bc

Pabulatlat, Agent Burikat (SSPG)

book_age18+
597
FOLLOW
5.8K
READ
love-triangle
HE
friends to lovers
pregnant
badboy
mafia
gangster
heir/heiress
drama
bxg
kicking
campus
disappearance
enimies to lovers
stubborn
like
intro-logo
Blurb

⚠️Warning: Rated SSPG. This book contains graphic s*x scenes and adult language. It is not suitable for minor and narrow-minded readers. ⚠️Run!

“f**k!” Malakas na mura ko.

“Bakit pa kasi ako napasuot sa sitwasyong ito!” Bulong ko sa aking sarili!

“Hoy Burikat! Ikaw na daw ang susunod sa stage! Sabi ni Mama Loida!”

“Oo na!” Malakas kong sigaw! Napatingin ako sa suot ko! Luwang-luwa ang aking dibdib, halos hiwa ko na lang ang may takip!

“Ladies and Gentlemen, we welcome the goddess! The fresh! The one and only! Burikat magaling bumulatlat!”

Habang umiindayog ang aking balakang sa bakal na poste, kitang-kita ko ang pakay ng misyong ito—Nikolai Rynbakov!

“Target Locked! Let the mission begin!” Mahinang sambit ko…

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
AGENT MHARIMAR’s POV “Pero sir—” “Stand down, Agent!” Dumagundong ang boses ng commanding officer ko, kasabay ng isang signature na table slam sa mamahaling mesa niya na parang bagong bili sa Ikea o ‘di naman kaya sa Divisoria. Muntik nang tumilapon ang nameplate niya, pati yung favorite mug na may nakasulat na #1 Boss (In his dreams, worst boss pa kamo pwede!) Napatayo ako ng tuwid, parang batang nahuling nagnakaw ng hotdog sa ref. Para rin akong nasa flag ceremony! Kanina pa kami nagtatalo tungkol sa misyong ibinibigay niya isang undercover job na mas ayaw ko pa sa group project na ikaw lang ang gumagawa. “Do I have a choice, sir?” tanong kong may kasamang buntong-hininga na parang telenovelang may background music. Ang hirap makiusap lalo pa sarado ang utak! “Do I look like I’m giving you a f*****g choice, Agent?” malamig niyang sagot. Mas malamig pa sa shoulder ng ex ko noong high school na hindi na nagre-reply. Akala mo naman kagwapuhan! Narealize ko ang panget niya sobra! “I’ll take it then. Wala naman pala akong pagpipilian,” sarkastiko kong sagot habang palihim na iniisip kung may leave form pa akong pwedeng i-submit. Ang panget pa naman kasi ng aking under cover na trabaho. Tumaas ang kilay niya, sabay kibit ng labi. Aba, may Chismosa Mode Activated na aura pa siya. Gusto kong salubungin ng taas na kilay parang si Amor Powers lang kalaban si Madam Claudia Buenavista pero hindi ko magawa! Sa isip ko pwede pa! “Your sarcastic tone will not remove you from this mission, Agent. You only have two f*****g options: First, accept it. Second, I’ll strip you of your badge and gun. Think about it!” Combo meal. Walang fries. Walang soft drinks. Daig pa akong kakain ng paborito kong happy meals na walang panulak! Huminga ako nang malalim. Gusto ko sanang mag-request ng third option: Mag-resign at magtinda ng kwek-kwek sa may kanto. Mas safe pa. Tapos hahanap ng hot na afam? Tingin ko aahon ako sa kahirapan! “I love my job, sir,” sabi ko habang pinipilit ngumiti. “Putting criminals behind bars makes me feel useful kaysa sa love life kong hanggang ngayon... behind pa rin.” Napangiwi ako sa banat ko! Patay na? Wa epek! Tahimik siyang tumingin sa akin. Seryoso at lalong malamig ang tingin sa akin. Parang nasa negative zero! “At bilang agent, I expect you to be professional. No drama, no distractions, no unsolicited witty comments—” “Too late for that, sir,” singit ko. “Witty comments are part of my brand. Besides boring naman kung puro seryoso na lang. Paano kung bukas mamatay ako sa misyon ko? Kawawa naman ako? Mamatay akong virgin?!” Walang prenong sagot ko! Napapikit siya. Mukhang nagdadasal ng Lord, why me? Baka bigla na lang lilipad ang stapler sa akin, tapos magkaka amnesia ako. Arghh! “Dismissed!” sigaw niya. Tumalikod na ako, pero bago pa ako makalabas... “Agent,” tawag niya ulit. “Yes, sir?” Pero hindi na ako lumingon pa! “Next time you try to be funny... don’t.” Bagsak balikat niyang umupo! Ngumisi ako sa utak ko! Buti hindi siya na stroke sa kakulitan ko! “Yes, sir. Noted po. Pero sorry sir, hindi ko po kayang hindi maging charming. Alam niyo naman part na iyon ng pagiging beautiful human being ko!” “Get the hell out!” Sabay turo sa pintuan. “Naku sir, h’wag kayong sumigaw sir, ang lapit lang natin oh, mga ilang dangkal lang. Akala niyo naman nasa kabilang barangay ako.” Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang damputin ang stapler at parang ibabato pa ata sa akin! Takbo! ***** Pagkalabas ko ng opisina niya...Gusto ko sanang bumalik para bawiin ang pag oo ko sa misyong binigay niya. Kinilabutan ba naman ako! Sa dami-dami naman ng trabaho sa mundo, pagiging dancer pa! Ang misyon ko? Tatawagin ko na lang siguro na, Agent Mharimar on a mission. Pagbukas ko pa lang ng pinto, parang eksena sa reality show na binigyan ng eviction notice. Parang pati buong mundo hinusgahan na agad nila ako! Nakatambay na agad ang buong tropa ko. Daig ko pa ang hinatulan sa mga titig nila! Sina Agent Migo, Cheska, at Bogs naghihintay, parang may nag-aabang na tsismis. Daig pa kung kumilatis, namula tuloy face ang ko na parang kamatis! “Oy, buhay ka pa!” bungad ni Cheska, habang hawak-hawak ang mug niyang may label na ‘Don’t talk to me unless you have an intel or iced coffee.’ Ang OA talaga nito! Rinding-rindi ako, pero h’wag ka BFF ko ‘yan! Hindi ko nga lang alam paano ko natagalan ang ugali niya, ang bibig niya daig pa ang Armalite na yakap-yakap niya pagtulog! Zero love life -same kami! “Kamusta verdict?” tanong ni Migo, sabay abot ng sandwich na mukhang may kagat na ng tatlong tao. Napangiwi ako! Nilawayan na nila iyon tapos papakain sa akin! “No thanks!” Pigil ko sa alok niya. “Mission accepted. Or else, tanggal badge, tanggal baril... and possibly, tanggal benefits. Paano ko palalamunin ang pamilya ko? Iyong pusa ko ang mahal kaya ng pagkain noon? Ang arte, mas maarte pa sa amo! Ayaw nga kumain ng pusit na tuyo, hindi niya daw alam iyon!” sagot ko. “Sabi iyon ng pusa mo, besh?” Tumango ako! “Aba matindi pati meow-meow ng pusa mo naunawaan mo! Pero ‘yong ex mo na Tagalog salita, hindi?” Dagdag pa niya! Sarap ipulupot ang buhok niya sa leeg! “Classic. Ganern talaga si Sir Boom-Boom eh,” sabat ni Bogs. “Alam mo bang kaya siya tinawag na Boom-Boom? Kasi kahit pakisuyo mo lang ng ballpen, may kasamang suntok.” Himutok niya! “Sumbong kaya kita!” Banta ko dito! Aba ang walanghiya tumalikod bigla! “Seriously, anong mission?” tanong ni Cheska na biglang sumeryoso, sabay kagat ng fries. “Drug bust? Arms deal? Human trafficking?” Ang balahura talaga kumain nito! Walang ka poise-poise! “Undercover,” sagot ko at tinampal ko ang aking noo! Gusto ko na talaga mag withdraw sa misyon ko kaso naalala ko zero na pala ang laman ng saving ko! “Sa bar.” Nanlaki ang mga mata nila at napasinghap sa sobrang gulat! “Like... mag-iinfiltrate?” tanong ni Migo. “Hindi lang infiltrate. Magpapanggap akong—” napalunok ako bigla, parang hindi ko kayang sabihin — “working girl, like go go dancer, pokpok kayo na bahala mag isip basta iyon na iyon!” walang preno kong sagot at nauutal pa ako! Tahimik. Sobrang tahimik. Tipong maririnig mo ang pagkagat ng chicharon ni Bogs. Then— “OH. MY. GULAY.” sabay-sabay nilang sigaw. “Kaya mo ba ‘yan, besh?” tanong ni Cheska habang inaayos ang imaginary wig niya. “Maka-pout ka ba? Maka-head turn? Maka-sway-sway ng hips? Kasi kung hindi, baka mas mapagkamalan kang bouncer.” Humalakhak pa sa action niya! Akala ko pa naman maawa sa akin! Iyon pala tuwang-tuwa pa! Mga hayop diba! “Teka, may outfit ka na ba?” tanong ni Migo. “Kung gusto mo may extra akong fishnet sa locker. Halloween pa ‘yon pero pwede