CHAPTER 7

1974 Words
AGENT MHARIMAR's POV NAPATINGIN ako sa target, na kinakapa nito ang tuxedo niya na tila may hinahanap. “Alam na niya,” mahinang sabi ko kay Nikolai at itinaas niya ang kamay ko sa ere para umikot-umikot ako para i-scout ang buong paligid, it is confirmed ng tumingin sa gawi namin ang target na iyon. Nahihilo na ako kakalikot pero kailangan kong magpatuloy. Dinig ko ang malakas na kulog sa loob ng venue at ang buhos ng malakas ng ulan. Malakas na palakpakan ang nakuha namin at hiyawan. Impress na impress sila sa palabas naming dalawa. Hingal na hingal ako na parang umiikot ang paningin ko. Hinila ako ni Nikolai paalis sa dance floor at dumampot ako ng champagne sa dumaang waiter. Nang biglang namatay ang ilaw. Good job, Cheska. “Let’s get out of here!” Mabilis akong hinila ni Nikolai nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Javier at ng target! “Hanapin niyo ang dalawang iyon!” Mabilis kaming lumabas at malakas ang buhos ng ulan! Basang-basa na kami. Ramdam ko ang malamig na buhos ng ulan. Tinanggal ko ang heels ko at tumakbo ng nakayapak. Mabilis kong tinanggal ang maskara ko nang biglang may humintong sasakyan sa harapan namin! “Get in!” “Ayon ang dalawa! Tumatakas! Barilin niyo! Mga inutil!” Mabilis na isinara ni Nikolai ang pintuan! Nagpaulan agad nang putok ng baril sa gulong ng aming getaway car, pinaulanan kami ng bala. “Go! Go!” Malakas na sigaw ni Nikolai. “f**k! I’m hit!” Sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko. Akma ko siyang lalapitan ng pinigilan niya ako. Tahimik lang siya! Sugatan sa braso pero ayaw magreklamo. Classic pa-cool pa siya pero napapangiwi sa sakit. Hindi ko alam ang gagawin ko. “KINGINA! HINDI MO BA SINABI NA QUIET LANG ANG GALA?! Tingnan mo ang nangyari sayo! Inuuna kasi ang pang aakit eh!” Bwelta ko para itago ang awa at guilt ko sa tama niya. “Sorry ha, akala ko party lang! May free buffet pa nga ‘di ba?!” Isang malakas na pagsabog ang nag palingon sa akin! May granada pa raw sa after-party. Talaga namang very VIP. Hindi na ako nagsalita pa kasi napapangiwi na si Nikolai sa sakit. Hanggang sa makarating kami sa isang Inn. “Welcome to Penny Nights Inn – Safe, Secure, Sulit” a.k.a. ang pinaka-murang motel na nakita naming bukas. Basang-basa. Nanginginig kami sa lamig. Pareho kaming mukhang nabugbog ng ulan, bala, at feelings na paraho kaming in denial. Nakahawak ako sa towel habang si Nikolai, naka topless na at tinatanggal ang basang baril sa loob ng jacket niya. “Stop eye-raping me,” taas kilay niyang komento. “Feeling mo naman, mas masarap pa rin ang totoong pandesal, sawsaw sa kape, kesa sa abs mo.” Pang babara ko sa kanya. “Yeah, right.” He scoffed. “Ang ganda ng mission natin, no? Gala, barilan, takbuhan, motel. Hindi ‘to spy movie, Nikolai. ‘To ‘yong ‘Walang Hanggan’ na may baril.” Nakasimangot kong komento at nilapitan ko siya para gamutin ang sugat niya. “Mas masaya nga ‘to eh. Ikaw ‘yung ka-partner ko. Parang Mr and Mrs Smith nina Angelina at Brad!” “Wow. Sige pa. Sige. Magpabibo ka pa habang duguan ka. Akin na nga!” Gigil kong idiniin ang bulak na may betadine! “Aray naman! Sige pa Diinan mo pa!” “Ang bastos mo!” Sabay hampas ko sa kanya! “Ako pa talaga ang bastos ikaw nga itong madumi mag isip! May sugat na nga ako talaga gigil na gigil ka sa pagdiin ano yan climax na?!” “Arrrgggh!” Parang napikon ako bigla! Bigla kumislot-kislot ang c**t ko! “Ang gentle mo pala, pag ‘di ka galit.” Ngising niyang sagot! “Tumigil ka. Ginagamot lang kita. Hindi ‘to romantic montage.” “Pero kung romantic montage ‘to, dapat may background music na acoustic version ng ‘Tadhana.’” Napatawa ako kahit na gustong-gusto ko na siyang sabunutan! Walang ka effort-effort magpakilig! This bastard ang gwapo! Sandaling katahimikan. Walang salita lumabas sa bibig namin. Titig lang. Para bang sa dami ng bala’t granda, parang ito lang ang totoo. “May plano ka pa ba bukas, bukod sa mamatay?” Parang hindi sumayad sa lalamunan ko ang tanong kong iyon! “Plano ko pa naman ang mabuhay. Sa tabi mo, kung papayagan mo ako…” Hokage moves men! KINGINA NAMAN. “E ‘di wow.” Nakaawang ang labi ko. Nagkatinginan kami ulit. Lumapit siya ng bahagya amoy na amoy ko na ang mainit niyang hininga na may pinaghalong alak at mint. Huminto siya ng ilang pulgada mula sa labi ko. Umuulan sa labas pero mas maingay ang t***k ng puso ko. “Permission to cross the line, Agent Burikat?” Pero sa labi ko na siya nakatingin saglit bago ibinalik ang titig sa mga mata ko. “Depende… may plano ka bang bumalik?” Tanong ko. Hindi ko na natapos ang hirit and without further ado. HINALIKAN NIYA AKO... Marahan… Mainit… pero mapanganib. Halikan ng dalawang taong parehong hindi sigurado kung aabot pa sa bukas. Halikan na nakakawala ng katinuan at naghahanap ng katugon na kung pwede ituloy na hanggang sa dako pa roon… Hanggang kinapos kami pareho ng hangin. “Papatayin tayo pag nalaman ‘to ni Cheska.” “Sabihin mo na lang… part of the cover story.” Ngumisi siya at hinila niya ako papalapit sa kanya. “Cover story mo mukha mo…” ****** KINABUKASAN nakatulala ako habang hawak-hawak ang cellphone ko. Tumatawag ulit si Mama. Naka-silent lang. Hindi ko masagot. Napatingin ako kay Nikolai. “May tip ako. Si Mikaela... she's the next target. Papunta na sa kanya ang isang ‘clean-up unit.’ Galing kay General Hilario.” Napabalikwas ako ng bangon. Nanginginig ang buong katawan ko. Sinalakay ng takot ang buong sistema ko hindi para sa sarili kong kaligtasan kundi sa kapatid ko, kay Mikaela! “Kapag may nangyari sa kapatid ko... isusumpa ko ang buong sistema. Isa-isahin ko sila!” “Kaya nga uunahan natin sila.” Aniya. Napatingin kami sa pintuan. May kumatok kaya napatingin ako kay Nikolai. Mabilis kong dinampot ang baril ko. “Maligo kana damit na natin ito.” Hindi ako sumagot at tumango. Mabilis kong tinungo ang banyo. Nakalabal lang ako ng kumot. Wala akong inaksayang oras. Mikaela… ****** Nakasakay kami sa black SUV. Full gear. Walang palitan nang salita sa pagitan naming dalawa. Ang utak ko puro si Mikaela. Ang puso ko parang sasabog sa takot para sa kaligtasan niya at ni Mama. Bawat segundo, isang tanong: aabot pa ba kami? Ang layo ng Magdalena, Laguna. “Minsan ang misyon, hindi lang para sa bayan. Minsan... para sa pamilya. Para sa kaisa-isang taong tumanggap sa akin... kahit alam niyang sinungaling ako.” Ani ko kay Nikolai. Tumingin lang siya sa akin pero hindi siya sumagot. Paglampas pa lang namin sa Greenfield may chopper na nakaabang sa amin. Mabilis kaming sumampa doon! Ilang minuto lang lumapag ang chopper namin ilang kilo metro mula sa Majayjay District Hospital at may dalawang motor na naghihintay sa amin ni Nikolai. Wala kaming imikan pero alam niya ang gagawin. Tingin lang sa mata sa mata. Nagkakaunawaan na. Pagpasok ko sa ospital agad kong nilapitan ang receptionist. Natakot ang pa ang mukha niya Dahil naka miltary uinform kamin ni Nikolai. “Miss, si Mikaela Alpas saan ang room niya?” “Kaano-ano kayo ng pasyente?” Nagdududang tanong ng receptionist. “Kapatid ako.” Maagap kong sakot. “Diretso sa dulo kanan, private room. Mabilis akong tumakbo patungo sa direksyon na tinuro niya. BANG! BANG! BANG! Malakas na putukan mula sa entrance ng ospital ang narinig ko, kaya napa cover kami! Naka-position na agad si Nikolai. “Four hostiles. One window, two backdoors. Mikaela's inside.” Aniya at Sumenyas sa akin na ikinatango ko “Ikaw sa kaliwa. Ako sa room entrance. Secure and save my sister Nikolai!” Napatingin ako sa kanya bago tuluyang pumasok. Pero hindi iyon nasunod ng umiling siya kaya wala akong nagawa ako ang pumasok sa loob. “Ma! Mikaela!” “Anak! Anong nangyari? Napasugod ka!” Puno ng pag alala sa mukha niya. “Mamaya ko na po ipapaliwanag, Ma!” “Nikolai! Package secured! Back doors now!” Kinuha ko ang swero ng kapatid ko at kinarga siya! Nakaharang ang katawan ni Nikolai sa amin! “Akin na siya! Cover me!” Malakas na putok ang narinig ko. Nagtago rin ang ibang pasyente! Pinukpok ng dulo ng baril ko ang bintana ng ospital. “Ate!” “Mikaela!” “Ate... natakot ako... may mga lalaking may baril...” Iyak nang iyak si Mikaela. Parang nilakumos ang puso ko. “Nandito si Ate, Mama bilis!” BANG! BANG! Pinaputukan kami mula sa likod. Hinila ko siya at tumakbo papunta sa banyo para sa cover. “Makinig ka, bunso. Hindi ka nila makukuha. Hindi habang buhay pa ‘ko.” Nang makalabas kami sa likurang bahagi mabilis kaming pumasok sa mga kabahayan katabi ng ospital! Pumasok kami sa bahay na bukas papuntang kabilang kalye. Nang maabutan kami ng isang kalaban na sumunod sa amin. Hand-to-hand combat. Parang John Wick meets Quiapo style. May dumamba sa akin at sinalubong ng dulo ng baril ko! Mula isa, hanggang sa tatlo na ang kalaban ko! Tinulungan niya ako harapin ang tatlong kalaban namin. “Sorry. Limited weapon supply. Gamitin ang kaldero kung kinakailangan. Nik!” Ilang minuto din ang engwentrong iyon nga bumagsak silang tatlo. “Anak anong kaguluhan itong pinasok mo!” Naiiyak na tanong ni Mama. “Mamaya ko naipaliwanag ma, please h’wag ngayon! Importante ligtas kayo.” Mabilis kaming lumabas sa bahay na iyon ng dumating ang black SUV. Napabalik kami ng magsalita ang commanding officer ko black suit, sunglasses, at hawak ang megaphone. Director Alvero… “Agent Burikat. Sumuko ka. Dalhin mo sa akin ang flash drive at si Nikolai. Baka sakaling ilibing na lang kita ng may kabaong, ligtas pa ang pamilya mo! Did you really think na masira mo ang pangalan ko by fighting against me!” Malakas niyang sigaw! “Wow. Ganyan na ba ang style natin ngayon, sir? Nagpapapogi sa press release habang nagpapapatay ng inosente?” Malakas kong sagot habang naka cover sa pader. Sumenyas ako kay Nikolai na sa likod dumaan. Tumango naman siya! “Sinira mo ang mission. Pero ayos lang. I’ll fix it by erasing you.” Then a DRAMATIC SHOOTOUT. “WALA SA USAPAN NA PATI PAMILYA KO DAMAY!” malakas kong sigaw pabalik! Tumayo ako sa gitna…Wala akong takot na nararamdaman. Lumalabas ang full beast mode ni Burikat. Nang marinig ko si Cheska mabilis akong sumenyas sa ere. Pinabaril ko ang sniper nila. Tinamaan. Pangalawa, nilapitan si Alvero. Nasa likod niya ang mga tauhan niyang nakatutok ang baril sa akin. “Ang leksyon dito, sir... huwag kang magtiwala sa babaeng tinawag mong pokpok. I’m your best agent, remember?” BLAG! Isang suntok. Diretso sa panga ang hindi niya napaghandaan na gagawin ko. Mabilis kong pininhit ang kamay niya at binali sa likod at tinutukan ng kwarenta’y singko sa sentido niya. “Now sabihin mo sa tauhan niyo na ibaba ang baril nila! “Burikat!” Malakas na sigaw ni Nikolai kaya lumingon ako. “Ibaba niyo ‘yan!” Utos ni Alvero! Habang naglalakad akong paatras! Panangga si Alvero. Nang makalapit ako sa sasakyan. Pinukpok ko ng baril si Alvero at binaril sa likod ng tuhod niya at mabilis sumakay! “f**k!” Malakas na mura ni Alvero! Habang namimilipit sa tama ng baril “I will find you b***h!” “No! I will come after you, Alvero! Mark my word!” humarurot ang sasakyan namin! Pinaulanan kami ng bala! Buti na lang naka bulletproof ang sasakyan ni Nikolai!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD