CHAPTER 2

1523 Words
AGENT MHARIMAR’s POV Pagbukas ko ng pinto, sinalubong ako ng tahimik na gabi at amoy ng lumang air freshener na parang nag-give up na sa buhay. “Home sweet home…ugh, hindi pa rin ako nakabili ng Lysol.” Amoy pa rin ni meow-meow iyon! Sumilip agad si Meow-Meow, ang pusa kong kalahating diva, kalahating demonyita. Puting-puti ang balahibo, pero ang ugali, parang retired na landlady. Sobrang arte! Namumulubi na ako sa kanya! “Nandiyan ka na lang palagi, no?” bungad niya gamit ang mata niyang may judging your energy. “H’wag ka masyadong manghusga, Meow-Meow. Ako ‘tong magpapanggap na pokpok bukas, hindi ikaw.” “Meow! Meow!” Sagot ng pusa ko na akala mo naintindihan ang mga himutok at hinaing ko sa buhay! Naglalakad ako papunta sa kusina habang sinusundan ako ni Meow-Meow, na parang tina-track ang galaw ng suspect. Siya lang ang gusto at ayaw kong kasama kasi nakakainis siya! Mga balahibo niya! Kahit may hika ako! Wala love ko siya! Binuksan ko ang ref may tubig, isang sachet ng ketchup, at isang slice ng cake na expired pa yata noong Martial Law pa. “Wow. Ang yaman ko talaga.” Bulong ko! Binuhat ko si Meow-Meow at naupo kami sa lumang sofa. Siya’y, naglalambing. Ako, naglalambing din sa sarili kong sanity. “Ito na ‘yon, Meow-Meow. Bukas, bagong kabanata. Magiging burikat ako… para sa bayan.” “Meow.” “Gano’n din reaction ko, Meow-Meow!” Tumahimik kami. Umuugong ang lumang electric fan ko. Ilang ilaw sa labas ng bintana ang kumikindat-kindat na. May sumisigaw sa kalye: “Isaw! Isaaaaaw!” Napailing na lang ako. Ang saklap ng buhay ko, kilala ako sa makwela, maangas, at palaging masaya, pero sa kabila noon isang lihim ang hindi ko kayang itago. I’m all alone… Sa wakas, tahimik na. Walang comms, walang boss, walang entitled na ex pero kumangkang na sa iba! Kundi lang talaga ako takot sa gutom at mahal ang trabaho ko, baka nag-resign na ako para magtanim na lang ng sayote sa probinsya. Pero nandito ako. Sa maliit kong mundo. May pusa. May misyon. May boots turn to heels. At may dahilan. Tsk! ***** CLUB PELIGROSA – 9:00 PM – FIRST NIGHT ON THE MISSION Dim lights. Neon signs. Laser beams. Amoy alak, pabango, at konting pawis ng konsensya Umaalingasaw sa gabing ito. Basag na ang speakers ng remix na “Ting Ting Tang Tang” habang pumipitik ang disco ball na parang lobo sa debut. Pumasok ako sa bar suot ang aking ‘uniform’ black latex dress, killer heels, at isang confidence na hindi pa dumadating. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, parang hihimatayin na talaga ako! “f**k!” Malakas na mura ko. “Bakit pa kasi ako napasuot sa sitwasyong ito!” Bulong ko sa aking sarili! “Hoy Burikat! Ikaw na daw ang susunod sa stage! Sabi ni Mama Loida!” Malakas na sigaw ni Lorna, pagpasok niya sa dressing room. Pawis na pawis siya sa kakasayaw! “Oo na!” Malakas kong sigaw! Napatingin ako sa suot ko! Luwang-luwa ang aking dibdib, halos hiwa ko na lang ang may takip! Naglakad ako sa gitna ng stage. Dahan-dahan. Pakiramdam ko parang slow-mo scene sa pelikula, pero in reality, parang baby deer on heels ang itsura ko. Kagat labi akong tumalikod mula sa audience at umuswad ang pwetan ko. Nang magsalita ang emcee itinaas ko ang aking dalawang kamay sa ere “Ladies and Gentlemen, we welcome the goddess! The fresh! The one and only! Burikat magaling bumulatlat!” Marahang gumalaw ang balakang ko! Huminga ako nang malalim, nag sign of the cross pa ako! Na akala mo matutulungan ako ng Diyos! “Ang lalim naman ‘yan!” Komento ni Cheska sa comms na nasa tenga ko. “Copy ka namin, Agent Burikat. Ulitin ko, ang codename: BUR-I-KAT. Don’t laugh.” Pero siya pa ang unang bumungisngis na nanghahamit ang boses ni Cheska! “Easy for you to say. Hindi ikaw ang gumigiling dito habang humihigpit ang spanx ko sa bawat indayog ng katawan kong matigas pa sa troso!” gigil ko. Hanggang sa nag simula na akong gumiling na pilit na pilit na parang milk shake na kulang sa tamis! Hanggang magsalita si Migo. “Confirm visual. Target is near the VIP lounge. Be ready to approach.” Sabi ni Migo sa earpiece ko. “After my number!” Mariin kong sagot. Gusto ko na hilahin ang musika para matapos na. Sa lakas ng music sumasabay pa talaga ang pag dagundong ng puso ko! Nang matapos akong sumayaw, mabilis akong nagpalit ng damit at nagpalit ng maskara. Iyong kita ang aking mga labi at mga mata ko lang ang may takip. Lumapit ako sa bar counter. Napaupo ako sandali. Nilapitan ako ng bartender. “Hi newbie, anong sa’yo?” “Information and justice—char! Uhm... tequila. Isa lang. Budgeted.” Hiling ko dito. Habang umiinom, napansin kong may dalawang lalaking nagpapa pansin. Isang mukhang lasing na may hawak na glow stick, at isa pang parang pusher na naligaw sa ‘The Bachelor’. “Miss, ikaw ba si... uhm... Stella? Kasi, you shine so bright tonight... parang streetlight sa EDSA.” Natawa ako. Focus, Agent! Focus! “Ang corny ng joke mo, nice try but I’m not interested, and my name is not Stella, call me Burikat!” Tumayo ako. Papalapit na ako sa VIP lounge kung nasaan ang target: si Nikolai Rynbakov, isang notorious Filipino Russian mafia boss na may bigote na parang brush ng bota. Bigla— May nagsisigawang mga babae, may nagtalsikang shots, may DJ na sumigaw ng “WORLDSTAAAAR!” At ako? Nadapa. Putek talaga! Sa harap ng target. Sa harap ng lahat. Buhos ang tequila sa dibdib ko, putok ang isang strap ng dress, at ang wig ko… medyo naka slant. “Who is that woman?” Dinig na dinig kong tanong ni Nikolai sa katabi niya, “New girl, boss. Medyo... wild.” Sagot ng kasama nito! Ang kapal ha wild agad sumayaw lang! Baka barilin ko yang betlog mo makikita mo! Lumingon si Nikolai sa akin. Tinignan ako mula ulo hanggang paa. Cue dramatic pause. “I like her. Bring her to my table.” Gusto ko na lang kumaripas sana ng takbo! “WHAT THE— Okay, Agent, this is it. You’re in. Galingan mo Mharimar— este Burikat pala!” “Agent Burikat, pakiayos ang wig mo. Halos kita na yung natural mong buhok.” Paalala ni Cheska nasa kabilang table lang sila! Huminga ako ng malalim. Tumayo. Umayos. Ngumiti na parang lasenggera. Dinaluhan ako ng dalawang lalaki akma akong bubuhatin. “Hep! Hep! I don’t need help! Kaya ko ang sarili ko!” Pagpigil ko sa kanila. “Pinapatawag ka ng boss namin,” pinaningkitan ko silang dalawa! Tinanggal ko ang mask ko. “Wala akong paki! Tsu! Tsu!” Kunwaring taboy ko sa kanila! “You’re coming with us!” Agad nilang akong binuhat! Kunwari akong nag pupumiglas na tila kinaladkad ako pero ang totoo ang sakit ng pagkatapilok ko! Kaya nagpahila na lang ako! Ang taas naman kasi ng heels ko! “I’m coming, daddy... este, mafia boss.” Pagkaupo ko sa tabi ni Nikolai, may kinuha siya sa ilalim ng mesa... sabay iniabot sa akin ang isang maliit na USB. “I know who you are. I’ve been waiting for you, Agent.” Pabulong na sa sabi ni Nikolai! Napalunok ako ng wala sa oras. Gusto kong i-abort ang mission, pero hindi pwede. Then I play along. “Agent?” Kunwari kong tanong. “Yes!” Kasing lamig ng freezer ang sagot niya! “Kingina ka! Ang kapal ng mukha mong kupal ka! Pinakaladkad mo ako sa mga tauhan mo, tapos ang aakusahan mo akong agent? Ang galing mo naman manghula mo kilala mo ako agad. Heto brochure ng unit namin, murang-mura lang! Magandang investment niya, sige na boss kumuha kana!” “Are you out of your f*****g mind?” gigil niyang sagot. “Oo kakalabas ko nga lang ng mental kahapon eh,” tumawa ako ng bahagya, kahit dim ang ilaw kitang-kita ko ang pag usok ng ilong niya sa galit! “Who are you?” “E ‘di wow! Kanina sabi mo agent ako, ngayon who are you na? Are you out of your f*****g mind?” Binalik ko ang sinabi niya! “Para sa kaalaman mo Mister, dito ako nag wowork! Ako ‘yong sumayaw doon kanina!” Ngumuso ako sa stage napatingin din siya doon! Akma siyang tatayo pero mabilis rin akong tumayo at humarang sa dadaanan niya. Mukhang aalis na! “Hep! Hep!” Pigil ko sa kanya at dumipa pa ako para hindi siya makaalis. “What?” Nagsalpukan ang kilay niya! Na tila hindi siya interesado! “Bayaran mo ang inumin ko!” Malakas kong sigaw dahil ang ingay sa club. “Why the hell do I do that?” Patay na wala akong maisip na palusot! “K—kasi pinakaladkad mo ako! Kailangan mong bayaran yan! Kung hindi bubugbugin ka ng bouncer namin!” Pananakot ko sa kanya! “He could try, go on, call him…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD