggawa ng gamot para maiwasang lumabas ang halimuyak ng pagiging Healer. Mayroon na lang akong kulang kulang 3 weeks bago lumabas ang mga sintomas ng pagiging isang Healer.  Ang galing talaga ni Lola gumawa ng gamot. Nakagawa siya ng isang concentrated formula para isang drop lang, tatagal ng 24 oras. Para din hindi mahirap inumin at madadala ko kahit saan. Ang isang boteng maliit ay maaaring umabot ng hanggang 3 months. Natutunan ko na rin itong gawin at ang orasyon na sinasambit habang ginagawa ito.  Lumipas pa ang ilang araw ay gumising akong masama ang pakiramdam. Binalewala ko naman ito at pilit na bumangon. Inisip ko na dahil lang iyon sa aking mga pagsasanay. Fatigue kumbaga. Dumiretso na ako sa banyo upang gawin ang mga dapat gawin. Naghubad na ako para makaligo. May nakita akong parang dumi sa aking tagiliran, sinabon ko iyon at kinuskus pero hindi maalis. Wala naman akong balat o nunal man lang sa tagiliran. May nakita din akong parang guhit na itim sa braso, Doon na ako kinabahan. Masyado pang maaga para lumabas ang mga tattoo. Mayroon pa akong 2 weeks ayon sa bilang ko. Bakit parang advanced.  Nagmadali ako at agad na pumunta kina Lola. Pinakita ko iyon kina Lola at agad nya akong pinainom ng gamot na mangontra Halimuyak. Nagmadali din kami at agad na pumunta sa Pack house para kumunsulta sa aming Luna at ipaalam na nagsisimula na ang sintomas. Wala ang Alpha ngayon at sa isang araw pa ang dating nito dahil may inasikaso. Nag iwan naman ng maraming bantay sa buong Blue Mountain. Agad namang iniutos ng Luna na doblehin ang bantay sa balwarte ng Blue Mountain para walang makapasok na Rouges. -------   Third Person’s POV “Ano na ang balita sa pagmamanman mo sa Blue Mountain? Tanong ko sa tauhan ko “Parang mag pinaghahandaan sila boss, laging nagsasanay, Mayroon kaming nakitang Dalaga at matanda na pumunta sa Pack House na nagmamadali. Ayon sa taong inutusan namin mag espiya ay mga manggagamot daw ang mga iyon.” sagot nito “Mabuti at pumayag ang taong mag espiya doon. Ano kaya ang dahilan, sige! Magmanman pa kamo at alamin bakit may manggagamot sa Pack House.” utos ko “Opo Boss, lahat naman mabibili ng pera. Walang magdududa dahil tao iyon at sinabihan din naming umacting na parang inocente.!” sagot nito “Mabuti…..”   ------- Back to Jessie’s POV Nakarating kami sa Pack House at pinakita ko ang mga markang lumabas sa aking katawan. Mas marami na ito kesa kanina. Nagpapanic na ang kalooban ko , hindi ko alam ang nararamdaman ko. Parang hihimatayin na ako sa Kaba.  “Lola, Paano na po ba ito, natatakot po ako! Baka mapahamak lang kayo ng dahil sa akin.” pag alala kong sabi “Huminahon ka apo, makakaya natin ito.” wika ni Lola “Akala ko mayroon pang dalawang Linggo Lola, hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari na.” umiiyak na sabi ko Bumalik na kami ni Lola sa bahay nya at doon na muna ako magpapakalma. Biglang may kumatok sa pinto. Si Lennox pala ang Dumating. Tumakbo ako sa kanya at niyakap ito. Mabuti na lang at nandito ito ngayon. “Bakit ka nandito?” tanong ko “Kaninang umaga kasi, parang may nararamdamang akong kakaiba, kaya naisipan kong pumunta sa bahay mo agad, pero wala ka doon, kaya dito na ako pumunta. Parang tama nga ako, ano ang problema? Sagot-tanong nito “Lumabas na kasi mga sintomas ng pagiging isang Healer… natatakot ako na baka manganib ang mga buhay ng nasa paligid ko…” wika ko “Don’t worry Boo, I will protect you with my Life, I love you so much” pang aalo nito sa akin. Medyo guminhawa naman ang pakiramdam ko sa narinig. “Ano ba ang plano ngayon, Balita ko wala ang Alpha nyo. Pwede bang doon kana muna sa akin, ako na ang bahalang magbantay sa iyo”.. Suggest nito “Pwede po ba Lola? Mas safe po sya doon” dagdag nito “Sa tingin ko nga, makabubuti na nandun sya habang wala ang Alpha namin, at parang mas kalmado ang aking apo pag kasama ka. “ sagot ni Lola “Ay sya, kayo ay maghanda na. Dalhin mo itong gamot ha iha, Huwag mo kalilimutan. Palagi mo ilagay sa bulsa mo.” pahabol na bilin ni Lola. “Opo” sabi ko “Aalis na po kami Lola” sabi naman ni Boo Nakarating na kami ng Red Rock Pack at sinalubong naman ako ni Mommy Faye. Doon na din dinala sa Kwarto ni Boo ang mga gamit ko. Wala naman daw masama dahil darating din naman ang panahon na kami ay magiging mag asawa.  Isa pa iyon sa iniisip ko, matatanggap kaya ako ni Lennox kung malaman nyang Tatlo kami dito sa katawan nato, at ako bilang Jessie ang pangunahing kumokontrol nito.Nandito na ako sa kwarto para magpahinga, ngunit talagang binabagabag ako ng aking konsensya. Nandito na ako’t lahat, pero naglilihim pa rin ako. Parang hindi ko kaya sabihin, pero kailangan.  “Nakapag Desisyon na ako sasabihin ko na sa kanya” pabulong kong sabi sa hangin “Anong sasabihin Boo?” tanong ni Lennox na nasa likuran ko na pala. Hindi ko man lang napansin sa lalim ng aking iniisip. “May kailangan kang malaman Boo…, sana matanggap mo pa rin ako at hindi ka magalit...ayoko na maglihim sa iyo at gusto ko sana na tuluyan na akong walang itatago.” panimula ko Nakikinig lang sa akin si Boo. Ramdam kong umuurong ang dila ko, pero kailangan ko tong gawin. Tatanggapin ko kung ano man ang kalalabasan. Ito rin ay napag kasunduang dinesisyonan naming tatlo ni Jessica at Dakota “Boo… Hindi ako si Jessica” wika ko “Boo naman, huwag ka naman magbiro, paano nangyari yun” napatawa pa si Boo “Makinig ka muna Boo. Ako si Jessie, tao ako na hindi taga dito, I mean, parang ibang dimension. Nagising na lang ako na nasa katawan na ni Jessica” salaysay ko Nag iba ang timpla ng mukha ni Boo, “Kung ganun, nasaan si Jessica?” tanong nito “Actually, nasa loob ng consciousness ko sya, kung saan nakikita ko si Dakota. Magkasama sila doon. Ako si Jessica na hindi naman ako. Ang ibig kong sabihin ay, Tatlo kami sa katawan na ito, at ako na si Jessie ang kumokontrol nito. Hindi ko alam kung hanggang kailan” sabi ko “Kung ganun?, hindi ikaw ang babaeng mahal ko at ang Mate ko, kundi ang Dalawa sa loob mo? Naguguluhan ako…” sabi nito at umalis “Sandali lang Boo..” habol ko dito “Huwag ka muna lumapit please, naguguluhan ako” at tuluyan nang lumabas ng bahay….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD