CHAPTER 6

1633 Words
AGENT MHARIMAR’s POV “Oy?! Hindi ba pwedeng ‘Hello, Agent I dragged into a criminal conspiracy’? Or kahit ‘Pasensiya na at muntik na kitang gawing hostage forever’?” Pagtataray ko dahil masayado siyang gwapo at ayokong maging kumportable sa kanya! Hindi ito date isang pagkikita para sa pagiging double agent ko! Weh? Di nga tuloy laway mo kanina! “Gusto ko lang kasing casual. Para hindi halata na pinag-uusapan natin kung sino ang mole sa gobyerno na puwedeng pumatay sa’tin anytime.” Ngumisi siya, ‘yong ngisi hindi manyakis ang dating pero nakakalaglag panty este panga pala, at nangungusap na mga mata! f*****g s**t! “Okay, sige. Casual. So… kamusta ang gabi mo? May pinasabog ka na bang warehouse lately?” Taas kilay kong tanong nang nagtanggal siya ng bara sa lalamunan bago sumagot. “Isa lang. Small-scale. Parang feelings ko sa’yo noong una kitang makita sa stage gusto na kitang hagisan ng kurtina tapos nadapa ka pa!” Pagpaalala niya sa slight na katangahan ko! “Wow. May throwback pa hugot ka, siguro ko crush mo ako noong nagtanga-tangahan ako no?” Napatawa siya ng bahagya at napailing. I know! I know! I am so f*****g charming! Nagbigay siya ng envelope. Nakasilip ang ilang surveillance photos. May isang mukhang pamilyar — Assistant Secretary Javier. “Si Javier? Siya ang nili-link sa illegal firearms importation?” Paninigurado kong tanong. Maski ako hindi makapaniwala na malalaking opisyal sa gobyerno ang sangkot at may pakana ng lahat ng ito. “Yup. Siya rin ang kausap ng mole mo sa agency. Palitan ng pera at fake IDs. May CCTV footage, hindi mo pa puwedeng i-forward sa HQ. Delikado.” Babala niya sa akin na ikinatango ko. Masyado pang maaga to make a conclusion kung love life ko nasa critical level na ito pa kaya. Hindi basta-bastang mga high ranking official ang sangkot! “Pero kung ganito kalaki ang kalaban, bakit mo ko isusugal? Pwede ka namang maghanap ng mas cooperative na agent. “Yong hindi galit sa’yo.” Prangkang sagot ko sa kanya. Na bigla siyang sumeryoso “Dahil ikaw lang ang alam kong hindi nabibili. Kahit gipit na gipit ka may prinsipyo ka pa rin,” napakagat ako ng aking pang ibabang labi. So, flattery na nakaka laglag panty! PARANGG tumigil saglit ang mundo ko sa loob ng café. Napatanga ako sa kanya na parang karangalan na ng sinabi niya. Even the barista nag-pause sa pag-steam ng gatas at napalingon sa mesa namin. “Huwag mo kong i-flatter ng ganyan. Iyang karakas mo? Hindi ‘to romcom. Focus tayo, sa mas mahalaga kesa diyan sa papuri mo!” Seryosong sagot ko. Bago huminga ng malalim. “Fine. Ito ang plano ko. Next week, may gala sa Camp Aguinaldo high-profile guests. Isang contact ni Javier ang magdadala ng flash drive. You’ll go as... guess what? My date.” “Excuse me?! Nasisiraan ka ba? Parang kumuha ako ng bato na pinang pukpok ko sa sarili ko! Agent ako remember ikaw ang mission ko, tapos magkasama tayo? Are you out of your f*****g mind?” Yes, English kinime iyon buti hindi wrong grammar! “It’s the only way to get in. And besides, bagay naman tayo. Drama mo lang ang kontra.” Banat pa niya! “Ugh. That’s the freaking point! Bagay este makikita nila tayong magkasama na dapat hinuhuli kita hindi umaattend sa gala!” Nag isip ako saglit bago nagtanong, “May suot bang mask doon?” Ngumisi siya! “I thought you never asked! Yes! You’re safe and covered!” Ngumiti siya at lumabas ang pantay-pantay niyang ngipin daig pa si Matt Murdock sa Daredevil! “Fine! Pero ‘pag hinawakan mo ang bewang ko doon, masasapak kita sa ballroom mismo. Wala akong pakialam kung pagtitinginan tayo!” “Noted, Agent Burikat. Kita tayo sa ilalim ng chandelier.” Ngumiti pa ang kupal na ito! Pasalamat siya masarap siya este gwapo siya. Tumayo siya. Paalis na sana, pero lumingon pa ito sandali. “By the way... nice disguise. Pero ‘yung pangit na cap mo? Giveaway lang iyan? Low-cost budget na nga ang sweldo mo pati sa disguise paraphernalia low-cost din!” Tumawa pa siya na parang nag eenjoy na asarain ako! He actually did! “Mas pangit ‘yung attitude mo. Pero sige na nga. See you sa impyerno... este, sa gala. Iyong gown ko!” Pahabol kong sigaw. Thumbs up lang ang sagot niya… Nagpaiwan ako sa café. Humigop ng malamig kong kape. Kung hindi ko siya pinaplanong hulihin dati, baka na-fall ako. Pero ngayon, both are valid options. This is trouble! ******* ONE WEEK LATER… Dumating ako sa venue na parang leading lady sa telenovela: eleganteng black gown, high slit, earpiece under my diamond earring. All eyes on me. Naglakad na ako na parang rarampa sa runway ng fashion show sa Paris and yes that golden chandeliers. Velvet curtains. Champagne trays. At ang mga bisitang naka-barong at gown, pero may hawak na sikreto’t kasinungalingan. Gala nga, pero parang reunion ng mga kurap at kriminal. Napailing ako. Paano nila nasisikmura ang ganito karuming sistema? Walang arte, trabaho lang. Kung ma-in love ka sa suspect, kasalanan mo na ‘yan, girl. Pero mukhang daks naman, Russian-Filipino sana tuli no? At ayon siya. Si Nikolai, naka-classic tuxedo, ang buhok na parang bagong trim, at may ngiting pa-Russian mafia-s***h-heartbreaker. Gago, ang gwapo. “Agent Burikat, you clean up nicely. Kala ko hanggang fishnet ka lang.” Ini-extend niya ang kamay niya sa harapan ko. He smiled widely and was dazzlingly f*****g handsome! “At ikaw pala, marunong mag-sabon. Mabango ka ngayon ah.” Tinanggap ko ang kamay niya at iginiya niya ako sa dance floor. Everyone is looking as if kami ang queen and king sa prom tonight! “Only for my favorite agent. Shall we?” Nag smirk pa siya. Ang init ng kamay niya na parang nag radiate sa mga ugat ko! Nang nasa gitna na kami ng ballroom, nagsimulang tumugtog ang jazz version ng “Careless Whisper. Kartina and Hyden ang peg!” Ang babala kong pagsapak sa kanya pag pulupot niya sa bewang ay parang inilista ko sa tubing, hindi ko siya nasapak lalo na ng hinapit niya ako sa bewang papalapit sa kanya! “Try not to fall in love during this dance. I’m irresistible, I know.” Napatingin ako sa mga mata niya. Kahit naka mask siya I know his eyes is smiling at inaakit niya ako! “Try not to step on my heels. These cost more than your gun.” Pang babara ko sa kanya. “Indeed mahal nga bili ko diyan. You smell like secrets and attitude.” Hindi papatalong sagot niya. Parang ako ata ang unang susuko! “You smell like smuggled whiskey and bad decisions, Mister Nikolai,” Paalala ko pa sa kanya. Umiikot kami sa dance floor na parang may sariling mundo. Pero sa likod ng mga ngiti namin, may palitan ng signal sa earpiece. “Approaching target. Five o’clock. Be ready.” Cheska? Sinamaan ko ng tingin si Nikolai. “Alam nila?” Tumango siya. Kaya wala na ako nagawa. Mapagkakatiwalaan ko naman sila. “Hindi ko sinabi sa kanya ng buo pero, I know she got your back.” Sabi ni Nikolai, tumango na lang ako. “‘Yong guy sa bar ‘yan ang may hawak ng flash drive. Nasa breast pocket.” Lumapit ako sa kanya at bumulong, sa tenga niya. Hindi nakaligtas sa akin ang paglundo ng Adams apply niya at paghigit ng kanyang hininga kaya nakaisip ako ng kalokohan, “Subukan mong h’wag akong pagnanasaan, Nikolai, masakit sa puson ‘yan,” idinikit ko ang pisngi ko sa kanya. “Breast pocket? Kailangan ko pa bang humawak ng dibdib ng lalaki ngayon?” Kunwari nyang sagot. “Well, you said this night would be unforgettable. Let’s make it memorable, shall we?” Lumakad kami na parang magkasintahan papuntang bar. Nang makasalubong ang target na lalaking government aide, bigla akong nag-fake ng pagkatapilok “Ay, sorry po sir! May sira yata ang takong ko!” Nag kunwari akong natapilok at napahawak sa target, ang animal naglaway sa cup B ko na size boobs! Habang distracted ang target sa cleavage ko lalo ko pa siyang inakit ng kagatin ko ang aking pang ibabang labi, kinuha ni Nikolai ang flash drive mula sa bulsa ng breast pocket nito gamit ang bilis ng isang magnanakaw ng feelings. “Flash drive secured. Pero ang puso ko... hindi pa.” Pang aasar ni Nikolai. Na hindi ako natutuwa! Ako lang dapat magaling sa banatan! Ako lang ang may humor pero bakit napipikon ako! “Isa pa ha! Talagang, ibalik ko ‘tong flash drive kung hindi ka titigil sa banat mo.” Ngumisi niya at nag taas ng kamay! Pumasok ako sa CR, habang si Nikolai nagbabantay sa labas. Sa loob, sinilip ko ang laman ng flash drive gamit ang mini decryptor. Photos. Codes. Listahan ng accounts. Pera. Pangalan. Isang high-ranking official... “Cheska, ito na. We hit the jackpot. Ang mastermind? Si General Hilario, kasama ang mga alipores niya, Javier, Alvero, at marami pang iba!” Nakikinig si Cheska sa earpiece ko. “Holy—okay, Agent Burikat, umalis kayo diyan, ASAP. Target will sense the breach. Get out now!” Pagbalik ko, agad akong hinila ni Nikolai sa gitna ulit ng dance floor. Niyakap niya ako ng mas mahigpit, habang sinusuri ang buong paligid kong may dalang anumang panganib! “Ba’t mo ko niyayakap na parang bida sa wedding scene?” “Para hindi nila mahahalatang may hawak ka nang ebidensya... at para maramdaman mo kung gaano kahirap kitang pakawalan.” “Kingina mo!” Mura ko sa kanya! “Ikaw din.” Nagkatawanan kami na akala mo in love na in love, pero sa likod nito deadly serious!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD