AGENT MHARIMAR’s POV ILANG ARAW na naming sinu-surveillance ang abandonadong bunker sa Camiling, Tarlac. Ayon sa reports na nasagap namin, dito nagkukuta si Alvero! Kung si Bogs pa—Boss Boom-Boom! Si Alvero ay nagtatago kasama ang mga private militia niya, parang last stand ng isang desperado. Akala ko pa naman ang tatapang. Mga bahag din naman pala ang buntot! Pangatlo siya sa local contact ng mga international fugitives and criminals na nasa listahan namin. Kumbaga, wala ng makakalusot parang Christmas wishlist na lang sa kanya. “Visual confirmed. Basement level. Surrounded,” Imporma ni Cheska mula sa van na nakapark hindi kalayuan. Hindi ko alam kung siya lang ba ang may mastery sa 'surveillance' o baka naman sadyang masyadong malakas ang kanyang signal sa Wi-Fi. Kahit matapang ako r

