CHAPTER 9

1289 Words
AGENT MHARIMARS’s POV Nasa safe house kami ni Nikolai. Hindi pa rin ligtas ang aming mga buhay. Parang may feeling ako na pwedeng mangyari ang lahat. Napabalikwas ako ng bangon ng mag-vibrate ang phone ko. Unknown number calling... Mabilis akong tumayo at lumabas ng silid. Nagtipon-tipon silang lahat sa briefing room, parang mga telenovela cast na naghihintay ng eksena. Lahat sila, nakatingin sa akin, tapos sumenyas ako na may tawag ako. Parang super-spy mode lang! “Unknown call, trace mo?” Utos ko kay Cheska. Tumango siya, tapos kinumuha ang phone ko at nag-umpisang magtipan sa laptop niya. Sa harapan, nakita ko ang malaking screen, feeling ko na-shock na naman ang buong team. Kung may secret agent vibes, sure, ito na ‘yon. “H—hello?” alangan kong sagot. Parang ayoko, pero ang daming nag-aabang, lahat sila tutok na tutok sa tawag, kailangan ko maging agresibo! “Agent Burikat?” Tanong ng nasa kabilang linya. Napataas ang kilay ko. Nagtaka man ako kilala niya na agad ako. “Who’s asking? State your business. Wala akong oras sa lokohan!” Pilisopong sagot ko, may konting angas pa. “This is General Captain Maximus Oliveros, the Defense Secretary.” Napaawang ang bibig ko. Wait, paano ko napasok sa conversation na ito? Paano niya nakuha ang number ko “Yes… Yes, sir, good morning!” Sumaludo pa ako, kahit wala siya sa harapan ko. Professional pa rin kahit para akong hinuhubaran sa mga tinginan nila! “Tomorrow, we reclaim honor. Three names, you got one. Two more enemies. You bring them in alive. This is not revenge. This is justice.” Seryosong sabi niya. Nagkatinginan kaming lahat. Okay, this sounds like it’s straight out of an action movie. Ready na ba ako for Batang Quiapo? “Ano po ang ibig niyong sabihin, sir?” Kabado kong tanong. Kasi, parang kailangan ko pa bang mag-research ng ‘justice’ ngayon? “I created a special task force. I want you, Agent Burikat, to lead that task force. I want you and everyone who’s listening right now to come to Camp Crame at eight hundred tomorrow for a briefing. Don’t forget to bring Nikolai Rynbakov! Is that clear?” “Ho?” “I hate repeating myself, Agent!” “Yes, sir!” NAG END CALL na pero hindi pa rin ako makakilos. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Hindi pa rin ako makapaniwala. THE DEFENSE SECRETARY? SERIOUSLY? “What?” Asik ko sa kanilang lahat? “Alam ko beshy na sexy at makinis ang balat mo hindi mo naman kalangan ibalandra lalo pa naglalaway si Nikolai!” Bigla akong napatingin sa ayos ko walang salitang kumaripas ako ng takbo! “Dudukutin mo yang mga mata niyo!” Malakas ko sigaw habang tumatakbo pabalik sa room ko! ***** Sa isang high-tech conference room na parang pinaghalong military base at Google Head Quarters. LED screens, tactical tables, live satellite feeds sa dingding. Pumasok si General Maximus Oliveros straight posture, matatag ang bawat hakbang, bitbit ang tablet. Lahat kami tumahimik. Halos hindi ako makahinga ang dating kwela ko biglang nawala. Tinubuan ako bigla ng hiya! Nakasuot ako ng dark tactical gear, sharp ang aking mga tingin, pero may latak pa ng lungkot sa aking mukha. Naalala ko na naman ang huling sinabi ni Mama. Napatingin ako kay Cheska isang agent hacker-turned-field operative, abala pa ang bibig niya sa chewing gum habang nagba-browse sa tablet niya. Lumipat ang tingin ko kay Agent Migo sharpshooter, mukhang laging puyat pero deadly pag naka-focus. Kwela at buo ang tiwala ko sa kanya. Then there, Agent Bogs laging chibog at libog ang alam. Pero ‘di ka explosives specialist yan, may bitbit pang siopao habang nasa mission briefing. Si Nikolai Rynbakov a.k.a, the new informant ng aming newly created DayNight task force naka-all-black suit, naka-cross-leg, parang businessman, pero kita sa mata nito ang bahid nang giyera’t kabaliwan. “Ladies, gentlemen, traitors turned tools, and everything in between... welcome to DayNight Special Task Force. Wala nang entro-entro, let get to business.” Seryosong sabi ni Gen. Captain Oliveros. Kahit kabado na akala mo mag audition ako sa PBB Gen. Z heto na iyon. Ito ang totoong misyon. Projector flickers on. Lumabas ang map ng Southeast Asia. Several red pins blink. “Our mission is simple: eliminate the remaining tentacles of Hilario’s international network. Kasama diyan ang commanding officer niyo si General Alvero at Chief Supt. Javier. Still at large. Lahat naka plano na Covert mission na ito. Precise, zero civilian fallout.” “May snacks po ba sa mission na ‘to? Last time, ni hindi ko man lang na-enjoy ang rice sa rasyon.” Tanong ni Cheska habang ngumunguya ng gummy worm kanina chewing gum. Napailing na lang ako busy lagi ang bibig daig pa magka diabetes nito! “Pangarap ko lang maka-mission na may ulam na hindi canned tuna.” Bahagyang patawa na pasaring ni ni Migo! Masamang tingin ang pinukol sa kanila. Puro kalokohan talaga ang lumalabas sa bibig ng mga ito! Pero seryoso sa trabaho! “Focus, special kids. This isn’t a picnic. This is a purge.” Napa english na nga ako. “Nag English kana besh, aka Agent Burikat?” hirit ni Cheska. “Agent Cheska!” Warning ko sa kanya. Inikutan niya lang ako ng mata. “Agent Mharimar, claim mo na talaga ang pagiging burikat na code name? Ayaw mo na palitan? Ang sagwa eh, hindi na naman na si Nikolai ang mission mo,” tanong ni Migo! Nagkatinginan silang lahat sa akin! Napataas ang kilay ko. “Diba kayo nag bigay ng code name ko na iyan? Cheska? Bakit ko pa papalitan okay naman?” Sarkastikong tanong ko. “Oo, kasi local pa ang misyon natin, pero now, you know International Covert operation na, so dapat sosyal na rin.” Banat pa ni Bogs. “Okay na iyan tunog kaladkarin pero nakakamatay rin.” Naghands up na siya. Buti naman tapos na ang usapan sa code name ko! “And our dear friend Mr. Rynbakov here—” Binalingan ni Gen. Maximus si Nikolai. “‘Friend’ daw oh. Yung tipo ng friend na may body count.” Kunwaring pabulong ni Bogs pero dinig naman naming lahat! “—will serve as our inside man. His connections across Belarus, Ukraine, and Singapore will be our gateway to dismantling the black-market arms route.” Patuloy na wika niya. Kahit ayokong makatrabaho ang isang Nikolai Rynbakov mukhang wala akong choice. Weh! Iyon lang ba ang dahilan? Sita ng utak ko! “Hindi lang gateway. Ako ang susi. But—” Ngumisi siya at tumingin sa amin ni General Maximus. “What?!” Naiinis kong tanong sa pambibitin niya. “I want complete immunity. I will not do this for free! I need to protect myself in case I incriminate myself and compromise my entire operations!” Kita ko ang pag iling ni General Maximus. “Very cunning Mr. Rynbakov, very cunning,” aniya at inilabas ang kapirasong papel. “Sign here,” malamig na utos nito. Na lalong ikinangisi ni Nikolai. “That’s more like it.” Agad kinuha ang papel at binasa iyon, maya-maya lalong ikinalapad ng ngisi niya at pinirmahan ito. “Baka ikaw din ang bomba. Kaya tandaan mo Mr. Rynbakov, I’m watching you.” Inirapan ko siya. “That’s all I ever wanted. Your eyes on me, better all the time!” Kumindat pa ang hinayupak! “Enough flirtation. Save it for after you capture these criminals, and the world is saved.” Pagsingit ni General Maximus! Parang natunaw ako bigla sa kahihiyan. Sumipol pa si Nikolai! Nag iritan pa ang tatlo na akala mo, kilig na kilig! Pero gusto lang akong asarin! They successfully did it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD