Ti-nap ni General Maximus ang tablet niya at nag appear sa screen ang limang mukha, kasama doon si Alvero at Javier. May tatlong mukha na pamilyar sa akin maliban sa pangalawang litrato. His code name “The Surgeon.”
Colonel Demetrius Vergara – Arms dealer, Singapore-based. I want you to prioritize him, bukod kay Alvero at Javier! Their details and whereabouts, nandito pa sila sa Pilipinas buti nang unahan natin sila. Para maputol ang contacts ng tatlong ito dito sa Pilipinas!
“Dr. Leonard Hanstein a.k.a The Surgeon” Human experimentation financier, known to operate from Eastern Europe sangkot din siya sa illegal harvesting ng mga body organs especially young adults. Lalo na yung mga nasa kalye at walang pamilya!
Senator Raul Mendoza – Philippine politician, secret funder of ghost operations. None proven, but his name pop on the list. Surveillance muna sa isang ito. Hindi pa fully confirmed ng informant ko.
“Your primary mission: apprehend or eliminate all three within the next 60 days. Fail... and they rebuild what Hilario started and his alipores!”
“Teka sir, sixty days lang? May long weekend pa ako dapat! Tsaka may overtime pay ba iyan?” Reklamong tanong agad ni Cheska the major reklamadora ng team.
“Kailan ba ‘yung day off natin?” Singit ni Bogs na may kasamang palatak at kamot sa batok.
“Paano ang date ko? Patay ma compromise na naman ang love life ko back to zero himas na naman ako for sixty freaking days!” Dagdag pa ni Migo.
Pumunta ako sa gitna at isa-isa silang sinuri. Seryoso ang mukha ko kahit hindi ako sanay. Nawawala ang charming aura ko. This is serious.
“No day off when justice is on the line.” Seryosong tugon ko.
“Wow nagbago na ang beshy ko, dati charming ka pa, ngayon mukhang maging evil b***h boss kita! Sigurado ako zero love life for this mission! Pero ‘di bale love pa rin naman kita and I got your back!” Palatak ni Cheska at tumawa pa.
“F**k you,” walang tunog kong sagot. Nag dirty finger pa ako para aware siya na seryoso ako.
“Well said, Commander Mharimar. Sure, ka na Burikat ka pa rin?” Hindi makapaniwala si General Maximus sa CODE name ko. Well, I’m starting to like it.
“As of today... You lead the field unit. You directly answer to me, no one else. Ayoko ng mole, sa agency ko! Got it?” Seryosong tanong niya.
All eyes turned to me…
“Siya ang team lead?” Nanlaki pa ang mga mata ni Migo! Ang hinayupak na ito walang tiwala sa kakayahan ko!
“Oh, I like this promotion. Very... dangerous. Very sexy and—” Pabiting sabi ni Nikolai, pinukol ko siya ng masamang tingin. Kaya hindi na niya itinuloy kung ano pa ang sasabihin niya.
“Anyone who gets in the way of this mission traitor man o kaibigan, titirahin ko nang walang pag-aalinlangan.” Diretso ko silang tiningnan lahat, kahit si General Maximus tango lang tango. s**t serious na ito! No time for games? Paano ang kiffy at love life ko?
“Amen to that!” Biglang seryosong sagot ni Cheska. There you have it. Everything is final and set!
Lumapit si General Maximus sa akin. He taps my shoulder at diretso sa mata niya akong tiningnan.
“I saw your father in you. You no longer just represent this country. You are the shield between peace and chaos.” Buong katapatang komento niya. Parang kumirot ang puso ko dahil sa pag banggit niya kay papa. For me he died a hero kaya sumunod ako sa yapak niya! The rest is secondary.
“Sir may bonus ba ‘yan, diba? Kawawa naman ang lifestyle ko, fasting na nga, wala pang bonus, baka naman sir,” singit pa ni Migo. Napailing na lang talaga ako!
“Kung mabuhay kayo hanggang dulo baka meron, kung hindi naman pamilya niyo ang makikinabang. Aside from that, hindi lang bonus, may promotion pa! And Commander Burikat, I know you have unfinished business with your father. I will help you find who ordered the hit.” Misteryoso, pero may sinseridad niyang pahayag. Nagbabadyang tutulo ang luha ko pero tumingala ako para pigilan iyon. No way! Ilang beses akong kumurap-kurap. Huminga ako ng malalim. Sumaludo ako Kay General Maximus.
“Carry on,” Tumayo silang lahat. Briefing is done. Mission begins now.
Humarap ako sa kanila, may bahid na konting ngiti, akala ko magiging fugitives talaga kami, pero ngayon may natitirang malinis na tao sa gobyerno, at puno ng positibong resulta at may kaunting kaba. Our life is no longer ours; it’s for the mission.
“Team DayNight. Let's cause some darkness for the enemies.” Pahayag ko. Ayokong masayang ito, para linisin ang pangalan ko, mahuli ang salot sa mundo.
“And a little chaos... just enough to keep it fun.” Segunda ni Nikolai na ikinataas ng kilay ko.
*****
SECOND TARGET MISSION INITIATED!
On the way kami ngayon sa isang Private Resorts sa Antipolo, ayon sa intel dito nag babakasyon si Chief Superintendent Javier! Nagtatago na parang hari, enjoying his vacation swimming pool, maraming babae sa paligid, ayon sa surveillance namin.
“Move in, Team Alpha. No shots fired unless provoked.” Utos ko sa mga kasamahan ko mula sa earpiece na nasa tenga namin.
Boom! Flashbang.
Pumasok ang tactical team namin habang nakahiga sa lounge chair at kingina nag sunbathing na naka swimming trunks pa ang hinayupak na Javier! Mga babaeng nakalingkis sa kanya nag sipulasan ng makita kami. Isang malakas na putok ang pinatama ko sa paanan niya.
“Anong ginagawa niyo?! Wala kayong warrant! I’M THE LAW!” Malakas na sigaw ni Javier. He was surprised of our arrival. Hindi siya nakatunog na darating kami! Wala ng mole sa team ko! All our accounted for!
“Hindi ikaw ang batas, sir. Isa ka lang mantsa na papahiran na namin ng final exit stamp. Posasan ‘yan! Ang daming kuda! Daig pa ang puwet ng manok!” Nakatutok pa rin ang baril ko habang pinoposasan nina Bogs at Migo si Javier!
“Hayop ka Burikat! This is not f*****g over!” Nagpupumiglas niyang sigaw! Sumalubong sa amin ang sangkaterbang press. Pero lahat ‘yon nilampasan namin. We don’t give a statement.
*****
“CHEERS! CHEERS!” Sabay-sabay namin taas ng beer mug namin!
“Grabe walang ka effort ang pagsakute sa Javier na iyon! Wala na kasing bumulong eh!” Banat ni Cheska sabay subo ng pork BBQ,
“Naman! Iba ang malinis at pulidong DayNight Team.” Segunda ni Bogs.
“Siyempre! May celebrations after! Diba Commander Burikat?” Pang aasar ni Migo na ikinailing ko!
“Tado!” Napatingin ako kay Nikolai, nasa labas, mabilis agad sumenyas si Cheska na puntahan ko.
“Penny for your thoughts?” Napalingon siya sa akin, hinarap ako at pilyong ngumiti.
“Akin na? Saan ang penny ko?” Sabay lahad ng pala sa harapan ko. Bahagya siyang tumawa.
“Ano nga!” Kunwari akong nainis at naiinip sa sagot niya.
“Wala naman iniisip ko lang ang safety mo, niyo. This world is dangerous Mharimar.” Gusto kong ngumiti. Ang sarap pala pakinggan na bigkasin niya ang pangalan ko! Stand down, Kiffy; may mission pa tayo!