AGENT MHARIMAR’s POV
“What the hell was that!” Sigaw ni Cheska sa earpiece ko. Napatingin ako sa pwesto nila iling nang iling sa kapalpakan ko.
Nang hinatid nila ako sa tapat ng tinutuluyan ko, umalis na lang sila ni isang salita wala akong narinig. Pumasok sa ako sa maliit kong apartment na bagsak ang aking balikat.
Ito na rin ang huling gabi ko rito. Hahanap na ako ng bedspace para sa misyon ko. Kasama si Meow—Meow. Sana payagan ng uupahan ko kung hindi iiyak ako pero kailangan ko na siyang ipa ampon.
KINABUKSAN maaga pa lang nagising na ako para mag ayos ng gamit ko. Wala naman akong ibang gamit. Konting damit lang.
“Sure, kana ba na aalis ka?” Tanong ni Aling Ingrid sa akin, malungkot akong tumango. Yung dating kwela kong aura parang biglang nawala!
“Opo, hindi ko na rin po kasi kayang bayaran, tsaka lilipat po ako sa bandang Quezon Ave. Kasi doon po ako na assign ngayon.” Niyakap na lang ako bigla ni Aling Ingrid.
“Sana Mharimar, dito ka pa rin. Hindi ko naman ‘yan gustong paupahan dati pa naawa lang ako sa iyo. Kung gusto mo libre ka na lang tumira diyan.” Naiiyak niyang mungkahi.
“Naku, Aling Ingrid h’wag po, sayang ang kita niyo rin. Ito na po ang huling bayad ko.” Iniabot ko sa kanya ang huling upa ko nang pigilan niya ako.
“Ano ka ba! Sayo na iyon, pandagdag mo sa iyong bagong malilipat.” Tanggi niya sa bayad ko.
“Salamat po, hindi ko na ito tatanggihan gipit po talaga ako. Pwede po bang makiusap na iwan ko po muna si Meow-meow? Baka kasi hindi pwede sa makita kong mauupahan.” Kinapalan ko na talaga ang mukha ko.
“Oo naman, mahal na mahal ko ang pusa mo. Kung wala ka diyan dito yan tumatambay.” Sagot ni Aling Ingrid.
“Salamat po, Kunin ko na lang po siya kung pwede para na rin po madalaw ko kayo.” Pilit siyang ngumiti. Kumaway pa ako at isiniara ang lumang gate.
Sumakay ako ng tricycle sa labasan para makasakay ng jeep papuntang Cubao. Yakap-yakap ko ang aking hindi kalakihang itim na bag at econag. Buti na lang may laman ang sikmura ko. Kung wala dilat na naman ako sa gutom nito! Ang tagal pa ng sweldo!
Gutay na gutay ang budget ko. At basag ang moral compass ko habang pinipilit kong maghanap ng bagong matitirhan gamit ang Google Maps at gut feel. Luminga-linga ako. Pero init lang nang sikat ng araw ang tumama sa ma-freckles kong mukha!
Nang makakita ako ng karatula na nakapaskil sa labas ng gate nag tao po na ako.
“Ano iyon ineng?” Lumabas sa lumang pintuan ang ale.
“Bakante pa po ang room for rent? Pwede makita?” Ngumisi niya abot hanggang tenga na akala nanalo sa EZ2. Parang haunted house ata itong napuntahan ko. Sobrang dilim ng bahay halos walang ilaw.
Lumalangitngit pa ang ikalawang palapag na akala mo bawat hakbang ko babagsak na!
“Ineng ito ang bakante. room” Binuksan niya ng pintuan, sumalubong sa akin ang lumang -lumang silid, sobrang dilim! Patay sindi ang ilaw.
Kung makita ito Meow-Meow, ma traumatized siya! Ako, homeless.
Agad akong nag paaalam nag kunwari na lang ako. Na may nakalimutan at babalik na lang ako ulit
Noodles, konting de lata at dalawang kilong bigas ang laman ng eco bag ko! 'Yong tipong “survival mode pero may konting fashion.”
Agad akong nag tipan sa aking phone!
[Mission on hold. Ang hirap mag-imbestiga kung wala kang inuuwiang banyo. Hahanap muna ako ng matutuluyan!]
Pagka sent ko, nag appear ang number ni Mama.
Calling… Mama
“Ma?” sagot ko habang nakaupo sa isang plant box. Sa gilid ng iskinitang pinasukan ko kanina.
“Anak… si Mikaela… nasa ospital. Mataas ang lagnat. Bumalik na naman ang sakit niya. Nag-loan na ako pero kulang pa ring pambayad.” Umiiyak na si Mama sa kabilang linya.
Bigla akong natahimik. Said na said na ang savings ko, tapos heto ako ngayon naka upo sa gilid walang matirhan!
“Kailangan po ba ng pera ngayon?” tanong ko, habang napalunok ako ng guilt. “Magpadala po ako mamaya.” Sabi ko. Hirap na hirap akong pagkakasyahin ang pera ko. Sa mga gamutan ni Mikaela.
“Anak, sigurado ka ba? Akala ko nasa training ka pa rin.”
“Training pa rin, Ma. Training sa buhay. Mas matindi pa nga minsan kaysa barilan.”
Napapikit ako. Mikaela. Bunso naming makulit pero matalino. Kung may rason bakit ko kinaya maging agent siya ‘yon. Siya ang dahilan kaya kahit labag sa loob ko, sa kabila ng charming aura ko, hindi ko pa rin makakaila na tao lang ako may dagok na dumarating at ito ang isang iyon! Kingina naman!
Patuloy akong nag lalakad at sumuot ulit sa kabilang iskinita. Tumawid ako ng kabilang kalsada na lutang!
“Hoy! Kung mag papakamatay ka h’wag kang mandamay nagtatrabaho ako ng marangal!” sigaw ng tsuper!
“Kingina mo hindi ako papakamatay no! Virgin pa ako! Ayusin mo kasi ang mata mo kung saan nakatingin! Duling ka rin!” Nag dirty finger pa ako sa tsuper na iyon.
Ilang lakad, ilang suot pa sa iskinita, bago ko nakita ang room for rent na sinasabing maayos daw. Mas maganda pa nga ang harapan ng bahay, may maliit na halaman at mga ornamental pa. Parang nasa Pinterest ang design.
“Tao po! Tao po!” Malakas kong sigaw, feeling parang may audition sa The Voice.
“Ano iyon, Ineng?” Tanong ng may edad na babae, nakatingin sa itim at eco-bag ko. Siguro nagtataka kung may magic sa bag na ‘yon.
“Iyong pong room for rent, bakante pa po ba?” Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa, parang may audition rin.
“Bakante pa, pero bawal ang aso at pusa.” Deretsahang sabi niya. Patay si Meow-Meow, matatagalan pa tayo bago magka-reunion!
“Wala po,” magalang kong sagot, pero sa isip ko, sana may pusa, mas okay mag-relax kung may kasama akong cat memes.
“Dalawa ang kwarto sa itaas isa ang bakante, may sarili kang banyo, dito ang kusina, ito naman ang kwarto ko sa baba. Ang isang boarder ko, working student sa U.P Diliman, nag-aaral. Kung masamang tao ka, hindi ka pwede dito! Kung hindi maayos ang trabaho at gulo ang dala mo, hindi kita tatanggapin! Ayoko ng maingay na boarder!” Grabe, parang interview na sa FBI. Hindi ko pa nga alam pangalan niya, interview na!
“Hindi po ako masamang tao, may maayos po akong trabaho. Call center po ako, night shift. Wala po ako dito sa gabi, mas okay nga po kung tahimik, para makakabawi ako ng tulog sa umaga.” Pagsisinungaling level ko: Expert mode.
“Pahiram ng may NBI ka ba? I.D?” Kinalkal ko ang bag ko. Naka-ready na naman! Iniabot ko sa kanya ang dokumento. Feeling ko, tinanggap na niya pati sukli ng buhay ko.
“Apat na libo ang upa sa isang buwan, libre na ang kuryente at tubig.” Tumango ako, parang nagkaroon ako ng sudden enlightenment maayos na, tahimik pa!
“Wala po ba kayong kasama dito? Maliban sa boarder?” Curious kong tanong, kasi feeling ko may mystery sa lugar.
“Namatay ang asawa ko dalawang buwan na ang nakakaraan, umalis papuntang Europe ang anak ko, kaya pinaupahan ko na lang ang kwarto sa itaas.” Tumango-tango ako.
Pag-abot ko ng paunang upa, binigyan ko siya ng buo, parang bayad na sa rent-a-happy-life package. Pumunta na ako sa taas ng bagong kwarto ko at nagpahinga nang konti. Inilagay ko sa tokador ang gamit ko, at ipinatong ko naman sa counter ang eco bag na dala ko. Mamaya ko na aayusin dahil para akong hinihila sa antok sa sobrang ganda ng kama at ang lambot pa! Hindi ko pa alam kung anong oras, pero pag-gising ko, nagulat na lang ako four PM na King ina!! Alarm clock? Parang wala akong gano’n!
Nagmamadali ako, sinubukang mag-ayos ng mukha ko, para magmukhang ‘professional’ kahit maghapon ko lang pinlano ang pag-papanggap na okay lang ako. Tawag dito: survival mode.
Bago mag-Peligrosa Bar, dumaan ako sa ATM. Una sa lahat, hindi pwedeng walang pera. Nag-withdraw ako para ipadala kay Mama kasi may sakit si Mikaela, ang pinaka mabait kong kapatid. Nakaka-stress lang, pero kailangan kong magbigay. Pati ATM ko na feel ko, parang "okay, ikaw na naman."
Pagkasend ko ng pera sa remittance center nag text lang ako na napadala ko na. Miss na miss ko na ang pamilya ko!
Pagkatapos, habang naglalakad ako papuntang bar, may konting dramatic pause na naganap. Hindi lang ako nag-aalala sa kapatid ko, kundi sa aking future as “single, independent, and probably broke” na girl. Pinilig ko ang aking ulo. May misyon pa ako!
Sumasayaw ako entablado sa patay-sinding mga ilaw. Maingay. Mataas ang energy. Pero hindi ako makafocus. Hindi dahil sa crowd, kundi dahil...
Si Nikolai… Bakit ang hot nito!
"Agent Burikat, we have a situation," bulong ni Cheska sa earpiece. "May incoming raid order. May anonymous tip na may armas sa loob ng VIP room."
What?
Di pa ako nakaka-react, may sumulpot na bouncer sa likod ko. “Miss, pinapatawag ka ng boss. VIP room. Now.”
Nakatingin ako kay Nikolai across the bar. Nagka-eye contact. Gusto ko sanang kiligin pero may sumigaw na!
“RAID ‘TO! LAY DOWN YOUR WEAPONS!” s**t! Kung minamalas ka nga naman!