na.” Kumending-kending pa! “Guys, seryoso,” sabat ko. “This is a dangerous mission.” Pinukol ko sila ng masamang tingin! “Dangerous din ang outfit mo ‘pag hindi ka prepared,” singit ni Bogs. “Paano kung ang code name mo ay—” nag isip siya saglit “Ano?” Kunot noong tanong ko. “Agent Burikat na lang? Magaling bumulatlat! Teka bakit iyon pala napili ko? Ang dugyot naman!” Dagdag pa ni Bogs “Siyempre ano pala ini-expect mo kapag sa bahay aliwan ka nag wowork diba gano’n?” Diga ni Cheska! “Tigil-tigilan niyo ako. Kahit ‘di ako marunong mag-twerk, marunong naman akong mag-disarma ng baril habang naka-heels.” Pabalang kong sagot! “Siyempre mag tetraining! Nagtraing nga ako bilang Agent! Ilang putik ang nilusong nakapasa naman ako ah!” Defensive kong sagot pero Nangiwi ako sa code name ko, ‘BURIKAT!’ “Yan ang spirit!” sigaw ni Cheska sabay high five. “Undercover ka man, huwag mong kalimutang... kilay is life.” Sabay abot sa akin ng lipstick! “Ano yan?” “Siyempre lipstick, red yan! Yan daw ang kailangan mo kapag burikat kana este dancer kana sa club na papasukan mo appealing daw yan sa mafia boss na misyon mo!” “Bakit niyo alam?” Kunot noong tanong ko! “Siyempre may pakpak ang balita! Sinalo naming mga tsismosa, kaya heto na ang regalo namin sayo para lagi mo kaming maalala!” Nailing na lang ako! Puro kalokohan ang banat! “Anong maalala? Kasama kayo! Kinginang ito!” Maagap kaming bumalik sa kanya-kanya naming table ng bumukas ang opisina ni boss. Biglang tumahimik ang floor namin! Hanggang sa dumaan siya! Nang pumasok siya sa elevator at nagsara iyon! Wala na gulo na! “Yes, the cat is gone! Let’s party! Outfit training to the locker!” Malakas na sigaw ni Cheska! “Alright, Agent,” sabi ni Cheska, habang may hawak na clothing rack puno ng sparkly, feathery, at borderline-scandalous outfits. “Pumili ka. Kailangan ‘yung tipong ‘I can dance on the pole, but also disarm you in stilettos.’” May action pa na quotation ang dalawang kamay niya! OUTFIT #1: Isang red leather dress na masikip pa sa schedule ng HR. “Mas mukha akong hamonado dito,” reklamo ko. “Hamonada... with extra spice,” hirit ni Bogs, habang tumitipan sa laptop, mukhang nagche-check ng CCTVs ng bar target. OUTFIT #2: Black corset with fishnets. Migo nearly spit out his coffee. “Girl, anong mission mo? I-seduce ang mafia boss o ang mga santo sa altar?” Banat niya, kaya pinandilatan ko siya ng mata! OUTFIT #3: Neon pink mini dress na may feather boa. “Okay, hindi ko na alam kung undercover agent ako o backup dancer sa birthday ni Donya Rosana,” reklamo ko habang tinatakpan ang mata ko sa salamin. “Masaya kami pero nahihirapan ka, ‘no?” sabi ni Cheska habang umiiyak sa kakatawa. NOW WALKING-IN-HEELS TRAINING Ilang hakbang lang, tapos “AY, PINULIKAT!” “Balance, girl! Imagine mo lang na may TNT sa ulo ng mafia boss tapos kailangan mong i-twerk para ‘di sumabog!” sigaw ni Bogs habang hawak ang stopwatch. Gusto ko na lang talaga sumuko! SEDUCTION PRACTICE “Give me your flirtiest stare,” utos ni Migo. Tinitigan ko siya. “Okay, yan... parang gusto mo akong kasuhan ng murder, hindi i-seduce.” “Ulitin mo kasi! Hindi ‘yong tipong huhugot ka ng kwarenta’y singko sa bewang mo! Think sexy thoughts. Think Jollibee ad na may abs.” “Got it.” Seryoso kong sagot! Tinitigan ko ulit. Medyo may pag-asa. “Pwede na. Slight improvement. Medyo Miss Q&A 2023 meets PNP Special Task Force.” s**t!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Agent Series 18: Black Lipstick ( R-18 SPG)

read
97.9K
bc

Dangerous Spy

read
322.7K
bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.9K
bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
105.2K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.1K
bc

MY MASTER: MAFIA LORD SERIES 11

read
58.0K
bc

Denver Mondragon

read
72.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook