Alpha VS Alpha!!! daw

1193 Words
Lennox’s POV Nagulat talaga ako sa rebelasyong sinabi ni Boo sa akin. Hindi ko napigilang lumabas ang pagka possessive ko. Hindi ako papayag na makuha ni Matthew ang para sa akin. Ang kay Pedro ay kay Pedro, ang kay Juan ay kay Juan. May pamilya din akong susuporta sa akin. Kukunin ko si Boo sa lalong madaling panahon dahil akin lang sya. Akin! Muntik na tuloy may mangyari sa amin. Sobra ang pagpipigil ko ng mga oras na iyon, pero mahirap. Lalo na at kaharap mo na.. Na para bang paborito mong putahe na matagal tagal na ring hindi natitikman. Kung hindi lang talaga natauhan si Boo, malamang may nangyari na talaga. Nirerespeto ko ang desisyon nya at oo nga, may kailangang ayusin... pero hindi ko talaga mapigilan na subukan. Dahil doon , gusto na sana umuwi ni Boo, pero na kumbinsi ko naman sya na sa umaga na. Niyaya ko sya sa Main Pack house para doon matulog, pero mas gusto daw nya dito sa treehouse. Tutal, mayroon namang nakalatag na parang Mat at mga unan kaya komportable din. Natulog na kaming magkayakap at hinalikan na lamang sa noo. I assured her that everything will be alright tomorrow.  Pagkahatid ko sa bahay nya kinaumagahan ay bumalik agad ako sa aming bahay. Kailangan ko makausap si Daddy to help me claim what is mine. Nakita ko si Daddy na nag Bre-breakfast kasama sila Mommy at Ashley. “Daddy, can i talk to you? “ tanong ko “Mukhang seryoso ka son, what is it about?” sagot at tanong ni daddy “Where is your mate? “ tanong ni Mommy “Hinatid ko na po, pero we need to go there. Let’s talk after breakfast.” sagot ko “Well,  let’s talk right now! Ayaw ko nabibitin at parang importante yan” wika ni dad Sinalaysay ko sa kanila ang sinabi sa akin ni Boo. Nagulat ang mga ito at halatang may inis na nakikita sa kanila. Ang mas lalong umasim ang mukha ay si Ashley. “Whattttt?!, Hindi ako makapapayag na matuloy ang arranged marriage na yun. Kayo dapat ang magkakatuluyan!” malakas na wika ng kambal ko “ Talagang hindi!” sagot ko naman “Sasama ako mamaya. Hindi ako papaiwan dito. Hindi ko hahayaang bully-hin ka ni Matthew. Ako makakaharap nya!” pahayag pa nito “Di nga anak? Talaga nga bang ipagtatanggol mo si Lennox… o gusto mo lang makita si Matthew at ikaw ang mapangasawa nito” sabat naman ni Mommy kay Ashley “Hindi Mommy ah… wala ako gusto dun. Noon lang, nung 8 years old ako, pero wala na ngayon. Tagal ko na kaya hindi nakita yun.” pagtanggi ni Ashley “Right….” patangu tango lang si Mommy “Hey Family.. Can we focus on my situation please…” balik ko sa topic “Yes son, we will go with you mamaya and support you all the way. Tatawagan ko na si Mateo na pupunta tayo doon mamayang hapon. “ wika ni Daddy “Thank you Daddy….thank you Mommy and Ashley” “Alright! Kailangan ko na gumawa ng my special pie, matagal na ring hindi ito natitikman ni Luna Beatrice” pumalakpak at parang excited pa si Mommy “Ako naman, kailangan ko na maghanda ng maisusuot ko mamaya” sabi naman ni Ashley. “Ha?! Mommy… Ashley… Hindi po Party ang pupuntahan natin” sabi ko na nagtataka sa Dalawa Parang hindi naman ako narinig ng mga ito at kanya kanya nang alis, iniwan lang kami ni Daddy. “Hayaan mo na sila anak. Hindi naman talaga kasi tayo manggugulo dun, mag uusap lang.” sabi ni Daddy “Ok po” sabi ko na lang… Dumating ang hapon at kami ay paalis na. Tinawagan na ni Daddy si Alpha Mateo at kami  naman ay inaasahan na daw pumunta doon. Ang pasaway kong Mommy ay excited na at ang pasaway ko namang kapatid ay gayak na gayak. Naka dress pa. Nagtataka naman ako sa mga ito. Parang dadalo lang ng party. Sinalubong kami ng Luna ng Blue Mountain Pack sa may pinto. Asawa ni Alpha Mateo, mom ni Matthew na si Luna Beatrice. Nag Beso- beso pa ang magaling kong Mommy kay Luna Beatrice at pinakilala pa kami. Lumabas na rin si Alpha Mateo kasama si Matthew. Tinignan ko ito ng masama, naputol lang ito ng sumingit si Ashley sa pagitan namin. Sila na ngayon ang nagka titigan. Maya maya lamang ay biglang niyakap ni Matthew si Ashley?! Ha?! Kaming lahat ay nagulat…. Humarap na sila sa amin a nakangiti din… Nagsalita si Matthew… “Actually Mom and Dad, Alpha Lando and Luna Faye , Lennox… Ashley is my Mate!” wika ni Matthew “What a surprise, when did this happen?” Tanong ni Alpha Mateo kay Matthew “Last Friday, sa Airport. May pinuntahan ako na on the way  doon, nakita ko syang naghihintay mag isa at parang naghihintay ng sundo. May naamoy ako na sobrang bango, kaya huminto ako at nilapitan sya, then yun na. Hindi ko muna sinabi kasi…” naputol na ang sinasabi ni Matthew ng nagsalita ako “Dahil ba sa arranged marriage nyo ni Jessica?” sabat ko “Paano mo nalaman iyon? “ tanong sa akin ni Alpha Mateo “Dahil si Jessica ay aking Mate. Kaya kami naparito para mapag usapan iyon at pakiusapan na bawiin ang kasunduan.” wika ko pa “Well…. Sa tingin ko naman wala na tayo magiging problema! Mukhang na solusyonan na… what are the odds, win-win situation!” wika naman ni Luna Beatrice “Kaya naman pala nagtodo paganda ang Dalaga ko..” palabing sabi ni Mommy at niyakap pa si Ashley “I am so happy for may children, they have found their forever”... What a relief, hindi naman pala kailangan ng dahas. Wala naman pala dapat na pag usapan. Masaya ako para sa kapatid ko na , natagpuan na ang kanyang Mate. Sinabi din nya na kaya hindi nya pa sinabi dahil iyon ang bilin ni Matthew dahil daw may problema pa at kakausapin muna ang kanyang Ama. “Paano ba yan Mateo, mukhang magiging isang malaking pamilya na tayo!” sabi ni Daddy “Tama ang sinabi mo, pero kailangan, maglaban muna tayo!” sabi naman ni Alpha Mateo “Hindi kita uurungan!” sagot naman ni Daddy Lumapit si Ashley kay Mommy. “Mom, do something!” pakiusap nito. Akala ko naman wala ng dahas. Sumagot naman si Mommy. “Hayaan mo sila.” “Halika na Beatrice, may dala akong Pie.” yaya kay Luna Beatrice “Kung ganun, Ihanda ang study room!” sigaw ni Alpha Mateo at tumalima naman ang tauhan doon. Sinundan namin sila Daddy at Alpha Mateo sa study room. At umupo na silang magkaharap. Ano kayang laban ito? Bunong braso? Siguro nga. Mayamaya lamang ay may nilapag na sa lamesa na pumapagitan sa kanila. Ito ay isang chessboard!  Ha?! Chessboard?...  Maglalaban daw… maglalaro lang pala ng chess (-_-) ….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD