CHAPTER 5

1667 Words
AGENT MHARIMAR’s POV HINATID na ako ng tauhan ni Nikolai sa inuupahan ko. Pagdating ko nagdidilig na si Aling Alona ng mga halaman niya. “Good morning po,” tumango siya. “May pandesal sa mesa at corn beef baka gusto mo munang kumain bago ka matulog?” Imporma niya sa akin. “Kumain na po ako, salamat po. Akyat na po ako.” Tumango siya at mabilis akong umakyat sa silid ko. Buti hindi niya na kita ang pasa sa noo kahit nakatakip ako ng hoody. “s**t! s**t!” Mahinang mura ko. Nang buksan ko ang aking phone sunod-sunod ang pasok ng mensahe, pero ni isa wala akong binasa. Kailangan ko ng matulog. Mamayang hapon na lang ako papunta sa headquarters. MABILIS lang akong naligo, at nagbihis ng simpleng skinny jeans na itim, puting t-shirt at hoody ulit. Kinuha ko ang backpack ko at bumaba. Naabutan ko si Aling Alona, na nanood ng novela sa pang hapong palabas. “Aalis kana? Kulang pa ang tulog mo?” Nag aalalang tanong niya. “Opo, dadaan pa po kasi ako sa padalahan ng pera, kailangan po ng pera ng kapatid ko nasa ospital.” Pagsisinungaling ko, kahit napadala ko na iyon kahapon. Lumungkot ang mukha niya. “Ganoon ba, kumain ka kaya muna? Nagluto ako ng paksiw na isda na may talong at amplaya. Para hindi kana bumili ng pagkain.” Alok niya sa akin. Biglang tumunog ang tiyan ko. Napatingin siya doon, at ngumiti. “Pati tunog ng tiyan mo hindi nagsisinungaling.” Napakamot ako ng batok. Mabilis akong dumulog sa pang apatang mesa, “Sabayan niyo na po ako.” Alok ko sa kanya. “Hindi na, kumain na ako.” Aniya. Kaya siyempre nilantakan ko na ang masarap na paksiw! s**t ang sarap. Ganitong-ganito magluto ang mama ko! Maraming luya at sibuyas! Nang matapos akong kumain ang lakas ng dighay ko. Umakyat ulit para mag sipilyo at maghugas ng kamay. Pumaog na ako at nagpaalam. Dito pa rin ba ako titira? Wala sa sarili kong tanong. Bago na ang misyon. Marasap pa naman magluto si Aling Alona. Mag isa lang siya. Paampon ako. PAGBABA KO sa jeep, mabilis akong umibis at lakad-takbo ang ginawa ko! Pagpasok ko sa entrance ng building namin, slow motion entrance ni Agent Burikat. Wind-blown hair. May Starbucks cup, pero tubig lang laman kasi tight ang budget. “Afternoon!” bati ko sa front desk habang naka-blazer na overrun ng foundation para matakpan ang eyebags na parang luggage. Showtime, girl. Smile like a queen, trust no b***h. Pagbukas ng elevator, unang bumungad sa’kin si Agent Carmina Ms. “Fake Friendly” ng ops team. Always nakangiti pero parang laging may alam na tsismis na ayaw i-share. Ang panget niya ka-bonding! “Uy, Agent B! Balik ka na! Akala namin nag failed mission ka, kagabi? Or... na-misfire?” The f**k? Kalat na kalat na agad? “Girl, immune na ako sa misfire. Sanay na akong binabaril ng tadhana. Fail? Ako? Uh-uh! You heard it wrong dear! Tanggalin mo na iyang incompetent informant mo, mali-mali ang nirereport sayo!” Ngumisi pa ako at kumaway bago magsara ang elevator! Ikaw kaya ang mole? Lakas ng cheek tint mo, baka ‘yan ang pampalakas ng loob mo habang nagbebenta ng intel sa kalaban. Suspect one check! Dumiretso ako sa briefing room. Sunod kong nakita si Agent Dindo, laging tahimik, mukhang harmless, pero mahilig mag-volunteer sa overtime na walang bayad. “Uy, Agent B, okay ka lang? Kamusta mission? Dinig mo na ba ang usapan-usapan?” Binabawi ko na hindi siya tahimik, marites pala ito sa katauhan ng lalaking katawan! “Okay lang. Konting kidnapping, konting trauma. The usual.” Balewala kong sagot. Ikaw din suspicious. Masyado kang masipag, pero wala kang girlfriend. Either spy ka... o may secret kang pinapadala sa ibang bansa gamit ang Dropbox folder na “Project_Laundry.” “Besh!” Napalingon ako ng bigla akong niyakap ni Cheska mula sa likuran! Mariin akong pumikit. H’wag naman sana si Cheska! H’wag please! Pagharap ko namumugto ang mga mata niya. Ang itim ng ilalim, daig pa ang panda na ilang dekadang walang tulog. “Nyare sayo?” “Kingina ka! Takot na takot sayo! Buong gabi akong hindi nakatulog! Iyak lang ako ng iyak! Sabi ko bawal ka pang mamatay kasi virgin ka pa!” Sinuri niya ako mula ulo hanggang pa. “Virgin ka pa ba?” Bulong niya na ikina iling ko. “Gaga! Alangan! Kung hindi di sana wala ako dito ngayon!” Niyakap niya ako ulit. Umiyak na tumatawa. “Uminom ka ba ng gamot mo? Parang kulang pa ang caffein mo sa ugat mo.” Patawa kong sabi. Kumalas siya ng yakap at hinila ang buhok ko! “Ang sama mo, seryoso anong nangyari kagabi. Kinuha ka ni Nikolai Rynbakov, anong ginawa sayo?” ngumuso pa siya. “Ginawa akong human shield, tinapon ang sexing katawan ko sa bakanteng lote lampas ng bar.” Kaswal kong sagot. “May sugat ka,” hinipo niya ang noo ko na pinukpok kagabi. Napangiwi ako. “Masakit yan, hindi yan fake! Maka diin ka naman!” “Sorry! Sorry! Samahan kita sa clinic.” Akma niya akong hihilahin. “H’wag na! Wala ba tayong briefing?” Tanong ko kay Cheska. Kumibit balikat siya. “Wala pa si boss, kanina pa nga kami naghihintay, dapat maaga iyon papasok hindi man lang nag worry sayo?” Himutok ni Cheska. Nalilito na ako kasama sa suspect list ko si Cheska? Since walang briefing na nakakapagtaka hinila na niya ako palabas ng briefing room at pumunta sa cubicle namin. Mga nag alalang mukha ang sumalubong at yumakap sa akin. “Agents! Yes! Akin na ang inyong pusta! Virgin pa si Agent Burikat! Bet down people!” Nanlaki ang mga mata ko! “Mga walang hiya kayo! Pati pagiging virgin ko pinagpustahan niyo! Wala kayong awa! Ikaw pa talaga Cheska ang pasimuno nito!” Kunwaring galit kong sabi! “Nasaan ang porsyento ko?” Sabay lahad ko ng kamay ko! Ngumisi pa ako. Pero nanlaki ang mga mata ko ng malaking halaga ang nasa palad ko. “Para iyan kay Mikaela.” Parang sumikdo ang puso ko. “Cheska…” Tumango siya at niyakap ako. “We know, besh. Naiwan mo ang bag mo sa dressing room at nakita namin ang perang pinadala mo sa mama mo.” Humigpit ang yakap ko sa kanya. Ang sama ko, pinag iisipan ko pa siya ng masama pero siya nangolekta ng pundo para sa kapatid ko. “Salamat, besh.” ***** Sa pantry, naabutan ko si Chief Alvero, ang director ng unit guwapo, charismatic, pero ang aura? Parang mahilig mang-red flag ng staff. “Agent B, glad you’re back. We’ve been monitoring the fallout from the raid. Shame we lost the target.” Kaswal na bungad niya. Ibang-iba sa boses niya noong binigay niya sa akin ang misyon na iyo. “Yeah, shame. Pero buti hindi ako ang nawala, ‘no?” Pa-inosenteng sagot ko. Tumabi ako sa kanya at nag timpla rin ng kape at kumuha ng croissant. ’Di mo ba alam, sir... nakita na kita sa folder ni Nikolai. You smell like betrayal and an imported aftershave. Posibleng mastermind. O posibleng pa-pogi lang talaga. Bumalik ako sa cubicle ko at inabala ko ang aking sarili sa kakatingin sa screen ng computer ko, kung ano-ano ang kinalikot ko doon pero wala naman akong nakuhang intel, walang suspicion. Sumasakit na ang ulo ko. “Cheska, c.r lang sama ka?” Kumaway siya at tinuro ang phone sa tenga niya dahil may kausap siya. Nagpanggap akong iihi pero totoo’y magvo-voice memo sa phone gamit ang code name ko. Isa-isa kong chineck ang cubicle ng c.r bago ko ni-lock ang pintuan. Nang masiguro ko iyon pumasok ako sa loob. “Operation Project: Hanapin si Ahaskey.” Suspects: Carmina — fake friendly. May mata ng pusit. Inggitera. Mahilig magpakalat ng tsismis na madalas nag backfire sa kanya. Dindo — tahimik pero biglang may bagong motor. Mahilig mangutang pero nagpapaawa kung bayaran na. Ang dating tahimik dakilang marites at sipsip. Chief Alvero — vibes ng isang political endorser ng kalaban. Pero imported ang aftershave pang mayaman! Tumanggap ng lagay. Lahat sila — pwedeng mole. “Ako si Agent Burikat. Pero hindi tanga.” Habang nagta-type ako kunwari sa report, binubuksan ko nang palihim ang hidden tracker sa laptop ko. Isa-isa kong chine-check ang access logs. May naka-log in sa confidential case file… at hindi dapat! “KINGINA. May tumingin sa classified file... 2 A.M.!” So, may mole nga. Handa na ‘ko. Game na ‘to. Hahanapin ko kita Ahaskey! When I do! Isang Burikat ang puputol sa kamandag at pangil mo! Sa ilalim ng innocent-looking desk, nagsimula nang iinit ang paghahanap ko. Hindi lang ito basta spy-vs-criminal mission ito ay spy-vs-mole-vs-gobernong doble-kara. Hindi na naman bago ito, pero not in my watch! Sisiguruhin kong mahuhuli ko ang mole na iyon! At sa gitna nito? Isa akong babaeng tinawag nilang pokpok sa mission report. Pero ngayon? Ako ang magiging dahilan ng pagbagsak ng buong sindikato. Kasama si Chief Alvero! ***** SA ISANG lumang café na mukhang hindi na naglinis mula pa noong pre-pandemic. Bukas lang tuwing madaling-araw para sa mga lasing, call center agents, at apparently... wanted mafia bosses at double agents. Ako ang unang dumating. Naka-jacket, cap, shades disguised pero clearly main character ang dating. Umorder ako ng brewed coffee, kahit gusto ko sana ng frappe. Pero ayoko ng tunog na “Pa-frappe nga po!” habang undercover ako. Kung ma-late si Nikolai, ipapabaril ko talaga siya kahit masarap amuyin ‘yong cologne n’ya. TING! NIKOLAI! Tumunog ang bell sa pinto. Pumasok si Nikolai Rynbakov naka-itim, leather jacket, at may dalang brown paper bag na parang grocery pero malamang may baril iyon. Hindi mapuknat ang tingin ko sa kanya. Umupo siya sa harap ko. Walang kibuan. Tumitig lang. Tapos— “Alam kong gwapo ako, h’wag ka naman magpahalata na laglag ‘yang panga mo.” Buwakang s**t! Bumanat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD