A FEW MOMENTS BEFORE THE RAID…
AGENT MHARIMAR’s POV
Kumikislap ang mga ilaw, at ako na ang bida sa dance floor! Sumasayaw ako sa ilalim ng disco ball, feeling Queen of the Night. Kitang-kita ko kung paano gumalaw ang anino ko sa daloy ng musika parang may sariling choreography na wala sa plano! Lahat ng mga mata nila , na-a-amaze sa alindog ng katawan ko. Bawat indayog ko, parang masarap na putaheng nakahain sa harapan at panay ang lunok dahil hindi pa pwedeng kumain! Tulo laway serye…
“Team, confirmed. Nasa loob na si Nikolai Rynbakov. Target locked. Code Black. Ulitin ko, Code Black. Execute.” Dinig ko ang kaba sa boses ni Cheska, kahit ako man kinakabahan!
Kailangan kong mag-acting cool pero internally, tinitignan ko ang aking sarili sa salamin “Queen B na may undercover mission!”
“Kumpirmado. Nakaupo sa gitnang sofa. May dalawang bodyguard sa gilid, tatlong babae sa lap. Classic criminal ego booster.” Ngumisi pa ako, parang host ng game show.
“RAID IS COMING!”
Huminga ako nang malalim. Tapos, naririnig ko ang countdown ni Cheska. Isinuot ko ang pekeng ngiti ko ‘yong parang "I’m a dangerous agent but make it cute."
“Nikolai Rynbakov,” bulong ko.
Mabilis akong bumaba mula sa stage at nagpalit ng damit sa dressing room. Pagkalabas ko, OMG, para akong nasa action movie! Kabang-kaba, sinilip ko siya. Okay, may moment! Nag-swipe ako para tanawin siya at bumulong ako sa aking sarili, "Ang init mo ngayong gabi... Gusto mo bang palamigin kita gamit ang warrant?" Sarap mag-roleplay sa utak ko…
“Cheska?” Mahinang tawag ko sa aking earpiece. Nagpapanic mode on. Mabilis akong napasandal sa pader.
“Cheska!” Ulit ko. Pero wala! Hindi siya sumagot!
Paglabas ko, bigla na lang siya nandiyan sa harap ko. Hoy s**t! Muntik na akong humalik sa semento, thanks to gravity sa sobrang bilis ng pangyayari. Nagkatitigan kami, at sa mga mata niya, parang may threat level midnight.
“Aba… kaya pala may kakaiba. Mukhang may ahas sa mga bulaklak.” Painsultong komento ni Nikolai.
Bago pa ako makakilos, isang malakas na kabalog ang narinig ko sa labas!
BOOM!
Parang naparalisa ako sa lakas ng pagsabog! Sumabog pa ang smoke grenade.Ang dilim ng buong paligid. Halos wala akong maaninag, tapos parang ang katawan ko, on slow-motion na parang may panibagong telenovela!
“RAID ‘TO! LAY DOWN YOUR WEAPONS!” Sigaw ng SWAT. Ang mga customer sa bar, nagmumukhang mga extras sa pelikula.
Biglang may sumunggab sa akin, na hindi ko pa napaghandaan!
“Huwag kang kikilos.” halos pabulong ng pamilyar na boses ni Rynbakov.
Naramdaman ko ang malamig na dulo ng baril sa gilid ko. Okay, this is bad. Ang kamay niya mahigpit na nakasakal sa leeg ko.
Nikolai…
Ako na ang ginawang human shield! Serious agent level mode: Burikat.
“Nikolai,” mahinang sambit ko, habang nakahawak sa braso niya. Okay, this isn’t a good situation. Hila-hila niya ako papasok sa dressing room na pinagmulan ko kanina.
“Sorry, sweetheart. Hindi pa ngayon ang tamang panahon para hulihin mo ako. Pero dahil cute ka, isasama kita.” Ngumisi siya habang dumampi ang labi niya sa tenga ko! Seryoso? May drama sa gitna ng chaos?! Gumapang ang kakaibang init ng hininga niya. Nasa gitna kami ng kaguluhan pero sa utak ko parang may rom-com vibe sa buong eksena.
“Putangina mo—!”
“AGENT BURIKAT! SINONG HAWAK SA ‘YO?! BURIKAT!”
Hindi ko na nasagot si Cheska, kasi masyado nang intense ang moment. Hinatak niya ako paatras hanggang nakarating kami sa dressing room, sinamantala ni Nikolai ang gulo at ingay bilang cover. Tapos, binaril niya ang kuryente—BLACKOUT.
Nagising ako. Mahina pa. Nakagapos ang mga kamay ko. Nasa loob ako na ng van. Ayan na, city lights sa labas.
Sa tabi ko…Si Nikolai. Nakangisi. Walang takot sa mga mata niya. Walang hiya.
“Welcome to my world, Agent, or should I say MHARIMAR ALPAS!” Seryosong saad niya. Okay, seryoso na siya, pero parang may after-party vibe! s**t! Isang malakas na pukpok ng baril sa ulo ko ang ginawa niya at biglang nandilim ang paningin ko.
Nagising ako sa tunog ng electric kettle. Amoy kape. Amoy kahoy. Amoy... lalaking mafia na may air purifier. Hindi muna ako kumilos! Nakiramdam sa buong paligid. Bukod sa sakit sa noo, wala na akong maramdaman na sa ibang sakit. Wala sa gitnang bahagi ko! Sayang Virgin pa rin ako! Yes! Pero sayang sana si Nikolai na lang.
Nasa loob ako ng isang underground safehouse. Malinis. Industrial vibe. Mukhang pinaghalong Bat Cave at IKEA showroom. Akala ko nasa red room na ako ni Christian Grey!
Napansin kong wala na akong gapos. Naka-jacket na ako. At may tray sa harap ko — may lugaw, pandesal, at... banana ketchup? Okay, medyo weird pero considerate naman ako pwede na.
Bumukas ang pinto. Naka-black shirt si Nikolai, mukhang bagong ligo. Ang bango, ng gago. Parang kasing hot ni Don Massimo Torricelli ng 365 days na pelikulang kakapanood ko lang! Napatanga ako, sa bawat hakbang niya papalapit sa kama kung saan ako nakahiga! Oh, my this is it na ba? Hindi pa ako ready, hindi pa ako naliligo! f**k hindi ako nag shave!
“Gising ka na ba, Agent Sleeping Beauty.” Akala ko ang Mafia matalino! Kita nang gising ako tatanungin pa ako kung gising ako.
“Ay hindi lumabas ka muna ulit. Tapos mag kukunwari akong tulog tsaka mo ako tanungin! May mata ka ba? Kita mo ngang gising tatanungin mo pa. Cut the social greeting Mr. Nikolai! Dinala mo ako rito. Ano ‘to, official kidnapping series mo? Episode 1 na ba ‘to?” Ngumisi siya.
“Huwag ka ngang pabibo, Agent! Hindi ka hostage. Kakausapin lang kita ngayon bilang... posibleng kakampi.” Ayoko ng kakampi kita! Pwede iyong you ripped off my clothes tapos sisigaw ako, “h’wag virgin pa ako!”
“Teka lang ha, rewind ko lang. Kakampi? What makes you think na papayag ako, ni hindi ko pinagkakatiwalaan kahit sa ketchup mo. Look ang panget ng brand wala man lang UFC. Siguro sa Dali mo lang ‘yan binili no? Kuripot mo naman!” Gusto ko na talaga tahiin ang bibig ko! Ito talaga ang ikakapahamak ko.
“Fair. Pero pakinggan mo muna ‘to.” Kibit balikat nito. Balewala ang banat ko!
Nag-slide siya ng folder sa kama na hinihigaan ko. Binuksan ko iyon. Mga blurred photos. Surveillance. Mga pangalan. May pamilyar akong nakita — “Director Alvero?”
“Yup. Director ng mismong division mo. At sa likod ng raid kanina? Siya ang nagbigay ng tip. Through a mole sa inyo.” Umatras siya at umupo sa katapat na sofa.
“Hindi pwede. Ang tagal ko nang kasama ‘yon. Loyal ‘yon sa ahensya.” Hindi ako makapaniwala sa mga nasa litrato at reports na hawak ko.
“Loyal? Baka loyal sa sarili niya. O sa bulsa niya.” Ngumisi pa ito. Iling ako nang iling.
Naglabas siya ng tablet. Pinakita ang voice recording. Mga file na hinding-hindi dapat makita sa labas ng agency.
“Clear the raid. Use the girl. She’s expendable. Make it look like a failed operation.”
Nanlamig ang buong katawan ko. Ako ang “the girl.” Agent Burikat pambala, pain at disposable.
“Putangina nila.” Hindi ko mapigilang hindi magmura! Gipit na nga ako ginawa pa akong kasangkapan!
“Welcome to my world, Agent. Kaya kita sinagip. Hindi para gawing hostage, kundi para gamitin kang kasangkapan sa mas malaking giyera.” Napataas ang kilay ko.
“Wow. Very dramatic. Ano iyon gagamitin mo lang ako? What’s in it for me? Parang teleserye. Pero sige. What’s the plan, mafia man?”
“We make a conditional deal. You work with me, off-the-record. Infiltrate your own agency. Find the mole. I’ll handle the bigger fish. The government official is funding the entire operation.” Bumaba ako ng kama! Malamig na sahig ang bumati sa mga paa ko.
“Hindi ako madaling kumbinsihin. Hindi ito parang order sa Grab. Pag confirm mo okay na.” Maangas at naka pamewang kong sagot.
“Then let me sweeten the deal.” Binigyan niya ako ng isa pang file photo ni Mikaela sa ospital. As if bomb exploded in front of me.
“You’re not the only one they’re watching. If they know you’re sniffing around... your sister’s next.” Napakagat ako sa’king pang ibabang labi. Galit, takot at gutom pa rin kasi wala pang rice, no to lugaw
“Anong kondisyon?” Malamig kong tanong. Parang hindi ako makahinga, nanginginig ang kamay ko ilang beses kong tiningnan ang hawak kong file, pati ang walang muwang kong kapatid!
“Dalawa lang. Una, huwag mo akong traydorin. Kahit mukhang masarap ‘yon minsan.” Ani’ya.
“Debatable.” Kagat labi kong sagot.
“Pangalawa, kapag nahanap mo na ang mole, ako ang bahala sa kanya.” Kampanteng sagot niya.
“At kapag nahanap mo ang mastermind sa gobyerno, ano plano mo? I-broadcast sa CNN? Or gawin mala drama effect sa MMK?” Patutsadang sagot ko.
“Depende. Gusto mo ba ng front row seat?” He smirks.
Nagkatitigan kami. Mahabang katahimikan napa upo ako sa tabi. Nasa gitna kami tension pero s**t! Ang bango ng hinayupak na ito! Alam ko wala akong choice. Para sa kapatid ko. Para sa katotohanan. Para sa dangal ko bilang agent... kahit “Burikat” pa ang codename ko.
“Deal.” Inabot ko ang kamay ko sa kanya. s**t! diba dapat magaspang iyon? Pero bakit ang lambot?
“Welcome to the underworld, Agent.” Tinanggap niya ang pakikipagkamay sa akin.
“Sorry ha, pero ang underworld mo... walang kanin. Boring! Dapat parang Mang Inasal unli-rice!” Tawa lang ang sagot niya!