AGENT MHARIMAR’s POV
Nakatunghay ako kay Mikaela natutulog siya sa sofa. Safe. Nakaunan sa hita ni Mama. Na nakapikit na rin dahil sa pagod at takot. Si Nikolai may yelong nakadikit sa pisngi nito.
“You, okay?” Tanong ni Nikolai sa akin; hindi ko namalayan na nakalapit na siya. Napalingon ako sa kanya. Huminga ako ng malalim.
“No. Pero buhay pa kami. For now, that’s enough for me.” Mahinang saad ko. Puno ng galit ang puso ko. Galit dahil nadamay ang pamilya ko!
“Anong susunod? Pareho na tayong wanted. Parang double cheeseburger lang,” mapakla akong ngumiti. Sa gitna nangg lahat ng ito, bumanat pa talaga siya! Nawala na ang charming character ko. Umiiba pala ang ugali ng isang tao kapag pamilya ang usapan.
“Ubos na pasensya ko. Sa susunod... sila naman ang habulin ko.” Malamig kong sagot na nakatingin lang sa labas ng bintana! Sisingilin ko sila ng mahal!
“Take it easy, kailangan muna natin alamin at i-confirm ang intel natin. Hindi tayo basta-bastang susugod na kulang tayo sa facts. Hindi na ako kumibo. Tinapik niya ako sa balikat. Dinig ko ang mga yabag niya papalayo…
Sobrang nakakabingi ang katahimikan. Naka-upo ako sa gilid ng kama habang si Mikaela ay mahimbing pa ring natutulog. Si Nikolai? Nasa kusina, gumagawa ng brewed coffee na parang pang-huling hapunan.
“Mharimar,” tawag ni mama sa akin. Napatingin ako sa kanya. Ang tagal ko nang hindi naririnig ang pangalan ko.
“Ma, pata—” Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko.
“Inilagay mo sa kapahamakan ang kapatid mo! Sigurado ako nasa TV ka na! Wanted ka na?! Isang tulisan?! Tapos kasama mo pa ‘yang lalaking sinasabi nilang international criminal?! Ano ‘to? Pelikula?!” Mariing sumbat ni mama. Pigil na pigil ang galit niya. Pero nanlilisik ang mga mata niya na nakatingin sa akin.
“Ma, hindi mo naiintindihan—”
“Alin ang hindi ko maintidihan Mharimar? Na katulad ka rin ng Papa mo? Hindi ko na kailangang intindihin! Wala akong anak na ganyan! Tinatakwil kita, bago mo pa kami idamay sa kahihiyan at kapahamakan! Hindi man lang naawa sa kapatid mo? Anong klase kang kapatid.” Parang namanhid ang buong katawan ko. Hindi ako makahumang. Tila naparalisa ako, hawak-hawak ang aking pisngi.
“Ma… si Mikaela ang target nila. Pinoprotektahan ko lang siya…”
“Umalis ka sa buhay namin, Mharimar. Hindi ka na namin kailangan. Wala ka nang pamilya. Binalaan na kita noon, na oras na madamay ang kapatid mo! Itatawil kita! Delikado ang lagay niya! Hindi mo nakikita! Hindi lang sa may gustong pumatay sa kanya dahil sayo, kundi may sakit ang kapatid mo at kailangan niya ng ospital! Hindi sa ganitong lugar!” Parang tumigil ang mundo ko. Kahit malakas ang patak ng ulan sa labas, parang mas maingay ‘yong pagkalagas ng puso ko. Na parang patalim na humihiwa ng pira-piraso.
“I have it all arranged, anumang oras darating ang mag aasikaso po kay Mikaela. Aasahan niyong hindi ko kayo pababayaan.” Gusto ko na lang bumuka ang lupa. Ang sakit!
*****
Dahan-dahang huminto ang puting ambulansya sa harap namin. Walang tunog ng sirena, pero parang sinisigaw ng katahimikan ang pangamba sa dibdib ko. Bawat segundo, pakiramdam ko’y kinakaladkad ako paatras, palayo sa kapatid ko. Kahit ayoko pang mapalayo sa kanya, wala akong magagawa. Kailangan niya ng immediate medical needs.
Bumukas ang pinto. Dalawang paramedic ang mabilis na lumapit. Tinulungan nila si Mama at si Mikaela na sumakay. Si Mikaela maputlang-maputla, halos parang papel ang balat, at mukha niya, nanginginig ang mga kamay. May oxygen tube sa ilong niya at isang stuff toy na hawak-hawak pa rin nito, regalo ko noong birthday niya. Siya na lang ang bumati sa’kin.
“Ate... dadalaw ka ulit ha?” mahina niyang tanong, habang pilit nilalabanan ang antok at sakit.
Tumulo ang luha ko. Tumango ako kahit naninikip ang dibdib ko, at nanunuyo ang lalamunan ko. Parang nilakumos ang dibdib ko.
“Oo, bunso… dadalaw si Ate. Hintayin mo ako ha?” bulong ko habang pinipilit ngumiti, kahit wala na akong lakas. Isang mainit na yakap ang binigay ko sa kanya.
Ngumiti siya pabalik. Nangingitim ang gilid ng labi niya, tuyong-tuyo na iyon. Natuyo ang mga luha niya sa pisngi habang sinasara ng paramedic ang pinto ng ambulansya.
Wala ni isang sulyap si Mama. Kahit isang " Mharimar," kahit isang galit na sigaw wala akong narinig. Mas gustuhin ko pang sigawan niya ako, o murahin pero wala. Parang pinatay na niya ako sa isip at puso niya. Ang pinakamasakit minsan ay hindi ang galit eh... kundi ang kasing lamig na yelong katahimikan mula sa isang ina na mahal na mahal ko. ‘Yung tipong damang-dama mong wala ka nang puwang as if you don’t exist anymore.
Ang huling narinig ko ay ang sabay na kalabog ng pintuan ng ambulansya at ang unti-unting pagputol ng gahiblang ng pag-asang baka patawarin pa niya ako.
Habang lumalayo ang sasakyan, hinabol ko iyon ng tingin hanggang sa naging puting tuldok na lang sa kalsada. Hanggang sa tuluyan na silang nawala. Pero ako? Nakatayo pa rin doon. Parang tinubuan ng ugat ang talampakan ko sa semento. Wala nang salita. Wala nang iiyak. Uubos lang ako ng hangin.
Ilang sandali pa.
Narinig ko ang paglapit ng mga yabag. Pumatong ang malamig na tela sa balikat ko.
Napalingon ako. Si Nikolai, tahimik lang. Walang tanong, walang sermon. Wala siyang sinabi. Basta isinampay lang niya ang balabal niya sa balikat ko. Napakla akong ngumiti. Pilit. Para lang masabing okay pa ako, kahit hindi naman.
“Pareho na tayong wanted,” bulong ko habang tumitig sa kawalan.
“Oo,” sagot niya. “Pero hindi kita iiwan.” Napaawang ako sa sagot niya. Parang may humipo sa puso ko. Na pinatay ni mama kani-kanina lang. Unti-unting tumibok ulit. Revived heart.
******
ISA-ISANG dumating ang mga kasamahan ko, Cheska, Migo at Bogs! Bumuo ako ng grupo! Kung ganito ka dumi ang sistema ng gobyerno I will take this matter on my hands!
A team of rogue agents, whistleblowers, and hackers. Nagkasundo pa sa iisang layunin linisin ang mga tiwalang opisyal sa gobyerno.
“Once we breach the satellite signal, broadcast ng buong bansa ang mga file ni Hilario isama mo na ang boom-boom na si Alvero. Wala nang takas. I-cut natin mismo ang live feed niya! Ipalit ang live feeds mo.” Matapang na sabi ni Cheska na isang hacker turned to vigilante!
“The public will see what you saw. Bank records. Orders to eliminate civilians. Under-the-table dealings with foreign syndicates.” Dagdag pa ni Migo na isang support ni Cheska pero mas lamang ang paigging field agent niya. Pareho silang magaling.
“Ako na ang mag aayos ng mga kakailangan niyo from guns, getaway car, safe point!” Sabi rin ni Bogs.
“And you, Agent Burikat? Ready ka na ba talaga?” Seryosong tanong ni Nikolai. Isa-isa ko silang tiningnan.
“Hindi na ito tungkol sa trabaho. Pamilya ko ang idinamay nila. Buhay ang kinalkal nila. Ngayon… ako naman ang bubuwag sa sistemang ‘yan. Sigurado ba kayo na ito ang buhay na gusto niyo? Walang kasiguraduhan, walang kinabukasan!” Tumango sila.
Pumwesto na ako habang nakatutok ang camera sa akin. Abala si Cheska sa kakalikot ng computer niya. Nakatingin kami sa live broadcast ni General Hilario! Nang na insert na ang Flash drive. Hack complete. LIVE NATIONWIDE BROADCAST.
“Sa lahat ng mamamayang Pilipino, oras na para makita niyo ang totoo. Ako si Burikat, dating agent ng National Intelligence Division at ito ang ebidensya laban sa mismong mga taong pinagkakatiwalaan niyo. Pinagkakatiwalaan ko.” Pop-up videos. Recordings. Pictures of bribes, dead agents, government seals, and General Hilario ordering eliminations.
“Peke ‘yan! FAKE NEWS!” Pagpuputol ni General Hilario ngumisi ako.
“General kahit AI natin hindi kayang i-doktor ‘yang pagmumukha mo ang panget na kurakot pa!” Dinig sa background ang chopper. General Hilario trying to flee. Surrounded by elite guards.
Nakasakay ako sa motor habang umuulan, ang sniper rifle ko nasa backpack, at may literal na apoy sa mga mata mga mata ko. I will get my justice! Gaya ng sabi ko nang ibigay ni Alvero ang misyon ko kay Nikolai “Putting criminals behind bars makes me feel useful”
“Ang signal ng tracker nasa rooftop. Hilario is cornered. Go get him, Agent Burikat!”
“Perfect. Tagal ko nang gustong ibigay sa kanya ang ‘special’ resignation letter ko...My bullet in the center of his f*****g head! At mukha ko ang huling makita niya kapag nalagutan siya ng hininga!” Mabilis kong pinaharurot ang motor.
Nang makarating ako sa roof, bawak hakbang ko walang tunog. Naka umang ang baril ko. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Nang makalabas ako sa pintuan! There!
“General Hilario! Going somewhere!” Naka tutok ang baril ko sa kanya!
“Wow Agent Burikat! Ano, Burikat?! Itutok mo ba sa akin ‘yang baril na hawak mo, ha? Sa taong nagpaka-ama sa’yo sa serbisyo?!” Malakas niyang sigaw at nakatutok ang baril niya sa hostage niya. Ngumisi pa ako at kumanta sa version kong WAP! WAP! WAP!
NOW FROM THE TOP MAKE IT DROP
GOING SOMEWHERE?
PUT THE GUN DOWN!
I'M TALKING WAP! WAP! WAP
HANDS-ON THE AIR!
“Hindi ka ama. Isa kang halimaw. Now again! Put the gun down at sumuko ng maayos!”
“Putang ina mo! Agent Alpas!” Umalingawngaw ang pagkalabit ko ng baril! Isang tama sa balikat. Hindi para patayin, pero sapat para hindi siya makatakas pa! Buti nga sayo!